Chapter 2

7 0 0
                                    

Graduation day

Ngayon na ang graduation ko,  sa sobrang busy sa pag-aaral hindi kona napapansin ang mga taong sinaktan ako.

Well, mas importante ang pag-aaral ko kesa sakanila.

Balita ko pagkatapos ng graduation na 'to, dun sila magpapakasal. Hindi ako papayag don, nasasaktan ako tapos sila nagpapakasaya?  No, I will make their life miserable.

Pagkatapos ng graduation, dumiretcho na kami ng mga pamilya ko sa mansion. Grande ang celebration na ginawa nila,  They love me so much. Lahat ng pamilya namin imbitado, at mga family friends. Of course, hindi mawawala ang mga business partners nina mom and dad.

I admit, I am still hurting. I still love him, hindi pa nababawasan 'yon. Marami kaming memories together,  hindi ko malilimutan 'yon.

Pero ang isip ko gustong mag higanti, nasaktan ako! Kapag nakikita kong nakangisi ang babaeng 'yon,  mas lalo kong gustong makapaghiganti!

Siguro nabulag lang si Wyatt sa pag ibig don sa babaeng 'yon,  biktima rin si Wyatt sa baliw na babaeng 'yon! Wala naman akong nagawang kasalanan sakanya, bakit ginawa nya sakin 'yon!

Alam ni mom na break nakami ni Wyatt,  sakanya ako umiyak.  Sakanya ko binuhos ang sakit ng dibdib ko. Pero hindi ko sinabi ang dahilan,  ayaw ko syang siraan sa mga parents ko. Dahil napamahal narin sina mommy sakanya.

"Vesally, hija." tawag sakin ni mommy

"Yes, mom? Ano po 'yon?" nakangiti kong sagot sakanya.

"You have a visitor."

Ngumiti ako sakanya,  tska lumabas ng kwarto.  Nagbihis kasi ako kanina. Bumaba ako ng hagdan, nakita ko ang mga taong nagkakasiyahan sa labas.

Gusto ko rin magsaya kaso hindi ko magawa. Gusto kong umiyak kaso ayaw ko ng mag alala pa sina mommy.

Pagkatapos akong tawagin ni mom, nakisama na sya sa labas.

"Vesally." That voice..

Namiss ko ang boses na 'yon, oh my Efrain! Wag kang marupok, sinaktan ka nga, niloko kana nga! Kaya tigilan mo ang sarili mo for being marupokAni ng isip ko.

Kaya tinapunan ko sya ng malamig na tingin

"What are you doing here?" malamig kong tanong sakanya.

"Vesally, C'mon baby.. Listen to me, please." Konti nalang bibigay na ako, konting konti na lang.

Gaya ng gusto ng isip ko pinigilan ko ang pagiging marupok ko. Ayaw kong masira ang pag hihiganti ko sa kanila ng fiancee  nya.

"Ano ang kailangan mo?"malamig ko paring tanong.

"Come back to me, please."

Pagak akong napatawa sa sinabi nya,  hindi ako sumagot.

"I love you, Vesally.  I don't love her,  ikaw ang mahal ko. Come back to me, please."

Nakita kong sunod sunod ang mga patak ng luha nya. Biglang lumambot ang puso ko.

Vesally! Wag kang marupok,  please! Masasaktan ka lang.

Sa tulong ng isip ko bigla nanamang tumigas ang puso ko. 

"Leave." tinuro ko ang pinto.

"No,  hindi ako aalis hanggat hindi ka bumabalik sakin." Ang tigas talaga ng kokoti nya!

"I said leave me alone!" napataas ang boses ko,  kaya napapasok sina mommy, kuya at daddy sa loob.

"What's happening here? Bakit ka sumisigaw, Vesally?"Nag alalang tanong ng aking ina.

Hindi ko pinansin si mommy, nakatuktok lang ang atensyon ko sa lalaking minahal ko ng sobra, minamahal pala.

"Leave Efrain Wyatt. Hindi na ako babalik sa 'yo!" muling sigaw ko kaya napalapit si mommy sakin at dinaluhan ko, si kuya at daddy naman gulong gulo sa nangyayari.

"Vesally, darling. Calm down,  Ano bang nangyayari dito?" Litong litong sambit ni dad.

Sasagot na sana ako ng magsalita ang nasa harapan ko.

"I'm sorry for hurting you, pero hindi ako titigil makipagbalikan sayo. I love you and I will never give up."

Bumuntong hininga ako sa sinabi nya,  myghad! Sa simpleng lambing nya lumalambot ako!  Hindi 'to maari.

"Bat mo sya sinaktan? What happen?" biglang sabat ni kuya.

"She saw me kissing another girl." Nakayukong sagot nya.

Nagulat ako ng sinuntok sya ni kuya, nawala ang inis at galit ko sakanya. Napalitan ng awa, what the heck? Dapat magalit ako! Bat ganito...

Dinaluhan ko sya, nawala ang galit ko sakanya.

"Kuya stop!" pigil ko kay kuya.

Kita ko ang disappointed sa mga mata ng mga pamilya ko sakanya. Wala na akong magagawa,  sya na mismo ang sumira sa sarili nya.

"Umalis kana Wyatt,  hindi na ako babalik pa. Sorry."

Binatawan ko sya at lumayo sakanya. Lumapit ako kina mommy,  tinignan ko sya sa mata. Magsasalita sana sya  pero nauna si kuya Vasty sakanya.

"Hindi na sya babalik sayo, ilalayo ko sya sayo."

"I will never give up,  Vesally Venus." saad nya na para bang hindi nya narinig ang sinabi ni kuya Vasty sakanya.

Pagkatalikod nya don pumatak ang mga sunod sunod na luha ng aking mga mata. I love him so much,  ghad!

RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon