Chapter 2

2 0 0
                                        

Third Person's POV

(Krok-Ina/inang)

-LiBas-

"Vio, hali ka at dalhin mo muna itong mga napitas kung ubas sa puno nina Krok Leta,at paki bigay kay Krok Lily upang kanyang makain at lumakas siya"

"Sige po Krok, pakisabi po muna kay Kope na umalis ako kapag hinanap niya ako"

"Makakarating Vio, sige na't lumisan kana at baka abutin kapa ng pandidilig"

Dali-daling lumakad si Vio at hinanap ang Talulot na tinitirhan nina Krok Lily,na ngayun ay may sakit dahil na rin sa katandaan.

Nang nakita niya ito'y,kanya itong inakyat sa tulong ng isang paru paru.

"Maraming salamat kaibigan,sana ay magkita tayong muli"

Tumango-tango naman ang paru paru bago eto lumipad

"Kay galak kong makita kang muli Vio,nandito kaba upang bisitahin ang aking Krok na ngayo'y malubha ang sakit?"

"Ikinagagalak ko ring makita kang muli' Kaibigang eya,tama ka nga't napa rito ako upang bisitahin at ibigay eto sa iyong Krok"

Hindi agad umuwi si Vio sa kanilang talulot at nakalimutan na oras na pala ng pandidilig.

Bumuhas ang malakas na ulan sa kanyang paggagala at dali daling naghanap ng dahong masisilungan.

Nanginginig na si Vio sa lamig at nakaradam eto ng panghihilo at nanglalabong paningin.

Namataan nalang niya na siya ay nasa isang silid na hindi sa kanya at biglang iginala ang mga mata.Nakita niya ang isang babaeng hindi Palvio.

"Isa ka atang nawawalang palvio?"

tanong ng babae na sa tingin niya ay mas bata pa sa kanya

"Ang aking pangalan ay Carmia,isang Hamis.Huwag ka sanang matakot dahil sa hindi tayu magka-uri"

"Hi-hindi naman ako natatakot sayo,ngunit aking ikinapagtataka't ba't ako naparito?"

"Ika'y namataan nang aking pamaon habang walang malay na nanginginig sa ilalim ng maliit na dahon,hindi ka ata nakauwi ng maaga't nadatnan ka ng pandidilig"

"Kung ganun ay araw naba't baka hinahanap na ako ng aking Krok at pamaon"

"Nguni't hindi ko pa nalalaman ang iyong pangalan kaibigan at hindi kapa kumakain"

"Ako si Vio,at pakisabi sa pamaon na salamat sa pagsagip at walang nakakita sa aking tao at sayo na rin.At saka salamat sa pag iimbenta sa aking kumain pero hindi ako kumakain ng kamatis"

"Oo nga pala,ikinapag-uumanhin ko"

Pareho silang nagtawan ng biglang naalala ni Carmia na hindi pa pala lubhang magaling si Vio.

"Pero nanghihina kapa't dika pa masyadong magaling?"

Hindi na nakasagot si Vio dahil biglang pumasok ang pamaon ni Carmia.

"Nagising kana pala,kaya muna ba?"

Bahagyang natakot si Vio sa striktong mukha ng pamaon ni Carmia.

"O-o po,sa tingin ko naman po ay maayos na ako,at hinahanap narin ako ng aking mga Kasama"

Tinanguan lang naman siya ng mga ito at inalalayan sa pagtahak sa daan palabas

Grapes SecretWhere stories live. Discover now