Oo na!
__________________
Shaznae's POV.
(3:00 pm)
And yeah, tapos na lahat ng subject namin.
And as usual..Hihintayin na naman namin si Thalia dahil may practice pa ito.
"Ano oras kayo matatapos?" Tanong ni Sabrina
"Yung dati padin." Sagot nito kaya tumango nalang kami
Tinawag na sila para magpractice, nasa gymnasium nga pala kami.
And again, umupo kami sa may bench pero this time sa mababang parte naman.
"Look, diba siya yung nagkakacrush daw kay Allen?"
"Yeah, walang wala naman saiyo eh."
Napatingin ako sa dalawang babaeng naguusap sa may likod namin
I don't know kung bat naiinis ako, i shouldn't be affected.
Kase diba diko naman siya crush? Why so bigdeal?
" ulol, gaga kaba? Deny pa!"
What?! Deny? What the..
"Anong what the..?! Crush moyun!"
Hindi ah!
"Crush mo! Halata ka masyado!"
Hindi nga sabi!
"Crush mo!"
"ARGHHHH!! OO NA CRUSH KONA SIYA! OKAY NA?!"
"Hoy! Ano bang pinagsasabi mo diyan at bigla bigla ka nalang sumisigaw dyan?!" Anya ni Sabrina
Fvck! Im so dead.
"Sabi na nga ba eh, crush mo si Allen" mapanuksong anya naman ni Elaiza
Shemay! Bat ba ako sumisigaw?!
"See? She's so obsess by Allen! ipinaglalandakan pa!" Yung babae kanina, grrr she's getting into my nerves! Buti nalang mahaba pasensiya ko
But, sh1t ulit! Nakatingin na naman lahat ng mga studyante samin! Ugh! Sirang sira na talaga image ko!
"Talaga? Crush mo na siya? Akala ko--"
"Argh, oo na nga diba?!"
Natawa nalang ito, "Ayieeeeee~!" Hirit nito habang si Sabrina naman ay sinusundot sundot ang tagiliran ko
"You both stop, will you?" bawal ko sakanila
"Lol, tignan mona aamin kadin pala" anya ni Elaiza
"Yeah, deniable kapa e" anya naman ni Sabrina
"Ano ba! Tumahimik nga kayo" sagot ko saka matalim na tinignan
"Oo na! HAHAHAHA" sagot ni Elaiza saka humagalakpak
Natawa nadin si Sabrina
Napatayo nalang ako, "oh saan ka pupunta?" tanong ni Sabrina
"Bibili lang ng mineral water sa cafeteria" sagot ko
"Pabili nadin ako ng yogurt" anya ni Elaiza saka inabot yung 50 pesos niya
"Ako din, juice" sambit din ni Sabrina sabay abot dun sa 50 pesos niya
Aba, ginawa pa akong utusan.
"Ok" tipid na sagot ko saka kinuha yung mga pera nila
Nagsimula nakong naglakad at nilisan ang Gymnasium
---
"Thankyou po" anya ko saka kinuha yung mga binili ko
Pagkatalikod ko, sumemplang ako sa dibdib ng lalake. Kaya ayun napaupo na naman ako.
Ouch, ang tigas naman koya -_-
"Sorry miss" anya nung lalakeng Nakabanggaan ko, teka lang bat lagi nalang akong nababangga?! Tss.
Diko namalayan na nabitawan ko yung plastic, kung saan nanduon yung mga binili ko
Pagkatingin ko sa mga binili ko, the fudge!
Yung mineral water ko, lupit...
Yung yogurt ni Elaiza, nabuksan ng konti dahil sa impact..
Yung juice ni Sabrina, natapon..
What the fudge, nasayang!
"Yung binili ko.." natatarantang anya ko, sheyt magagalit niyan sila Elaiza
Argh! Sino ba itong lalakeng to! "Look! Natapon yung mga bi--"
Omay gulay!
"Sorry talaga miss, babayaran ko nalang" sagot ni Allen at napakamot pa ng ulo
Oo! Tama kayo ng nabasa! Si Allen! Allen Mikael Rivera!
Sheyt, maka-ew ako dati sakanya, eh ang yummy nga! Hihihi
"Ngayong hindi kana deniable, harot harot kana diyan? Hay nako Shaznae!"
Napailing nalang ako ng ulo, haist! Ayun na naman yung boses na yon! Argh
"Okay kalang miss?"
"Uh..oo! Dapat molang bayarin yun ano! Alam mobang mayayari ako nito sa mga kaibigan ko?!" Kailangan talaga ganyan dapat ako magsalita para di niya mahalata na kinikilig ako.
"Asus, kilig daw! Harot yan Shaz, harot yan!"
"Im so sorry, eto babayaran kona" anya nito at lumapit dun sa may counter
Nanatili ako sa kinatatayuan ko at tinignan lang ang papalayong bulto ni Allen.
Napacross arms nalang ako at pasimpling tumingin sa wrist watch ko, sheyt 30 minutes nadin pala nang makaalis ako
"Here, sorry ulit"
Anak ng! Pati boses lang nito ang lakas ng impact sakin! Hayst masama nato.
"Sige, thankyou" sagot ko saka kinuha sa kamay nito yung plastic
"Aysus, gusto lang mahawakan yung kamay eh, ulol mo shaz!"
-___-'
"Wala yun" sagot nito at ngumiti, sucks! Wag kang ngumiti ng ganyan baka magiging cause of death koyan huhuhue
"Sige, i need to go" anya ko at lalakad na sana ng may gumuhit na sakit sa may balakang ko.
"Aray!" Daing ko, sh1t! Napalakas ata yung pagkakasemplang ko kanina
"Miss! Okay kalang?!" Naramdaman kong napahawak si Allen sa may bewang ko
Anak ng! Wag naman ganyan! Huhuhu
"May masakit ba sayo?" Tanong ulit neto
"Yung balakang ko, masakit" sagot ko saka napahawak dun, napadaing na naman ako
"Ouch..." daing ko kaya humarap ito sakin. "Bakit?" tanong nito
"Napalakas ata yung--"
"Sh1t!" Nagulat naman ako sa pagmura nito
"Oh, bat nagmumura ka?!"
"Huwaw! Makaakto ito parang close nakayo ah!"
Close naba talaga kami? Ayieeee enebe kenekeleg eke!
"Anak ng! Sa kalagitnaan ng pagsakit ng balakang mo, nakuha mopang kumilig ah!"
"Sorry, kasalanan ko na naman kase eh" sagot nito
"Okay lang, kaya kona to. Tatawagan ko nalang sila Elaiza para matulungan nila ako" sagot ko pero umiling ito
"No, let me carry you. Dadalhin kita sa clinic"
_______________
YOU ARE READING
Being POSER
Teen FictionGraphics by: @-CHESCY00T Dakilang POSER? Did you mean Shaznae Gueverra? Highest rank: #14 in poser (ONGOING)