Chapter 2

42 0 0
                                    

Ang bilis ng panahon. Parang dati lang nasa isang room lang kami lahat magkakasama, ngayon iba iba na klase naming lima, iba nadin ng school. Kami lang ni Kenneth napunta sa UP, yung tatlo nasa FEU. Magttry out daw sila sa varsity ng basketball. Hindi na lang sa UP para naman kahit papano may magaling na mapunta sa UP... Kahit nagkikita parin kaming lima, iba parin yung palagi mo silang kasama. Walang oras na hindi ka tatawa at mapipikon sa asar nila.. Ngayon, naiwan ako dito sa kumag kong kaibigan na walang ginawa kundi mangulangot ng palihim habang nagkaklase. Ginawang habit amputa. Lahat na ng kababuyan nasa kanya. 

"Ano pre musta? Balita?"

"Tangna pre magkaaway kami nung girlfriend ko ngayon.. Nagalit pre."

"Bakit daw?"

"Kaibigan niya pala kasi yung kinuhaan natin ng number sa Trinoma nun, yung sinungitan ako. Walangya, kilala pala ako eh! Ayun sinumbong ako."

"Buti nga sayo, pa-gum gum kapang nalalaman. Jule ka ngayon. Hahaha."

"Tatawa kapa dyan eh, kapag ako hiniwalayan nun. SHIT, ano gagawin ko.."

"Sasama sama kapa kasi sakin eh, ano ka ngayon? Tignan mo ko, SINGLE, edi walang problema. Magsorry ka ng matindi."

"Pano?.... Ayan nagtext na siya.."

Text by: Babe :)

"Grabe.. Hindi ko akalaing magagawa mo yun sakin. :( Alam mo bang nang dahil sa ginawa mo nawala yung tiwala ko sayo? :'( Ang sakit sakit Kenneth, ano bang ginawa ko para maghanap ka ng iba? Kulang ba mga binibgay ko? Lahat na ng pagmamahal ko binigay ko na sayo, kulang pdin? :'( Tapos sa kaibigan ko pa? HAYOP KA KENNETH!!" 

"........."

"Oh ano sabi? Break na kayo? Hahaha."

"Pre di nakakatawa.. Tsk. Sabi na eh, may kutob ako dun sa babaeng yun e.." 

"Pasikat ka kasi eh, okay sana kung nakuha mo yung number eh, eh hindi rin eh. Kawawa ka naman, gusto mo ng Mcdo Fries? Hahaha."

"Ulul. Edward, ano naramdaman mo nung nalaman mong nag-cheat sayo si Lyka nun? Hahaha. "

".............."

"Tahimik siya eh. Haha. Alam ko weakness mo boy!" 

"Tara DOTA nalang tayo.."

.

.

.

.

.

.

.

 Timang talaga yung tao na yun. Naalala ko na naman tuloy.. :'( Si Lyka, ex ko.. 2 taon tinagal namin. Sa dalawang taon na yun, binigay ko lahat ng kaya ko para mapasaya si Lyka, binigay ko lahat, lahat lahat. Pati oras sa kaibigan ko sinakripisyo ko para lang makasama siya. Ilang beses akong di kumain sa break nun para lang makapag-ipon, para madala ko siya sa mamahaling restaurant.. Kahit sermonan na ko dahil sa kanya, tinatanggap ko yung masasakit na salita na binibitawan nila daddy sakin.. Pero ano binalik niya sa lahat ng yun? PANLOLOKO. 

Nasa mall ako nun, bibili sana ko ng regalo para sa monthsary namin.. Hindi ko alam, na dun din matatapos lahat ng pinagsamahan namin.. Ang masakit nun, sa kaibigan ko pa lumandi.. Gaga talaga. Well, hindi naman kaibigan na close, kumbaga nakakalaro ko lang sa basketball sa amin.

Gutom na kasi ako nun.. Nagpunta ko ng foodcourt para kumain, nabili ko na lahat ng bibilhin ko. Gamit sa school, damit, pati regalo ko sa kanya.. Patayo na ko sa upuan ko para umorder nung nakita ko sila nung kaibgan ko, Aba! Nakaholding hands lang naman sila! Cute nga nila e, parehas pa yung shirt na sinusuot nila. Samantalang hindi namin nagawa yun ni minsan. Binati ko nalang yung kaibigan ko,  "What's up man?" Sabay alis. Pagkasakay ko ng jeep, nagtext agad ako.

"Ang ganda naman ng group study niyo. Anong lesson? Pano mag-cheat?"

"Sorry Edward.."

 Napamura nalang ako sa sobrang sakit.. Tangna, lahat binigay ko tapos makikita ko lang siya na may ka-holding hands na iba?! Tapos Sorry?!  

FUCK YOU!! 10 times!!! BITCH!! Isa kang SLUT!! WHORE!! YOU'RE A WHOOOOOOOOOREEE!!!!! 

Hayyy..

 .

.

.

.

Di bale, malapit na ko maka-move on.. Kelagan ko lang ng isang babaeng magpapatunay uli sakin na hindi niya ko lolokohin.. Pero mahirap na din e.. Naalala ko na naman, sakit. Matatrauma ka talaga kapag naranasan mo to..  Di bale, nag-eenjoy naman ako ngayon sa buhay ko. Andyan naman yung tropa ko para sakin, kaya pasalamat parin ako at may mga kaibigan akong kagaya nila, kahit na mga dugyot. Hindi ka talaga iiwan kahit anong mangyari. 

*END

Pare ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon