"Pare, kunin mo na number!"
"Ako na naman? Kakakuha ko lang dun sa isa ah!"
"Sige na! Wala akong gum eh, ayaw mo naman ako bigyan."
"Ulul, idadahilan mo pa yung hindi ko pagbigay ng gum sayo? Nung nakaraang bumili ako ikaw lang umubos non!"
"Sakin ka pa ba magdadamot?! Parang di kaibigan ampota."
"Oh eto! (binigyan ng gum..) Ikaw na kumuha, bilisan mo baka umalis pa yan!"
.
.
.
.
Paglapit sa chicks..
.
.
"Hi Miss." :)
"Ano kelangan mo?"
"Ahh, wala wala. Napansin lang kasi kita mag-isa ka lang.."
"Eh ano sayo kung mag-isa ako?"
"Mag-isa din kasi ako, hinihntay ko yung kaibigan ko. Ikaw bakit ka mag-isa?"
"May lakad kami ng mga friends ko. Hinihintay ko lang sila."
"Ah osige. Uy! Andyan na pala yung kaibigan ko, sige miss una na ko. Ingat ka sa lakad mo." :)
Pagbalik sa kaibigan..
.
.
"Oh ano? Smart o Globe?"
"Wala pare, di ko nakuha yung number."
"Ha?!"
"Sinungitan agad ako eh! Mataray kaya."
"Ang hina mo naman! Sinayang mo lang yang gum ko. Kaya pala ambilis shet."
"Tanga ikaw kaya manghingi, nagsungit nga diba? Tanga amputek."
SABAY UWI..
.
.
Ganyan kami palagi ni Kenneth after school. Tutal isang sakay lang namin sa Trinoma, instant chicks na agad. Wala naman kasi kaming mga homework, walang dapat tapusin, wala exam. Kaya madalas dun kami. Minsan magdodota, minsan uuwi na agad.
Ako nga pala si Edward. 18 years old, 2nd year college na ko. Sa UP ako nag-aaral. Jologs yung school ko no? No choice ako e.. Maganda rin naman sa school na to, masipag ka lang dapat sumakay ng jeep o kaya maglakad. Yung isa ko namang kumag na kaibigan, si Kenneth. 17 lang yun, ewan ko ba kung bakit nag-aral kaagad. Highshool ko nakilala ko Kenneth, simula non lagi na kami magkasama sa lahat ng lakad ng barkada. Sama mo na sila Jobs, Elwin, John pati yung mga nerd sa room sinasama namin. Ang policy kasi sa class room namin, "LAHAT CLOSE." Walang grupo grupo, kapag may hindi ayos pag-uusapan dapat namin agad.
Pero wag ka, may sarili kaming grupo paglabas namin sa room. Ako, si Kenneth, si Jobs, Elwin pati si John. K. JEJE. Lima kaming magkakasama lagi kapag nangchichicks. Lima kami palagi kapag may kalokohan. Kapag dawit isa, dadawit na namin lahat kahit ayaw namin. Sino ba naman gusto ma-guidance sa school diba? Tapos graduating kapa. Para lang sa barkada at samahan kaya namin ginagawa yon.
Minsan nga non, merong bagong teacher sa school. Bata siya, kakagraduate nga lang siguro. Kahit sino makakita sa kanya, abnormal nalang ang magsasabing hindi siya maganda. Etong si gagong Jobs gumawa ng loveletter tapos binigay dun sa teacher na yun! Kaya pala hindi nakikinig si kumag sa Math kanina, sabagay.. kelan ba yun nakinig. Ayun, nalaman, na-office siya ngayon. Ang masaklap lang, yung pinagbintangan siyang stalker daw at manyakis. Namimintang sila, oo manyakis si Jobs pero hindi niya mamanyakin yung taong alam niyang dehado siya, lalo na graduating kami. Ang takot lang niya sa tatay niyang pulis. Haha :)
.
.
.
.
*END
BINABASA MO ANG
Pare ko.
Short StorySana walang mabaduyan. Sana hindi magbago tingin niyo sakin kapag nabasa niyo to. Amen. Susubukan ko lang magsulat ng kwento, para narin mapractice ko kapag merong nagpagawa ng kwento sa school.. Bago mo basahin to, magpromise ka muna sakin na hin...