Kanina, pagkauwi galing eskwela,
Isang papel, aking dala-dala.
"Nay, heto na po ang grades ko." aking sabi.
Ako'y nagtaka, anong nangyari?
Ni walang tanong, sila'y nagalit.
Sila'y nagalit sa gradong nakalapat sa isang kapirasong papel.
hindi ba't dapat ako ay magpunyagi?
Sapagkat kahit papaano'y 'di naman ako bagsak sa klase?
kahit anong eksplenasyon ang aking sabi,
hindi nila maintindihan ang aking hikbi.
Kasalan bang hindi manguna sa klase?
"Patawad po." bulong ko nalang sa sarili.
Dulot ng pagka-bigo
Lahat ay maaaring magbago
Gabi-gabi'y nananalangin.
Na sana'y kanilang maintindihan at dinggin.
Sa Bintana, ako'y dumungaw
Itim na kalangita't bituin aking natanaw.
Ako ay nangangarap,
na sana ako'y kanilang matanggap.
Ang puot na aking nararamdaman,
Ay sing itim na ng kalangitan.
Lungkot at pusong nasaktan,
kailan kaya mabibigyang lunas at maiibsan?
Lagi nilang sabi, "Bakit di mo gayahin ang ate mo?"
Sumagi sa isipan ko,
kung gagayahin ko ang ibang tao,
Sino naman kaya ang gaganap bilang ako sa mundo?

BINABASA MO ANG
Poems from the heart
PoetryPoems fron the heart is originally written by me according to my own "Experience" and Especially my "Feelings" . Hope you'll enjoy reading my poems.. thanks!