AKAP (7)

796 33 2
                                    

Tatlong taon nakalipas...

Chynna: Ano ba Althea bumangon ka na dyan. Hindi na healthy tong ginagawa mo eh. Hindi gugustuhin ni Jade to pag nakita kang ganyan.

Althea: WALA KONG PAKIALAM. Umalis sya na walang pasabi. Kaya wala rin akong pakaialam. Umalis ka na nga dito.

Chynna: Hindi Althea. Napapabayaan mo na sarili mo. Nawala na nga restaurant mo pati ba naman sarili mo hahayaan mong mawala.

Umiyak na naman ako. Biglang gumuho yung mundo ko ng malaman ko ang lahat. Nung umalis si Jade, nung sekreto nya at ni Geoff. At itong bahay.

Chynna: Taha na Althea. Please naman oh! Nahihirapan din kaming nakikita kang ganyan eh.

*Flashback*

After ng thank you speech ni Tatay eh agad kong hinanap si Jade para magpasalamat. Dahil sa kanya naibalik na iyong lupa't bahay dito sa Pampanga.

Althea: Solenn si Jade, nasaan sya? Gusto kong magthank you sa kanya. Tama nga si Tatay sobra-sobra yung natanggap ni tatay ngayon araw.

Solenn: Oh yung luha mo. HAHA Umalis na si Jade eh. Tinawagan sya ng Dada nya, pinipigilan ko nga eh sabi ko magpaalam muna sayo eh.

Althea: Talagang babaeng iyon lagi nalang syang ganun di man lang nagpapaalam... Itetext o tatawagan ko na lang sya. Saya ko ngayon Sol para ako yung may birthday. Pasalamat talaga ako kay Jade.

Solenn: Halata nga eh...Yaan mo thankful din naman iyon si Jade kasi alam nyang napasaya nya tatay mo and even you.

...

After noong party di ko pa rin makontak si Jade. Out of reach sya.

Halos lahat ng kaibigan ko pinakontak ko na kahit si Solenn kaso wala talaga eh. Saan kayang lupalop na naman iyon nagsusuot.

Dumaan ang araw linggo buwan walang Jade na nagpaparamdam.

Hindi na ako nakatiis at pinuntahan ko ang office ni Jade. Kung saan din nagttrabaho si Geoff.

...

Frontdesk

Althea: Hi Miss. Andyan ba si Jade Ramos? Paki sabi si Althea de Castro.

Receptionist: Ah Miss Althea. Matagal na pong hindi nagttrabaho si Maam Jade dito eh.

Althea: Ha baka nagkakamali ka lang Miss. Diba si Jade ang COO ng company nyo. Imposibleng hindi na sya pumapasok.

R: Ah si Mister Geoff Caballero na po ang COO ng company ni Mr. Ramos.

*Ah si Mister Geoff Caballero na po ang COO ng company ni Mr. Ramos... Ah si Mister Geoff Caballero na po ang COO ng company ni Mr. Ramos... Ah si Mister Geoff Caballero na po ang COO ng company ni Mr. Ramos.*

Parang sirang palaka na paulit-ulit sa utak iyon sinabi ng kausap ko.

R: Miss Althea gusto nyo pong si Mr. Cabellero na lang po kausapin nyo?

Althea: Ah wag na Miss. Salamat na lang. Sige mauuna na ako.

Umalis na ako. Gustong-gusto kong sumabog. Bakit kailangan nilang maglihim sa akin.

...

Resto

Geoff: Hi Baby.

Iniwas ko yung mukha ko sa kanya.

Althea: Kailan mo sasabihin sa akin Geoff?

Geoff: Anong ibig mong sabihin Althea?

Althea: Ang posisyon mo sa kumpanya nila Jade? Kailan Geoff?

AKAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon