itong tula ay alay lamang sa'yo aking minamahal
wag ka sanang mainip kung ito'y mejo mahaba't matagal
sapagkat itong aking tula ay galing pa sa kaibuturan ng aking puso
na magpahanggang ngayon ay umiibig parin sa'yo
hindi makatulog habang ikaw ay iniisip
puso ko'y kumakabog kapag ika'y nasa panaginip
minsan iniisip ko
ano nga ba ang meron sa'yo?
Sa tuwing ika'y nakikita
ako'y di makapag salita
Parang ako ba'y takot na takot
na tila mundo ko ay tumigil na sa pag-ikot
Oh, sana ikaw na ang aking one true love
pagkat itong damdamin ko'y ikaw lang talaga ang love
Weird man pakinggan
ngunit ito naman ay purong katotohanan
walang halong biro,
dahil ito narin ang sabi ni Kupido.
Tanging hiling ko lamang
Wag ka sanang maging mangmang
Dahil lahat ng aking ginawa
ay para sayo lamang aking sinta.
Kaya nga lang minsan
ay puro naman kapalpakan
Pero kahit magkagayon man
ay punong-puno naman ito ng effort
na walang makatutumbas
na kahit sino pa man.
BINABASA MO ANG
Poems from the heart
PoetryPoems fron the heart is originally written by me according to my own "Experience" and Especially my "Feelings" . Hope you'll enjoy reading my poems.. thanks!