Chapter 1

6K 128 6
                                    

Chapter 1

The Bachelors and Bachelorettes

"Nakakakaba naman." Sabi ni Lia, kasamahan ko dito sa restaurant.

"Bakit naman?" Tanong ko habang inaayos ang mga utensils sa table.

"Eh syempre, isa 'to sa pinaka-malaking event na gaganapin dito sa Pilipinas at sa restaurant pa talaga natin." Sabi niya habang pinupunasan ang plato.

"Oh, eh bakit ikaw yung kinakabahan? Hindi ka naman kasali."

May malaking event na gaganapin dito sa restaurant na pinapasukan ko. Malaking-malaking event.

Event ito na inorganisa ng mga kilalang Bachelors and Bachelorettes sa bansa. Mga anak ng businessman at businesswoman. O di kaya'y mga model o tagapagmana.

Dito sila ipapakilala. Para din makahanap ng pwedeng ipakasal sa anak nila. Para masiguradong nasa iisang social circle din ang makakasama nila.

At dahil kilalang-kilala ang restaurant na pinapasukan ko ay hindi malabong ito ang piliin nila.

"Syempre no! Madami nanamang media mamaya. Saka, bawal tayong magkamali. Kung hindi, lagot tayo kay Manager."

Hindi na lang ako sumagot at nagpatuloy sa paga-ayos ng mga table.

Buti na lang at friday ngayon, day-off ko sa bar. 8 pm kasi ang simula ng event, lahat ng nagta-trabaho dito ay may pasok dahil isa nga ito sa pinakamalaking event ng taon.

Maya-maya'y tinawag kami ng head para mag-meeting. Sasabihin kung saan kami naka-assign.

"Tandaan niyo, huwag na huwag kayong makikipag-usap sa mga bisita. Mga matataas sila, kakausapin nyo lang sila kapag sila ang may kailangan. Okay?" Tumango kaming lahat.

Naka-assign kami ni Lia sa right side. All around kami, lahat ay pwede nilang i-utos sa amin.

7 pm na ng magsimulang magdatingan ang mga bisita.

Nagsimula na din akong mag-ikot para mag-alok ng wine.

Isang malakas na tilian ang umagaw ng atensyon ng mga tao, pati ako. Panay ang flash ng camera sa may entrance at pilit na sumisiksik ang mga media.

Dalawang lalaki ang sabay na pumasok at kumaway muna sa mga tao sa labas. Kasabay noon ay ang lalong paglakas ng hiyawan sa labas.

Hindi mapagkakailang gwapo ang dalawa lalo na sa suot nilang tuxedong itim. Ito na kaya ang mga Bachelor?

Pamilyar sila, madalas ko silang makita sa mga magazines at minsan ay sa TV pa.

Di ko lang alam ang pangalan nila. Bumalik na lang ako sa trabaho ko.

Madaming bisita pa ang dumating. Halatang mamahalin ang mga suot nilang damit. Pasosyalan lang naman sila.

Ilang saglit lang ay may ingay nanaman kaming narinig mula sa labas.

Ngayon ay isang babae at isang lalaki ang magka-hawak kamay na pumasok.

Nakakulay pulang long gown ang babae at tinernuhan ng kulay itim na tuxedo ng lalaki at neck tie na pula.

Ang ganda nilang tignan. Siguro ay isa din ito sa mga Bachelor at Bachelorettes.

"Bro!" Tawag ng isa sa dalawang lalaking naunang dumating.

Dumiretso ang dalawa sa kinauupuan ng dalawang lalaki at umupo. Rinig na rinig ko ang usapan nila dahil malapit lang sila sa amin.

"You look so beautiful tonight, Arisse." Sabi ng medyo morenong lalaki sa babaemg kasama ng huli.

The Bachelor's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon