Finley's Pov
━━━━━━━━ ✤ ━━━━━━━━
"Finley gising na" narinig kong sabi ni mommy sabay yugyug sa akin ng konti.
"5 minutes mom" sabi ko at nagtalukbong ng kumot. I'm still sleepy, anong oras na ba ang natulog kagabi?
"Na-uh male-late kana." sabi ni mommy kaya naman napilitan akong umupo at kinusot ang mata ko. Tumayo naman si mommy mula sa pagkaka-upo sa kama ko
"I can't believe college na ako" i murmured.
"Stand up now dear then take a bath." sabi ni mommy.
"Okay mom" sabi ko at tumayo na at dumeritso sa banyo.
Binilisan ko ang pagligo ko dahil ayaw kong ma-late sa school. Duh! First day kaya ngayon nakakahiya naman kung ma-late ako ano! Nang natapos akong maligo ay agad akong nagbihis at naglagay ng kunting pulbo at liptint. Yeah liptint is life! Pagkatapos kong mag-ayos ay agad akong bumaba at dumeritso sa dining room. Nakita ko naman si daddy na nagbabasa ng newspaper at si mommy naman na busy sa pagkain. Lumapit naman ako kay mommy.
"Good morning mom" sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.
"Hmmm..sige na maupo kana at kumain" sabi ni mommy.
Tumango naman ako at lumapit kay daddy at hinalikan siya sa pisngi.
"Good morning din daddy" I greeted him at naupo na ako.
"Good morning too baby" sabi sa akin ni daddy at ngumiti yung tipo bang nang-aasar! I hate to be called baby! Hindi na ako bata.
"Wag mo ako simulan daddy" I faked a smile to him.
Mahina naman siyang natawa tsaka tumango tango. Tsk, I'm turning eighteen months from now.
"Hatid kana namin Finley?" tanong ni mommy.
"Wag napo mommy papahatid nalang ako kay Mang Kanor" sabi ko at ininom ang gatas.
"Okay take care sweetie" sabi ni mommy kaya tumango naman ako.
Mabilis ko namang tinapos ang pagkain ko at agad na tumayo at sinukbit ang bag ko sa balikat ko. Hindi naman ako late pero I am excited so I'm rushing.
"Mauna na ako my, dy" sabi ko sa kanila at tumakbo na palabas.
Paglabas ko sa bahay ay nakita ko naman si Mang Kanor na nagpupunas ng salamin ng kotse kaya lumapit naman ako sa kanya.
"Magandang umaga Mang Kanor, tayo napo" sabi ko.
"Sige sakay napo kayo Ma'am Finley" sabi niya kaya tumango ako at sumakay na sa kotse.
Pagdating sa school ay dinukot ko naman ang cellphone ko sa bag at tenext si Sharma, my bestfriend.
Where are you?
Agad naman siyang nag reply sa text ko. Buti naman. Akala ko paghihintayin pa ako ng matagal eh. Napanguso naman ako ng maalala na lagi ako nitong pinaghihintay sa texts niya. I opened her message.
I'm at your back.
The hell! Agad akong tumingin sa likod ko at nandoon nga siya nakatayo habang nakangisi. This witch!
"Grabe naman Shar! Hindi mo man lang ako sinabihan na nandito ka na pala. Talagang pinagtext mo pa ako sayo!" sabi ko sa kanya nang makalapit ako sa kanya.
"I missed you too Finley!" sabi niya at niyakap ako.
"Sarcastic mo" sabi ko sa kanya habang nakasimangot.
"Paano ba naman kasi yan agad ang salubong mo sa akin. Walang bang bago?" tanong niya.
"Wala.Tara na nga baka ma-late pa tayo" sabi ko at hinila na siya papasok sa University.
"Grabe naman ito. Sige ikaw na ang excited" sabi niya at tumawa nang mahina.
"Neknek mo" sabi ko sa kanya at inirapan siya.
"Buti nalang nakuha na natin ang schedule natin noong isang araw no. Tignan mo oh ang haba ng linya" sabi niya at tinuro ang Registration Office kung saan malapit namimigay ng schedule. Iba-iba kasi ang opisina.
Masyadong bongga ang paaralang ito no.
"Tara na" sabi niya kaya tumango nalang ako at nagsimula na kaming maglakad patungo sa classroom namin.
"Room 203" sabi ko sa kanya.
"Ayy bongga talagang nasa third floor tayo" sabi niya sakin na halata naman ang pagka sarkastiko sa boses niya.
"Pfft mas malala panga noong high school tayo eh hahaha" sabi ko at tumawa.
Paano kasi noong high school namin talagang nasa top floor talaga kami to think na 5ft floor ang kataasan ng building. Pagdating sa 5ft floor sira sira na ang ayos hahaha.
"Is that an elavator!" patiling sabi ni Sharma kaya agad akong tumingin sa tinuro niya.
"Elavator nga!" sabi ko
"Wow talagang napakayaman ng may-ari nitong school ha" sabi niya kaya tumango naman ako.
"Yeah" pagsang-ayon ko sa kanya.
"Tara na Finley" excited ng sabi niya at hinila ako patungo sa elavator.
Habang papalapit kami doon ay napansin ko namang parang hindi naman ata ginagamit yun, kasi yung nga estudyanteng papaakyat ng hagdan ay dumaan na sila dito. Huminto naman ako sa paglalakad kaya napatingin sa akin si Sharma.
"Oh bakit ka tumigil? Tara na baka mamaya magsiksikan sa loob eh" sabi niya sakin.
"Para namang hindi ginagamit ang elavator nayan eh. Tignan mo oh dinadaan daanan nalang nila" sabi ko at tinuro ang mga estudyanteng umaakyat sa hagdan.
"Wag kang ano diyan Finley, tara na para mabilis tayo yepey!" sabi niya at hinila ako. Bumukas naman ang elavator at agad na nagtinginan ang estudyante sa aming dalawa ni Sharma at agad na nagbulongan.
"Hala bakit sila nandiyan?"
"Gagamitin nila?"
"How dare them!"
"Alam ba ito ng The Wolves?"
"I think bago sila dito"
"Lagot na"
Magsasalita na sana ako ulit ng hilahin ako ni Sharma papasok sa loob ng elavator. Pinindot niya naman ang 3rd floor kung saan naka locate ang classroom namin.
"Ehhh ang galante talaga ng school na ito ano!" sabi niya at kumindat sa akin.
Ngumiti nalang ako sa kanya pero ang totoo ay kinakabahan ako. Feeling ko kasi may hindi magandang mangyayari eh! Ang lakas ng heartbeat ko parang nakikipag karera lang ang peg nito. Sino ang The Wolves? Nabanggit yun ng babae kanina eh.
Bumukas naman ang elavator kasabay nang pagbungad sa amin ng tatlong kalalakihan na parang, parang, parang, teka nga si kilala ko ito eh.
Zeus? Poseidon? Hades?
"The fucking audacity you two have to used this fucking elevator!"
Lagot na! O___________O
━━━━━━━━ ✤ ━━━━━━━━
©® m i s s m o o n g r a y