Papa Doc

95 11 3
                                    

Hi Guyss!!! Tawagin niyo na lang akong Psyche hindi ko sya totoong pangalan pero pangarap ko.

Siguro nagtataka kayo bakit ko ito isinusulat, Sinulat ko ito para kahit papaano mailabas ko lahat ng aking saloobin kasi sa sobrang sakit nakakamanhid na ei kaya sana huwag niyo akong husgahan.

Simula Bata pa lang ako namulat na ako sa isang magulong pamilya. Hindi kami mayaman hindi rin mahirap kung baga tama lang nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Isang gabi taong 2009 Bali 6 years old pa lang ako nito, nakarinig ako ng kalampag ng mesa namin kasunod ng sigaw ni papa, hindi ko na matandaan ang ang pinag-usapan nila pero Simula noon nagsimula na iyong magtuloy-tuloy.

Sa bawat gabi nilang pag-aaway umiyak ako sa isang tabi sa kwarto naming magkakapatid tanging tulo ng luha ko lang ang lumalabas, walang salita o hikbi man lang. Kapag pumapasok na si mama sa kwarto nagkukunwari akong tulog na para bang walang mangyari.

Hanggang sa nagsimula si mama ng magtrabaho kadalasan gabi na siya na-uwe mga pagsapit ng Alas dose. Gabi-gabi wala silang ginawa kung hindi mag away Hanggang sa isang gabi, matapos nilang mag-away pagpasok ni mama sa kwarto namin nakita nya akong umiiyak wala syang sinabi saakin nung gabing yon, niyakap lang niya ako.

Kung alam ko lang na iyong na ang hurling gabi titira siya saakin Di sana napigilan ko pa.

Lumipas ang mga gabing wala si mama nalaman ko ang dahilan na may lalaki daw siya, nagtanim ako sa kanya ng galit pero anong magagawa ko Bata lang naman ako.

Hanggang sa isang gabi naisip ko, kailangan may babalanse sa pamilya namin kaya kahit na mahirap pinilit kong tumulong kahit papaano,maging ate sa nakakatanda kong kapatid na babae na nagkasakit, natutunan kong isuot ang maskarang masayahing Bata kahit sa totoo lang durog na durog na ako wala akong pinagsabihan nagkunwari akong walang alam kahit sa loob ko unti-unti na akong nasisira.

Gusto ko silang sumbatan!! Galit na galit ako sa kanila pero kahit ganun magulang ko pa rin sila. Mahal na mahal ko sila kaya nagpapakatatag ako wala silang narinig kahit isang panunumbat saakin!!wala kahit isa!.

Lumipas ang mga taon tanda ko pa noong grade seven ako.

Isang gabi iyong kuya ko nag-away kami. Nagkapisikalan Hanggang sa sipain niya ako sa may likuran ng malakas ang sakit nun Grabe napaka sakit pero may mas isasakit pa pala ang sila niya nuong sinabi niya ang katagang "Ikaw ang dahilan kung bakit nagkasira-sira ang pamilya natin eh!!" para akong nabingi nun ,parang yun sakit na naramdaman ko sa likod na wala at napaltan ng matinding kirot sa puso....gusto kong sumigaw ng oras na iyong sa sobrang sakit pero hindi ko magawa masyado akong naduduwag.

Makalipas ang gabing yun narealize ko wala akong kwenta.

Hanggang sa makilala ko si Papa Doc noong unang kita niya pa lang saakin na nakaupo sa isang tabi sabi niya "Bakit ka umiiyak?" nagtaka ako kasi nung oras na iyon wala ni isang patak ng luha sa mga mata ko nakaupo lang ako nun sa upuan habang nakangiti sabi niya "Nakangiti ka nga pero umiiyak ang mga mata mo" noong oras na yon Di ko alam kung anong pumasok sa mata ko at sunod-sunod na tumulo ang mga luha sa mata ko,sa unang pagkakataon sa loob ng 12 years umiyak ako ng parang bata,humagulgul ako at pilit inilalabas ang mga luha sa mata kong matagal nang nagtatago, lahat ng sakit nailabas ko sa simpleng iyak lang.

Doon nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Doc ayaw niya ng tawagin ko siya sa pangalan o apelyido niya gusto niya Papa Doc, Simula noon sumaya ako ng todo-todo kasi may nakakaintindi na rin saakin sa wakas.

Hanggang sa isang araw nagulat ako ng dalhin ako ng parents ko sa isang psychologist tinanong ko kung bakit pero ngiti lang ang sinagot nila saakin.

Habang hinihintay ko sila sa labas ng pintuan at nakita ko si Papa Doc na naglalakad kaya nilapitan ko siya at kina-usap habang natawa kami nag taka ako ng ituro niya ang pinto na may siwang.

Lumapit ako doon at narinig ko ang sabi ng doktor habang kausap si mama, "Alam niyo po bang may sakit ang anak niyo?" Sabi ng doktor kay mama "" po?" Sagot ni mama.

Tumingin naman ako kay Papa Doc nagtaka ako nung sumenyas siya na making lang

"Tatapatin ko na po kayo misis diba po ang sabi niyo at parang meron lagi siya ng kausap kahit wala naman talaga, Ang anak niyo po at malapit ng bumigay sa emotional stress na nararansan niya na sa sobrang sakit na nararamdaman ng anak niyo nagkaroon siya ng selfdefense mechanism kung saan may nakikita siyang tao para mapagsabihan ng kanyang saloobin at nararamdaman pero ang totoo ay wala talaga siyang kausap na Papa Doc na matatawag lahat yon gawa lang ng isip niya para hindi tuluyang bumigay sa sobrang sa-"

Noong narinig ko iyon parang tumigil ang ikot ng oras at dahan dahan akong napalingon kay papa Doc nakita ko siya ng unti-unting tumatango na para bang sinasabing tama lahat ang sinabi ng doktor kumabog ng malakas ang puso ko parang naninikip kasabay noon ang pagsigaw nila mama at pagtumba ko.

Nang magising ako sa isang paraiso Grabe ang pagka mangha ko sa paligid kasabay ng pagkakita ko kay Papa Doc.....tinakbo ko ang distansya namin at hinawakan siya pero nagulat ako ng tumagos ako, ano pong nangyayari Papa Doc? Gusto ko sana yan itanong kaso lang pinigilan niya ako at sinabi niyang "Makinig ka Psyche isa lang akong kathang isip binuo lang ako ng utak mo para maibsan ang sakit na nararamdaman mo pero tatandaan mo kahit kathang isip lang ako mahal na mahal kita para na rin kitang anak. Kaya kahit wala ako sa totoong Mundo nandito naman ako (sabay turo sa may dibdib ko) sa puso mo kaya lagi kang magpapaka tatag ha" sabay halik sa noo ko

Kasabay noon ang pagmulat ko sa hospital. Nagulat ako ng niyakap ako ni mama at sabing "Anak nandito si mama kung may masakit sabihin mo lang ha" hindi ko alam ang nararamdaman ko at ang nag-away ko lang at tingnan siya sabay sabing "Ma hindi na kailangan nandito na si Papa Doc (sabay turo sa dibdib ko) sa puso ko para hindi na ako masaktan pa.

Kasabay nun ang paghagulgol ng mama ko.

Hindi ko alam kung bakit umiiyak si mama pero ang alam ko lang hindi na ako masasaktan kasi nandito na si Papa Doc.

Hindi ko man sya makita at least alam kong nasa puso ko siya at magiging masaya na kami habang buhay.......tama habang buhay.

-----Wakas----

No More PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon