Chapter 3

7.8K 324 139
                                    

Chapter 3

Stares

"What's happening here?"

Napalingon kami sa pinanggalingan ng isang malalim na boses.

"Dame! Come here!" Yumuko lamang ako at hindi sila tinignan sa kahit anong paraan.

"I was just asking this young lady to go and get me some wine." Doon ako napa-angat ng tingin kay Dom.

Wine? Kailan pa naging wine ang cellphone number? Pilit na ngiti ang nakita ko sa kanyang mga labi.

"Yes Sir. I'll get it now. Do you want anything else?" Tila ba nalalasahan ko ang pait ng aking mga salita.

"Uh, no. That's it. How 'bout you Dame?" Binaling niya ang kanyang paningin Kay Sir Demon na napakalalim ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit tila bigla akong naging hindi kumportable.

"A wine too, please. Bring it in our table." Yun lamang at tumalikod na ito sa amin.

Aktong lalapit sana si Sir Dom ng ako'y tumalikod at tumuloy sa lalagyan ng mga wine.

Alam ko, alam ko kung bakit hindi niya sinabi ang totoo kay Sir Demon. Ayaw niyang malaman ng huli na kinukuha niya ang aking numero.

Marahil ay siya mismo, nahihiya sa kanyang ginagawa. Mayaman siya, at kung sagot sa init lang ng katawan ang gusto niya ay bakit ako pa? He can get any girl that he wants. May itsura rin naman ito at galing pa sa kilalang pamilya. Kaya siguro ay ikinahihiya niyang malaman ni Sir Demon na siya, si Dominic Roque, ay papatol sa isang waitress.

Kung bakit ay umasa pa kasi akong baka iba si Sir Dom. Mayaman nga pala sila, pare-pareho lamang sila.

Hinayaan ko na lamang ang kaunting pagkirot ng aking puso at tuluyan ng kumuha ng wine at nagsalin sa wineglass.

"Problema mo? May nangyari ba?" Nilingon ko si Lia, kasalukuyan siyang nagsasalin ng kulay pulang juice sa mga baso.

"Lia, kanino mo ibibigay yan?" Nguso ko sa mga juice.

"Ah, doon oh." Tinuro niya ang isang lamesa.

"Pwede palit tayo? Ibibigay mo lang 'to kay Sir Dom and Sir Demon, ako na lamang diyan." Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot at binitbit na ang isang tray ng mga juice.

Naglakad ako patungo sa table na tinuro niya. Nadaanan ko ang lamesa nila Sir Demon at hindi sinasadyang napatingin ako sa mata niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba ng makitang sinusundan niya ako ng tingin. Kahit kinakausap siya ng kanyang girlfriend ay sa akin pa rin siya nakatingin.

Kahit nag-iinit ang mukha ko at pinagpapawisan ang mga kamay ko ay lakas loob akong dumaan sa harap nila at dumiretso sa lamesang pagbibigyan ko ng juice. Ngumiti muna ako bago isa-isa silang binigyan at ng matapos ay tumalikod na at naglakad pabalik ng may biglang humawak sa siko ko.

"Where's my wine?" Hindi agad ako lumingon sa lalaking nakahawak sa braso ko. Naramdaman kong nagsitaasan ang balahibo ko sa braso at batok.

"Uh, Sir. Here it is. Sorry for the delay and enjoy." Nagpakawala ako ng buntong hininga at munting pasalamat at sinagip ako ni Lia.

Hindi na ko nagabalang lumingon pa kay Sir Demon at naglakad na pabalik sa pwesto ko.

Siniko ako ni Lia pagbalik niya at binigyan ng isang makahulugang tingin na tila nagsasabing, "magkwento ka mamaya kung hindi ay lagot ka sakin."

Hindi ko na lamang iyon pinansin at nagpatuloy lang sa paggawa ng kung anong makita kong bakanteng gawain para hindi na lumingon sa pwesto nila Sir Demon.

Hindi ko alam, pero mayroong kakaiba sa mga mata niya. Sa kung paano siya tumitig na para bang kilalang kilala ka niya at alam niya lahat tungkol sa pagkatao mo.

Hindi na ako muling lumingon pa sa pwesto nila. Natapos ang gabi at pinagmasdan kong magalisan isa isa ang mga panauhin.

"Dame, let's go!" Napalingon ako kay Sir Patrick na nasa pintuan na at handa ng umalis. Nilingon ko ang tinawag niya at nakitang hawak nito sa bewang ang medyo tipsy nitong girlfriend.

Ngunit bago pa ito tuluyang makalabas ay lumingon muna ito sa akin.

Kinilabutan ako at iniwas na lamang ang tingin sa kanila.

Masyadong nakakatunaw ang kanyang mga titig...

**

Hi! Tweet your reactions using the hashtag #BachelorsBrideWP. Will pick randomly and will dedicate the next chapter to him/her. Wait for my reply! Thanks for your support! 💕

Votes and comments are highly appreciated. 😋

The Bachelor's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon