Chapter 13

24 0 0
                                    

AIKA'S POV

Ang sarap nyang tignan. Ang sarap nyang pagmasdan.. Pero ang sakit din. Dahil walang kasiguraduhan kung hanggang kelan kopa sya masisilayan.. Alam ko.. Alam kong dadating din yung araw na babawiin na sya sakin ni God..

"Oh naiinlove ka nanaman sakin Aika.."

"Sira! Ang kapal modin eno?"

"Aika.. Mahal na mahal kita"

"Alam mo, mas mahal na mahal kita.. kaya Carl, please magpagamot ka nalang. Ayokong mawala ka :'("

Tuluyan nakong naluha. Diko mapigilan.. Nasasaktan ako alam kong ano mang oras pwede syang mawala sakin :'(

"Aika makinig ka ha.." hinawakan nya ang kamay ko, nanatili lang akong umiiyak at di nagsasalita habang nagpatuloy sya sa pagsasalita..

"Kahit magpagamot ako walang kasiguraduhan yon kung gagaling bako o mawawala din ako. Kaya hanggat may natitira pang araw sa buhay ko.. Aika gusto nalang ibuhos sayo to.. Alam kong sobra kitang nasaktan nang mga panahong pinalayo at iniwan kita.."

"Sana nakinig nalang ako sayo. Sana pinakinggan kita para hindi nasayang yung panahon.. Carl sorry"

"Shh Aika, pls? Request. Ayokong makikita kang umiiyak. Gusto ko na lagi tayong masaya sa mga natitira kopang araw"

CARL'S POV

Isang buong araw na puro lang saya at tawa, ang sarap nya makitang masaya, hindi ko alam kung hanggang kelan.. pero sa ngayon gusto kong sulitin ang bawat sandali, si Aika ang una at huling babaeng mamahalin ko ng ganito..

"Aika.. makinig ka sakin a.." nakahiga kami ngayong dalawa pinagmamasdan ang kinang ng mga bituin, bilang tugon sa sinabi ko nanatili lang syang tahimik tila nagiintay ng mga susunod kong sasabihin..

"Aika, yang mga bituin na yan, alam moba karamihan sakanila patay na pero nakikita padin natin sila.. alam mo ganun din sa tao, pag mahal mo ang isang tao kahit matagal natong naglaho patuloy mo parin tong maaalala dahil nakatatak na sila sa puso mo.."

"Aika, pag nawala ako sana bituin ako para sayo.. aika kahit wala nako tandaan mo gusto kong malaman mo na ikaw ang una at huling babaeng mamahalin ko ng gan.."

naputol ang pagsasalita ko, lumakas ang mga hikbi ni Aika, humigpit ang yakap nya at hinahabol nya ang kanyang hininga.. ang hirap makitang ganto ang taong mahal mo, ganto pala to.. ganto pala kahirap magpaalam lalo na't alam mong mas mahihirapan sya sa pagkawala mo..

"Carl, pw-pwede, pwede bang wag ka nalang mawala. Carl ba-bakit ba kasi sa-sayo pa"

"Aika tama na, tahan na. Nahihirapan kana o. Ano kaba sus, magpapahinga lang naman ako e? Diba ayaw mo ng nahihirapan ako?" Pinipilit kong magpakatatag para kay Aika, kailangan matapang ako para maging matapang din sya.. pero ang hirap..

"Carrrrl!!!"

Mas lumakas pa ang iyak nya.. at dahil hindi na nya kayang magsalita sa sobrang iyak nya tanging pangalan ko nalang ang nasabi nya.. para makalma sya niyakap ko sya.. at sa yakap kong yon naramdaman ko ang bigat ng dinadala nya

"Aika pag nawala nako gusto ko sumaya ka.. may isang taong nagaantay sayo.. isang taong mahal ka.. taong tulad ko na seryoso ang nararamdaman sayo. Sa araw na kailangan konang magpahinga hanapin mo sya a? Tanggapin mo ulit sya sa buhay mo.. Aika mahal ka nya. At tiwala akong mamahalin ka nya at aalagaan.."

"Carl.. i love you"

"I love you more.. maybe now destiny didn't agree with us. But maybe in the other life destiny will.."

One night standTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon