Chapter 2

4.8K 230 24
                                    

Chapter 2

Demon

"I think everyone know the purpose of this event. And I also think that you're familiar with each other since you're moving on the same social circle."

Nakikinig ako sa sinasabi ng emcee habang nagse-serve. Wala naman akong choice.

"Every year we are doing this. It's like a tradition for us. So I assume you all know what's next, right?" Tumango ang mga bisita.

Napansin ko ding 'di mapakali ang mga babae. May naglabas ng lipstick, foundation at iba pang make-ups.

Ano naman kayang pakulo 'to?

"Okay, calm down girls." Tumawa muna ito bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Who wants to join?!" Sigaw nito.

Halos lahat ng babae ay tumayo. Kahit ganon ay makikita mo pa din ang pagka-galante sa mga kilos nila.

Pumunta ang mga ito sa harap. Huling tumayo si Arisse at yung babaeng kasabay na dumating ni Demon.

Maka-Demon at Arisse ka Ces akala mo naman kilalang-kilala mo sila.

Bumuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy sa pag-serve ng drinks.

"And now, I will call our Bachelors one by one. Choose from these lovely girls and proceed to the dance floor. Get it?" Sabi ng emcee at muling tumango ang lahat.

"Ezekiel Demon Ford." Napalingon agad ako sa kanya. Siya agad? Siguro siya ang pinakama-impluwensya sa mga nandito.

Seryosong tumayo ito at naglakad papunta sa mga nasa harap. Tumigil siya sa gitna at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa nito.

Lahat ng atensyon ay nasa kanya. Yung mga babae sa harap ay ngiting-ngiti na parang iniisip nilang sila ang pipiliin nito.

Sino pa bang pipiliin niya? Syempre yung kasama niya kanina.

At hindi nga ako nagkamali. Lumapit ito sa babaeng kasabay niyang dumating kanina at inilahad ang kamay niya dito.

Ngumiti yung babae sa kanya at sabay silang naglakad papunta sa dancefloor.

"Wow. Congratulations Ms. Hope Soberano. They looks so good together, right girls?" Sabi ng emcee. May ilang umirap at mayroon din namang ngumiti.

"Next, Mr. Patrick Sugui." Tumayo ito at hindi na nag-isip pa. Agad nitong kinuha ang kamay ni Arisse at pumunta sa dance floor.

"Oh. Lucky Ms. Arisse de Santos from ADS Hotels." Nagpalakpakan ang lahat at tinawag na ang susunod.

"Mr. Dominique Roque." Lumingon muna siya sakin. Matagal. Anong ginawa ko?

Maya-maya tumayo siya at kinuha lang ang unang babae sa pila.

Sinundan ko sila ng tingin. Sakin pa din siya nakatitig. Medyo nailang na ako kaya linihis ko ang tingin ko sa iba.

Sakto namang kay Demon ako napatingin. Ang dilim ng titig niya sa akin.

Ano bang meron ngayon?! Bakit yata parang may ginawa akong masama sa kanila at ganyan sila makatingin?!

Tinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa trabaho ko. Dahil yun naman talaga ang dapat.

11 pm na at madami na din ang mga sumasayaw- nagwawala sa dance floor.

Kanina pa kasi nila pinalitan ang tugtog at ginawa itong wild song.

Mga lasing na din ang ilan sa kanila. Wala na kasi ang mga mas matanda para na din siguro bigyan sila ng time para mag-enjoy.

Pero ako, kami, nandito pa din. Nagta-trabaho. Wala ng ibang ginawa kung hindi mag-trabaho.

Bumuntong hininga na lang ako at linibot ang tingin sa dance floor.

Wala.. Nasan ba kasi yun?

"Sinong hinahanap mo?"

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses sa likod ko.

"S-sir Dom! Wala po, may kailangan po ba kayo?"

"Wow, you know my name! What a pleasure. I don't need anything." Aniya at ngumiti sa akin.

"Sige Sir, excuse me po." Nagmamadali akong tumalikod para sana pumunta na lang sa counter ng mga wine ng hawakan niya ang braso ko. Nilingon ko siya.

"Actually, I need something." Tila nahihiya nitong bigkas.

"Ano po 'yun? Wine or tequilla? Food?" Naiilang ako sa pagkakahawak niya sa braso ko. Parang may kakaiba sa kanya, hindi kaya'y lasing ito?

"Can I have your number?" Nanlaki ang mga mata ko. Totoo ba to? Isang bachelor, hinihingi ang aking numero?

Hindi naman ako manhid para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin nito. Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa braso ko.

Hindi naman pwedeng hihingin nya ang number ko para lang sa wala. Mas lalong hindi pwede na hihingin niya ang number ko dahil may gusto siya sa akin. Mayaman siya, 'di hamak na waitress lamang ako.

Akala ba niya'y ganung klaseng tao ako? Kahit mahirap lamang kami, hinding-hindi ko gagawin ang bagay na iyon. Hindi bale nang mamatay kaka-trabaho kaysa ibenta ang katawan ko.

Bago pa ako makatanggi sa hinihingi niya ay isang malalim na boses ang narinig ko sa aking likuran.

"What's happening here?"

Si Demon...

***

Hiii! Kahit wala pang comments yung last note, okay lang. Medyo na-excite akong i-post 'to. Pero yung next chapter, may quota! 5 commenta and 5 votes please? I-spread niyo din tong story, more readers, more fun! Thank you! 😘

The Bachelor's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon