Different Path

42 7 0
                                    

Hi guys my name is Marie twenty two na ako nang mangyari saakin ang ikukuwento ko.........ang kwentong hindi ko malilimutan.

Tandang-tanda ko pa ang unang araw na makita ko siya hindi siya iyong tipong secretary niya ako at boss ko sya, o kaya kababata ko sya wala ni isa doon ang nangyari sa una naming pagkikita.

Nagkakilala kami dahil sa isang common friend namin, hindi ko nga alam ang mangyari eh, parang may spark agad noong una naming pagkikita.

Syempre hindi doon mawawala ang pagpapalitan namin ng numero. Doon na rin nagsimula ang gabi gabi naming pag-uusap sa telepono at pagte-text sa isa't isa ansaya namin noon.

Lumipas ang isang taon ng nagtapat siya saakin sobrang saya ko noon para akong nasa alapaap gusto ko kaagad siyang sagutin ngunit natakot ako Baka maturn off siya saakin kapag ginawa ko kaagad iyon, kaya naghintay ako hanggang sa panglimang buwan ng pangliligaw niya at sinagot ko na sya.

Naming masaya kami noon, iyon na yata ang pinaka masayang araw sa buhay ko, pero alam naman natin na hindi lahat ng story a nagtatapos sa happy ending.

Tutol ang mama ko sa relasyon namin ni Mario ayaw nila mama sa kanya kasi mahirap siya, gusto ni mama sa mayamang tao ako mapakasal.

Tumutol ako nang sabihin iyon ng mama pinilit namin lumaban pareho napilitan akong sumuko ng pagbantaan ni mama ang pamilya ni Mario.

Sumuko ako kahit ayaw ko tandang tanda ko pa ang sinabi ko sa kanya "Mario naisip ko tama ang sabi ni mama na hindi tayo bagay kaya dat lang tayo maghiwalay"

Kitang-kita ko ang pagbalatay ng sakit sa mata niya pinilit niya akong bawiin ang sinabi ko pero kahit gusto kong sabihin na mahal na mahal na mahal ko siya at hindi ko ginawa kasi gusto ko siyang mabuhay at makahanap ng babaeng nararapat sa kanya iyong kayang kaya siya ipaglaban at hindi susuko hanggang sa huli.

Lumipas ang mga taon na wala siya nabalitaan kong ikakaasal na siya sa kababata niya gusto ko siyang pigilan kaya dali-dali akong pumunta sa simbahan ng pagdada-usan ng kasal.

Pagdating ko doon nakita ko si Mario na nakangiti iyong ngiti nya noon na para saakin lang pero ngayon iginagawad niya na sa babaeng kaharap niya sa altar.

Para akong natuod noon sa pwesto ko, gusto kong itigil ang kasal pero naalala ko na ito ang gusto ko. Na lumigaya ang nagiisang tao na minahal ko ng lubos lubos kaya kahit masakit ay tatanggapin ko, ganun naman kasi ang love dapat hindi sya selfish, kung alam mong hindi na siya masaya sayo kailan mo na siyang pakawalan.

Hindi ko alam kung mababasa mo ito Mario pero ito lang ang gusto kong sabihin sayo Mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon.

Hindi man tayo para sa isa't isa ngayon pero sa susunod nating buhay ipaglalaban kita magkaiba man ang landas natin ngayon pero sisiguraduhin ko sa sunod pareho na.

Gamit ang natitira kong lakas isinulat ko ang liham ko para sayo. Sana nabasa mo ito.

Makalipas ang isang linggo ng kasal ni Mario ay namatay si Marie dahil sa pagliligtas sa isang bata.Kinabukasan noon ay may natanggap si Mario na liham mula kay Marie.

Dear Mario,

Hindi ko alam kung nababasa mo ito pero gusto ko lang sabihin na Simula palang noon mahal na mahal kita, iyong mga ngiti mong nakakahawa kaya nga kita nagustuhan.

Ikaw iyong nagbigay liwanag sa buhay ko. Inaamin kong naging duwag ako para ipaglaban ka pero kahit sobrang sakit hindi ako nagsisi kasi tingnan mo ikakasal ka na sa wakas.

Kahit magkaibang landas ang tatahakin natin sana masaya ka na.

Basta pangako sa susunod nating buhay tayo naman ang ikakasal.,sa huling pagkakataon Mario

MAHAL NA MAHAL KITA, PAALAM!

- Marie

-------------------Wakas------------------

A/n

   Merry Christmas guys!!!! Salamat sa pagbabasa nitong story na ito

No More PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon