Inspirasyon o kasiraan ng konsentrasyon?

62 0 0
                                    

Ako'y nababaliw sa tuwing ika'y nakikita

Hindi alam ang Gagawin kapag ika'y nand'yan na.

Oh, Ang Aking Puso!

Titibok-Tibok ng Husto!

Ano nga bang meron sa kanya?

At ako'y tila nahulog ng hindi sinasadya.

Siya nga ba'y Inspirasyon?

o Kasiraan ng Konsentrasyon?

Kapag nga naman tumibok ang puso,

Wala ka ng magagawa kundi sundin ito.

Kamangmangan, katangahan, kabaliwan

yan ang sinasabi ng mga taong may mapait na karanasan.

Pero paano maniniwala kung hindi  pa nararanasan?

Masiyado pa raw bata para sa ganyang usapan.

Kaya't wag munang pasukin ang ganyang bagay

Sapagkat may tamang panahon din sa'tin ay nag hihintay.

"Mag-aral kang mabuti", ang sabi ni nanay

"At wag ka muna mag boypren", ang sabi ni tatay

Aral muna bago pag-iibigan

Upang sa hinaharap ay may magandang kinabukasan.

Poems from the heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon