Chapter 2 - The Flashback

62 3 0
                                    

Chapter 2

               The Flashback

“HOY GISING NA STEPH. MALALATE KA NA OH.” Napabalikwas ako ng bangon sa lakas ng sigaw ni Mama. Hay sayang naman oh. Malapit na eh .. magkakausap na sana kami. Nakakainis . Palagi nalang ganun. Kapag palapit na siya sakin bigla naman akong magigising.. HAAAAAAAAAAAAY NAKU.

“HOOOOOOOOOOOY STEPH ANOOOOOO BA MAHUHULI KA NA NGA” si Mama na naman. Palagi nalang nakasigaw sa umaga .. tsktsk

“yeeeeeeeeees ma. Eto na nga .. Maliligo na po.”

Pagkatapos kong maligo at magbihis. Nagmadali na kong pumasok. Wala ng kain kain. Sa school nalang. Hay naku. First day of school pa naman ngayon. Yehey at Fourth Year High School na ako. One year nalang magcocollege na ko. Yessssssss Im so excited. :))

               Para lang akong ewan habang binabagtas ko ang daan papuntang school, di ko maalis yung ngiti ko. I can’t wait to see my friends again e. Sobrang dami kong kwento. Ang ganda kasi ng bakasyon ko eh. May nakilala kasi akong isang guy, at pinakilig niya ang summer ko. :))

               Pagkarating na pagkarating ko sa school puro yakap ang bumungad sakin. HAHAHA Sweet naman ng mga classmate ko namiss talaga nila ko hehe.

“Stephanie musta naman bakasyon mo huh? Di ka masyadong nagparamdam nung bakasyon ah namiss ka tuloy namin.” Sabi ni Chime isa sa mga bff ko.

“eto na magkukwento na po ako. Haha sorry guys ah. Masyado lang ako nagging busy. Pero super saya ng bakasyon ko kasi may isang guy na nagpakilig sa summer ko.”

*FlashBack*

“Steph, uy sige na sumama ka na sakin. Masaya yun magtuturo lang naman tayo ng mga bata eh. Saka libre din pagkain. Sama mo na din si Arine.” Ayan na naman si Iza. Pinipilit na naman akong sumama magturo sa mga bata. Hindi naman sa hate ko ang mga bata ah, sadyang tinatamad lang talaga ko sumama.

“Hindi ko kailangan ng pagkain, madami naman sa bahay.” Sarcastic na sabi ko.

“Dali na. Masaya talaga yun PRAMISSSSSS.”

“Haaaay. Naku. Sige na nga pagbibigyan na kita. Hiyang-hiya naman kasi ako sayo eh. HAHAHAHHA”

“HAHAHAHAHAHA…. Yehey. Salamat talaga. Hindi mo yun pagsisisihan saka para naman maging worth it yung summer mo.”

“Oo na. Sasabihan ko nalang din si Arine. Sige na tinatawag na ko ni Mama eh.” Sabay baba ko ng telepono.

THE NEXT DAY

“Steph, gising na HOYYYYYYYYYYYYYYY diba sasama ka sakin sa SLAK?”

“Ugh. Ma mamaya nalang ok? Bakasyon naman diba” Nakapikit kong sabi.

“HOYYYYYy babae ka. Anong Mama ka diyan. Si Iza kaya toh”

Pagmulat ko ng mata ko nakita ko si Iza sa tapat ko at dahil doon nagulat ako.

*BLAAAAAAAG*

“Bwiseeeet ka Iza. Basta ka nalang pumapasok sa kwarto ko. Ayan nalaglag tuloy ako sa kama.”

“Eh pinapasok ako ng Mama mo eh. Paalis na kasi mama mo kaya sabi niya ako nalang ang gumising sayo. Tara na dali malelate na tayo.”

“Opo eto na nga maliligo na.”

Pagkatapos kong mag-ayos dumiretso na agad kami ni Iza na pumunta sa lugar na pinagdadausan ng SLAK o Summer Learning Activity for Kids. Ang dami kong nakita mga bata, nakakatuwa kasi ang cute cute nila eh. Nagulat nalang ako ng biglang may isang guy na lumapit sakin.

HANGGANG PANGARAP NALANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon