FIWABB-2

4.2K 94 9
                                        

Finley's POV


"P-Po?" tanong ko, halos pabulong, sabay siksik kay Sharma. Nakakatakot kasi talaga ang boses ng lalaking 'yon—mababa, madiin, at parang may kasamang banta.


Agad kaming lumabas ng elevator bago pa ito tuluyang magsara. Pero kahit nakalabas na, ayaw ko pa ring humiwalay kay Sharma. Para akong kuting na sumisiksik sa nanay nito, sobrang dikit ko sa kanya. Hindi naman sa duwag ako, pero hello? Baka bigla akong suntukin nitong si Zeus. Grabe siyang makatingin, para akong ini-scan ng buong pagkatao ko. Nakakailang. At ang unfair, kasi ako lang ang tinititigan niya ng ganon—hindi man lang tumingin kay Sharma kahit isang segundo.


Napayuko ako. As in, yukong-yuko na parang may dalang sampung kilong bigas ang ulo ko. Kung pwede lang, ilubog ko na ang mukha ko sa sahig.


"WHY THE HELL DID YOU USE THAT FUCKING ELEVATOR?!" sigaw niya ulit, at parang may bumulahaw sa buong hallway. Halos magpantig ang tenga ko sa lakas. Para akong binugahan ng sound wave—grabe, nakakasira ng eardrums. At siyempre, dahil ang lakas ng boses niya, nakuha niya rin ang atensyon ng mga estudyanteng naglalakad sa paligid.


Napansin ko, pati si Sharma nanginginig na. Hindi na siya makapagsalita. Pasimple kong nilibot ang tingin ko sa paligid, at ayun nga—ang dami nang nakatingin sa amin. May iba pang nagvi-video pa yata. My God, first day pa lang namin sa university pero instant celebrity na agad kami? Not the kind of fame I wanted, to be honest.


"ANSWER ME, STUPID!" sigaw niya ulit. Tangina, nakakainis na talaga.


That was it. All the fear I was feeling earlier suddenly shifted into pure, boiling anger. Yung tipong nagshort circuit ang utak ko sa inis.


"HINDI KAMI BINGI, KAYA 'WAG MO KAMING SIGAWAN!" sigaw ko pabalik, ubod ng lakas.


Napansin kong napaatras ng bahagya si Sharma sa gulat, at ngayon siya na ang nakakapit sa braso ko. Kahit ako nagulat sa sarili ko. Sinigawan ko ang lalaking mukhang lider ng frat, tapos ang itsura parang laging ready makipagsuntukan.


"Finley," mahinang tawag sa akin ni Sharma, parang warning, pero late na. Wala na, nasigawan ko na si Zeus.


Narinig ko ang mga bulungan ng mga students sa paligid:


"Hala, sinigawan niya si Zion?"


"Ang tapang ah."


"Sino siya para sigawan si Zion?"


"Naku, ipagpe-pray ko na lang ang kaluluwa niya kay Lord. Amen."


Halata sa mukha ng lalaki na nabigla siya. Pati na rin yung dalawang kasama niya—yung mukhang playboy at yung mukhang joker—mukhang nabigla rin. Pero agad niyang na-recover ang composure niya at biglang lumapit sa akin. Hinablot niya ang braso ko na parang may balak akong takasan siya.

Falling in Love with a Bad BoyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon