Simula

8.4K 139 3
                                    

"Ma, uminom na po kayo ng gamot." Inabot ko ang huling tabletang gamot at tubig kay Mama at umupo sa tabi niya.

"Huling gamot ko na ito, hindi ba?" Malungkot na tugon niya sa akin.

"Opo. Pero may pasok naman po ako mamaya. Gagawan ko po ng paraan para bukas may mainom kayong gamot."

Ngumiti ako sa kanya para mabawasan ang lungkot niya.

"Anak, pasensya ka na ha? Kung nagiging pabigat ako sayo. Sabi ko naman kasi sayo noon na hayaan mo na lang to kasi matanda na din ako at malapit na din akong mama-"

"Ma, tama na yan. Nasa ganitong usapan nanaman ba tayo? Mahal ko kayo. Tayong dalawa na nga lang, sino pa po bang magtutulungan?" Nakangiti ngunit may bahid ng lungkot kong sabi.

"Ayoko lang na nakikitang nahihirapan ka dahil sa akin." Nagsimulang magtubig ang sulok ng mga mata niya.

"Ma naman, mas lalong ayokong nakikitang nahihirapan kayo at ako nakatunganga lang." Yinakap ko siya at inalo para tumahan.

"Hindi naman ako mananalo sa iyo anak. Sige na, anong oras na oh. Baka ma-late ka sa trabaho mo." Tumango ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi bago ako umalis.

"Oh Ces! Ang lungkot mo nanaman!" Bati sa akin ni Mara, kaibigan ko sa trabaho ko sa gabi.

"Oo eh, wala na kasing gamot si Mama. Kailangan ko nanamang kumayod mamaya." Kasalukuyan kong nilalagyan ng kulay pulang lipstick ang labi ko.

"Ganun ba? Pasensya na walang-wala din ako ngayon. Kakabayad lang kasi ng tuition ng kapatid ko kahapon. Mahina din kasi ang kita." Tila naaawang sambit nito.

"Ano ka ba, ayos lang. Babali na lang siguro ako kay Madam mamaya." Ngumiti lang siya at pinagpatuloy ang paga-ayos niya.

8 pm - 5 am ang oras ng duty namin. Pagkauwi ko ay matutulog ako. Gigising ng 1 pm para sa trabaho ko sa isang restaurant.

Tuwing weekends ng 5 pm ay pumupunta ako sa bahay ng amo ko para maglinis. Maid. Pagkatapos ay diretso na dito sa trabaho ko sa isang exclusive bar.

Mga mayayaman at maiimpluwensyang tao ang madalas na pumupunta dito. Mga may kaya. Kaya minsan ay malakas din ang kinikita ko sa tip.

Isa akong server dito. Assistant. Waitress. Kapag may gustong um-order ay ako ang tatawagin. Hindi naman bastos o malaswa ang trabahong ito.

Pero minsan ay hindi maiiwasan ang mabastos dahil isa nga itong bar. Sanayan lang naman.

Matagal na ako dito at medyo malaki din ang kita kaya hindi ko iniiwan ang trabahong ito. Kahit minsan ay sobra na sila. Kailangan ko ng pera para kay mama.

Ito ang buhay ko. Araw-araw na ganito ang ginagawa ko. 23 na ko at nakapagtapos naman ng kursong BSBA major in Marketting Management. Pero sadyang mahirap kumuha ng trabaho ngayon lalo na't hindi masyadong kilala ang pinagtapusan ko.

Pero kahit papano, nakakaraos naman.

Matagal ng may sakit sa puso ang mama ko, lumalala nga lang nung 21 na ako. Kaya pagka-graduate ko ay naghanap agad ako ng trabaho para pang-tustos namin sa araw-araw.

Hindi ko alam kung nasaan ang tatay ko. Tinanong ko na dati si Mama ngunit pilit niyang iniiwasang sagutin ito. Hindi ko na lang siya pinilit.

Alam kong darating ang panahon at sasabihin niya din ito sakin.

Ako si Francesca Rae Manuel, at ito ang buhay ko...

The Bachelor's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon