Karma

45 0 0
                                    

pagmamahal mang maituturing,

sa bawat taong nandirito sa'ting daigdig

nang dahil sa poot, galit at inggit

 

 

may pag-ibig pa ba kayang maituturing?

 

 

taong ganid sa lahat

pag-ibig man o kayamanan

ginto't pilak na hinahangad ng karamihan

dahil sa mga ito ay nabubuo ang poot, galit at inggitan.

 

 

ano na lamang kaya ang mangyayari sa pangkalahatan?

 

 

pero sa panahong ito ang lahat ay nag iiba

kahit mga muwang at walang kasalanan ay nadadamay

dahil lamang sa mga maling akusasyon at akala.

 

 

lahat tayo ay hindi naman perpekto.

kaya kahit na anong gawin ng isang tao

ay hindi magagawang makamit ang salitang ito.

 

 

wag ng umasam na makamit ang tayog ng langit.

dahil sa mga sabi-sabi,

kung gaano man ang iyong tayog na nakamit

ay siyang tayog na iyong ikakabagsak rin.

 

 

matutong tumingin at bumalik sa iyong pinanggalingan.

wag masilaw sa mga mapangahas na kayamanan.

matutong mag mahal at maging matapat

at wag ang manloko ng iba

 

Dahil ang lahat ng iyong gagawin sa iba

ay siya ring babalik sa iyo ng walang pakundangan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Poems from the heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon