Chapter 6 - Xenon Moments

31 3 0
                                    

[A/N: Ang saya saya ko talaga. XDD May fans na ko. Kahit dalawa palang masaya na ko nun. XDD Ang chapter na ito ay dinededicate ko sa aking kaunaunahang fan na si caroline1996. love youuuuuuu <3]

Chapter 6

Xenon Moments

Nanlulumo akong bumalik sa loob ng NBS, binalikan ko yung bibilin kong notebook tapus hinanap ko na si Mikka.

"Mikka, tara na magbayad na tayo para makauwi na."

"Bakit parang bigla ka atang nalungkot? Di ba kanina lang ang hyper mo pa."

"Ah. May nabangga kasi akong lalaki eh. Di ko talaga nakita yung mukha niya kasi natumba ko tas nalaglag pa yung salamin ko kaya dumapa agad ako para mahanap yung salamin ko, tapus nagsalita yung lalaki bago umalis, di talaga ko pwedeng magkamali eh boses yun ni Xray."

"Ayyyyyy, sayang naman. Hayaan mo na makikita at makakausap mo din yun. Smile na."

"Hehe. Oo na. tara na alis na tayo."

Pagkatapos naming magbayad ng mga binili namin naghiwalay na kami ng landas ni Mikka, magkaiba kasi kami ng way pauwi eh. Naglakad ako papunta sa sakayan ng fx. Narinig kong sumigaw yung barker na dalawa nalang yung kulang dun sa dapat na sasakyan kong fx kaya nagmadali na kong tumakbo. At dahil may pagkalampa ako, nadapa ako. Buti nalang may tumulong saking babae, tinulungan nya kong makatayo. Nagulat nalang ako ng may biglang sumigaw, nakatayo yung lalaki dun sa fx na dapat na sasakyan ko.

"Ate bilis naman oh." Sigaw nung lalaki sabay pasok na sa may fx

"Uhhhhh Miss, bat bigla ka atang natulala dyan? Okay ka na ba?" tanong nung babae sakin

"Ahhhhhhhhhh. Opo, salamat po."

"Walang anuman. Sige una na ko ah. Nakasakay na kasi yung kapatid ko eh. Ingat ka nalang." Pagkasabi nung babae, naglakad na siya palayo.

Nagulantang pa rin ako sa nangyari. Naalog ata utak ko nung nadapa ako eh. Di ako makapaniwala sa lahat ng taong pwedeng tumulong sakin ay yung ate pa ni Xray. Yeah kaya nga ko natulala kasi nakita ko si Xray. After ilang years nakita ko ulit siya. Last na kita ko kasi dun nung 2nd yr ako eh, naaalala ko pa nga yung buong nangyari eh.

*FLASHBACK*

Nandito ko ngayon sa SM foodcourt kasama ang mga kaibigan ko. Katatapos lang kasi ng periodical exam namin kaya nagliliwaliw na kami ngayon. XDDD Habang sarap na sarap ako sa Zagu na iniinom ko, napatingin naman ako sa lalaking naglalakad. Si Xenon my labs, kasama nung ate at kuya niya. Nung dumaan na sila sa harap namin,

"PANGET. PANGET. PANGET." Sigaw ko kay Xenon. XDD

Yun kasi tawagan namin eh. Kaya lang di naman siya lumingon. :| Haha Sino ba naman nga kaseng lilingon kung tatawagin kang panget db.? >_< Shunga ko lang.

Pero nagulat nalang ako nung tumayo na kami, at naglakad na paalis, biglang may tumawag sa pangalan ko.

"STEPHANIE A. AGUILAR." Sigaw ni Xenon sakin.

"Oyyyyyyyy. Xenon A. Rivera." Nakangiting sabi ko sa kanya. Gumanti naman siya sakin ng ngiti saka nagpatuloy na ko sa paglalakad palayo.

Nakakakilig talaga. Ganyang ganyan din yung sigaw niya sakin nung nakita ko siya nung 1st day ng klase ng first yr ako. Pagbaba ko ng jeep, naglakad na ko papunta sa gate ng school ng may bigla tumawag sakin.

"STEPHANIE A. AGUILAR." Paglingon ko nakita ko nalang si Xenon na nakaupo sa jeep, malapit sa may driver at nakangiti sakin. Sa tuwing naaalala ko yun, kinikilig talaga ko. XDDD

*end of flashback*

Grabeeee tulala ako dun ah. Sayang naman di ko siya nakausap. Haaaaaaaay pero di bale na, at least nakita ko sya after ilang years. XDD

*****************************************

HANGGANG PANGARAP NALANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon