Chapter 5 - Salamin

46 3 0
                                    

Chapter 5

               Salamin

               Ang bilis lumipas nang oras. Tapos na agad yung klase namin. Half day lang din kasi eh klase namin. Alam mo naman kasi di naman kasi ako ‘MAYAMAN’ para sa private school pa mag-aral, bilang lang ako sa ‘MIDDLE CLASS’. Haha. Saka mas enjoy nga sa public eh, mas maraming population yung school kaya mas marami ding friends.

               After magdismiss ni Ma’am Singon, kumaripas na agad ako ng takbo sa may corridor, sa may favorite spot ko dun. XDD

               Yung favorite spot na tinutukoy ko ay yung bandang dulo na ng corridor, sa may gilid masarap kasi ang hangin dun eh saka kasiiiiiiiiii . . . sa spot nay un tanaw na tanaw ko yung school ni XRay :)) Magkalapit lang kasi kami ng school, mga 5 blocks away lang. Hihi. XDD

“BOOOOOOOOOOOOOOOOOM”

“AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH”

“Wahahaha. Nakakatuwa ka naman Nak. Ansaya mo gulatin. Hahahahaha” sabi ni Papa Jhonny, ang tatay tatayan kong classmate. Siya kasi pinakamalaki saming lahat kaya tatay na namin siya. XDDD

“Baliw ka talaga Pa. Kita mo naming nagmomoment ako dito mag-isa eh.”

“Haha. Sorry naman ah. Saka grabe ka naman, first day palang emo-emohan ka na agad. Saka ano bang tinatanaw mo dyan?”

“Ano pa ba? Edi yung school ni Xray.”

“Sus naman. Para naming makikita mo yang Xray na yan pag tumingin ka jan. Eh haller 5 blocks pa kaya ang layo nung school niya sa school natin. Building nga lang natatanaw mo dyan eh. Di naman kita yung tao.”

“Oo na Pa, panalo ka na. Malay mo lang naman eh di ba? Hmmp. Bahala ka na nga dyan, puntahan ko muna si Mikka.” Pagkasabi ko nun iniwanan ko na si Papa.

               Pagpasok ko ng room nadatnan ko nalang yung ibang classmates ko na naglilinis, kaya lang wala dun si Mikka eh. Kaya umalis nalang ako. Pumunta ko sa covered court ng school dun kasi mahilig tumambay yung mga classmate ko after class eh. At dun ko nga nakita si Mikka.

“Mikka my dear :)).” Nakangiti kong sabi sa kanya

“Ano na naman yan Stephanie A. Aguilar huh?”

“Kaw naman ang ganda ganda ng bungad ko sayo ganun lang ibabalik mo?”

“OA ka Steph ah. So anon gang kelangan mo?”

“Uhhhm kasi, papasama sana ko sayo sa National ngayon bibilin ko lang yung notebook na matagal ko ng gusting bilin.”

“Bat di mo isama yung mga bff mo?”

“Ayyyyyyy. Bff din naman kita db? Kaya samahan mo na ko please?” with matching paawa effect ko pang sabi sa kanya.

“Paawa naman ‘to. Haha oo na sasamahan na.”

“Yehey Thankssssss Mikka.”

----------------------------------------------------

               After ng usapan namin na yun ni Mikka ay pumunta na agad kami sa SM North Edsa, dun lang kasi may pinakamalapit na National BookStore sa school namin eh.

[National BookStore]

“Stephanie ano ba kasi yung notebook na bibilin mo? Di ka pa ba nakakabili ng mga notebooks ha?”

“Eto naman, kadadating lang di ba? Excited ka? Saka nakabili na ko ng notebook ko noh, ang pinunta ko dito yung notebook na color black yung mga leaves, hehe cute kasi saka may free na silver pen.”

“Ayyy sowssssss yun lang pala dumayo pa dito. Saka ano naming gagawin mo dun?”

“Susulatan malamang. Haha de joke lang. Gagawin kong notepad, susulatan ko ng mga ka-ekekan ko.”

“Landi mo talaga. Sige hanapin mo na yung notebook mo, punta lang ako sa books section.”

“Okaaaaaaaaaaaay Nerd.”

At yun na nga nagkahiwalay na kami ni Mikka ng landas. Super na-aamaze talaga ko sa mga stationary na nakita ko sa daan, ang cute kasi eh gusto kong bilin kaya lang wala naming akong gagawin dun. Kakatingin ko sa mga stationary …

May nabangga tuloy akong lalaki, dahilan para mapa-upo ako sa sahig at malalag ang glasses ko. >.<

“Ouchhhh. Ansakit. Yung salamin ko san na napunta. Huhu.”

“Heeey. Bruuuu tara na.” Narinig kong sabi ng isang babae. Pero di ko nalang pinansin kasi busy akong hinahanap yung salamin ko. Baka mamaya kasi matapakan yun eh.

“Miss, sorry I gotta go na, tawag na ko ni ate eh. Sorry talaga di ko sadya, tama na yang kakadapa mo dyan kakahanap ng salamin mo, mukha ka ng ewan dyan. Eto na salamin mo oh.”

Huh nananaginip ba ko? After ilang years ngayon ko nalang ulit narinig ang boses na yun. Kilalang kilala ko yun, at hindi ako pwedeng magkamali.

“Xenon, ikaw ba yan?”

               Pagkaangat ko ng mukha ko, nalungkot ako bigla wala na pala siya sa harap ko. Nilapag niya lang pala yung salamin sa tabi ko tas umalis na. Grrrrr. Ang shungka ko talaga. Kung kanina ko pa inangat yung ulo ko edi sana nakita ko siya at baka namukhaan niya din ako. >_<

               Sinubukan kong lumabas ng NBS nagbabakasakaling makita siya dun, pero wala na kong inabutan. :|

************************************

HANGGANG PANGARAP NALANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon