Chapter 10

48 0 0
                                    

KRISTIAN'S POV

"Aika don't cry please. Ano bang nangyayari?"

Hinarap nya sakin yung ipad nya. May msg si Abby.. Si Abby nag msg. Nagulat ako at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. kung pano..

"Bakit mo pinakekeelaman account ako?!"

At eto na.. hindi kona nalaman kung ano ang lumabas sa bibig ko mga salitang nagpumiglas at tumagos sa damdamin ni Aika..

"Wow? So i don't have the rights to check your account? Then thanks. You know what? I don't need a guy who keeps a secret behind my back.."

Ano ang gagawin ko.. Ang babaeng pinakamahalaga sa buhay ko ay parang maglalaho.. Hinayaan kona kung ano ang susunod na mangyayari aalis na sya at kaylangan ko ng isang matibay na salita para mapigilan sya..

"Ex ko si Abby.." Huminto sya sa paglalakad at natumbang bigla. Para bang hinang hina sa nadinig nya..

Matalinong babae si Aika at alam kong makukuha nya agad ang ibig kong sabihin pero sa halip na ipaliwanag sakanya ang mga pangyayari pinili ko nalamang na yakapin sya at hayaang umiyak..

"Ako lang? Ako lang ba? Ako lang ba ang walang alam sa mga pangyayari?! Si Carl at ikaw magkaibigan at pareho nyong si Ex si Abby? Is everything was just a plan?!"

"No Aika, Everything was real.. especially my feelings for you.."

Kinuwento ko kay Aika ang lahat at para syang isang kandilamg sinisindahan sa magkabilang dulo na hinahabol ng isang madilim na kahapon ngunit nagpupumilit tumakas sa panget na kasalukuyan.. Hindi ko ginusto to.. Hindi ko ginustong saktan ang babaeng mahal ko..

"Yung sa bar? Yung sa tagaytay? Alam mo din yun?" Mahinahon ngunit puno ng lungkot ang boses nya..

"Nalaman ko yun nung araw bago nakipaghiwalay sayo si Carl.."

"Kaya pala. Kaya pala alam mo na nagkahiwalay na kami kahit pareho kaming sabay na nawala.."

"Aika please i'm sorry."

"Ang galing. One night stand. Just one night na pinagtagpo tayo na nagdulot para mas lalo pang gumulo ang buhay ko. Para kong nasa maze na paikot ikot lang.."

"Aika totoo yung nararamdaman ko sayo.."

"Pero ako.. Hindi kona alam kung kaya kopang maging totoo.."

Guys read nyo. On going pa. Haha :)

"MAGKAIBA" on Wattpad. http://w.tt/1z4abSV

One night standTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon