Chapter 8 - Si Xenon

22 3 1
                                    

Chapter 8

Si Xenon

Wala pa rin talaga kong magawa sa bahay. Wala pa kasi sila mama at papa. Nasa trabaho pa kasi ngayon eh. Nagsaing nalang muna ko para sa kanin namin mamayang hapunan at bumalik na ulit ako sa pagsusulat kay Destiny. :))))))))))))))))))

XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX

June 13 20xx

Dear Destiny,

Pangalawang sulat ko na sayo ngayong araw. Hehe boring kasi eh. XDD May kwento pala ko sayo. Nakita ko kasi yung first love ko kanina sa NBS saka sa sakayan ng FX kanina eh. After ilang years nakita ko na ulit siya. Naaalala niya pa kaya ko? Hmmm siguro naman noh. Baka di niya lang ako nakita kanina. Eto na nga pala yung kwento ko.

Naranasan mo na bang magkakacrush sa isang tao for almost 4yrs na ata. Haha syempre di mo pa yun nararanasan. Sorry baliw ako eh. XDD Well, tuloy natin ang kwento. Si Xenon Rivera yung tinutukoy kong guy na super duper crush ko. At kahit na wala na kaming communication at once in a blue moon ko lang siya makita eh hindi pa rin ako makamove on sa kanya.

Classmate ko siya nuung grade 3 hanggang grade 6. Eto lang masasabi ko, di siya gwapo, yung tipong heart throb ang dating. Pero wag ka. Haha kahit na di gwapo yun, madaming nagkakacrush dun. Pang-asar yun, as in supeeeeeeeer, may pagkamayabang din at feelingero. Pero kahit na palagi niya kong inaasar nun, plagi niya pa din akong napapatawa. Mabait din naman siya at gentleman. Naksssss kaya madami akong kaagaw dun eh.

Una ko siyang nakilala nung grade 3 ako. Kaya lang di naman kami masyadong close nun. Grade 4 naman doon, medyo naging close na kami. Lagi niya kong kinakausap nun. Minsan nga pumupunta pa yun sa upuan ko para lang magkachikahan kami eh. XDD Ayyyy may biglang nagflashback sa isip ko. Haha Kileeeeeeg. XDDD

*FLASHBACK way back 2008

1st yr HS*

Yiiiiie. Katext ko si Xenon nun. XDD Nagulat nalang ako bigla sa text nya.

From: Xenon

Steph. Haha kahit kelan ba naging crush mo ko?

To: Xenon

Yuck. Asa naman noh. Di kaya.

-----------------

HAHA. XDD Yuck pa sabi ko, pero ako eto ngayon todo kilig. Crush ko kasi talaga siya. Ayoko lang umamin. Haha XDD

-----------------

From: Xenon

Weeeeh. Kahit kelan hindi?

To: Xenon

Oo kahit kelan hindi. Bakit ikaw ba naging crush mo ko?

From: Xenon

Oo nung grade 4. Haha pansin mo ba lagi kitang pinupuntahan nun kahit na magkalayo upuan natin. Haha XDD

*END OF FLASHBACK*

Alam mo ba Destiny, hinayang na hinayang talaga ko nun nung sinabi niya yun. Arrrrrrrrgh dapat pala umamin nalang din ako nung magkatext kami. Haha sayang naman. XDD

Ituloy nalang natin yung kwento ko. Nung grade 5 naman super duper close namin. Lagi kaming magkaasaran nun. Sa likod ko lang kasi siya nakaupo nun. Pero wag ka di ko pa siya crush nung mga panahon na yan ah. Crush ko kasi yung best friend niya na may crush din sakin, tas crush niya yung best friend ko na may crush din sa kanya. Oha PBB TEENS lang ang peg. Haha bata pa naman kami nun kaya di naman ganun kaseryoso pag dating sa ganun. Tinuring ko na rin siyang parang best friend nung grade 5 ako. Nung grade 6 naman, lagi na kaming pagkagrupo nun, katabi ko na din siya sa upuan. Ganun pa din yung closeness namin wala namang pinagbago. Mas naging mapang-asar lang siya sakin. Pero sa tuwing nagiging asar-talo na ko nagsosorry naman agad siya sakin.

First yr ako nung nagstart akong magkagusto sa kanya. XDD Oo di ko na nga siya classmate nun, pero lagi ko siyang katext. Lagi pa din kaming nagkukulitan. Hehe saka kasi ang sweet niya din. Minsan tinatawagan niya din ako sa telephone namin tas nagtetelebabad kami. Haha XDD kala nga sa bahay may something na kami eh. Kaya lang bago matapos yung 2nd yr nun, bigla nalang kaming nawalan ng communication. Pero kahit ganun, di pa rin dun natapos yung pagkagusto ko sa kanya. Lagi kong hinahanap yung mga pangungulit niya sakin, yung pang-aasar niya saka yung sweetness din niya. Haaaaaaaay kelan kaya mababalik yung dati?

Stephanie.... <3

****************************************

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HANGGANG PANGARAP NALANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon