1 Message received:
BY: Jobs
"Pre, yung wallet m na kay Kulangot. Kunin m nlng, goodluck pare. hehe.."
Yun oh. Ang aga aga eto papaalala sayo. Sarap. May konyat talaga sakin yon kapag may ginalaw yon sa wallet ko. Sana lang wala siyang makita don.. Hayy.... makaligo na nga.
Sa sakayan..
"Sasabay kaba?" tumawag ako kay kulangot.
"Oo sige pre... Eh ayan kana pala eh! Kita na kita, hntayin mo nalang ako."
Eto na..
"Wallet ko?" humanda sakin to kapag nagkamali to ng sagot.
"Oh eto. Umutang akong bente panload ko kagabi. Andyan na yung bayad."
"Ayos si kulangot ah! Hahaha. Iba talaga epekto ng break up sa isang tao."
"Ahh kaya pala. Kaya pala andyan pa yung loveletter mo kay Lyka non. Hindi mo na nabigay kasi may iba ng nagbibigay sa kanya ng loveletter. Hahaha."
"Aga aga wag moko badtripin ah!! Pano mo nakita yon?!"
"Kasi... Naisip ko lang. Pangatlong beses mo na naiiwan wallet mo sakin. Instead na pera lagi kinukuha ko, na nakakasawang gawin, eh hinalungkat ko yang wallet mo. Akalain mong may secret pocket pala yan. Makabili ngang isa. Hahaha."
"-________- mamatay kana unggoy. Buti nga sayo iniwan ka ng syota mo."
"Andyan na Philcoa, tara na. I-dota mo nalang yan mamaya! Hahaha."
School..
"Magbibigay ako ng mga papers at ibibigay niyo sa mga mga magulang ninyo. Bibigyan ko kayo ng permission slip para malaman kung sino ang pwedeng sumama sa camping. Although hindi pa sure kung tuloy, but we still need that permission slip para malaman kung itutuloy ba ang camping o hindi."
"Ser, san daw po yung camping?"
"Hindi pa sure. Pero ang napaguusapan namin is sa Baguio."
"Sama ka? Tara sama tayo!" bumulong si kulangot.
"Di ba boring dun? Tapos ikaw lang kasama ko? Buti kung kasama natin sila Elwin.."
"Ser! Pinapatanong po ni Edward kung pwede daw po outsider, ser?"
"Sino namang outsider yang isasama niyo? Kahit sino man yan, magbabayad lang sila kung sasama sila the whole week. Hindi sila kasama sa budget na binigay satin."
"Oh narining mo yon, chi? Pwede daw! Kaso nga lang magbabayad sila.. Nako."
"Wag mo nga akong tawaging chi! Babae ka? Ha? Bading ka?"
"ULUL. Ngayon lang ba kita tinawag ng CHI? Palibhasa si Lyka naaalala mo kapag tinatawag kang chi e. Hahaha."
"Tangna mo isa pa. Sasapakin na kita."
"Mr. Robles, ilang kaibigan ba isasama niyo, just in case?"
"Ano po.. Uhm.. tatlo po ser."
"Oh eto permission slip, ibigay mo sa kanila kung sakaling sasama sila. Malinaw?"
"Opo ser."
"Meron pa kayong isang linggo para kumbinsihin mga magulang niyo na pasamahin kayo sa camping. Kung maraming sasama, sigurado ng matutuloy ang camping natin. Pero kung kakaunti lang naman.. Malamang hindi na. Malinaw lahat?"
"Yesss siiiirrr!!"
Sa karinderia..
Isa sa mga paborito kong ulam ay Bicol express. Grabee.. nakamagkano na naman ako kanina sa pagkain ko. Ang sarap kasi! Ang sarap pa magluto ni Ate Merlyn ng mga ulam na paborito ko. Suki na kami ni Ate Merlyn, kaya minsan may discount na kame. hehe.. Kaso napapamahal padin ako dahil sa dami ng kinakain ko. Next stop: Trinoma!! yeah baby.
"Uwi ka na?" tinanong ko si kulangot
"Oo pre. Ikaw nalang muna magpunta sa Trinoma."
"Haha. Hindi ka pa din okay? Sige. Ako nalang muna.."
SA JEEP..
Ayos to. Chicks katabi ko.. Hohoo. Pinagpapawisan na naman ako. Tsk. Pero I like this feeling. Shet. Haha. Ang ganda. May pagka-brown ang buhok, ang ganda ng mata niya. Kissable lips pa.. Kaso, mukhang mataray si Ate. Kunin ko kaya number? Pano ko kaya uumpisahan to.
"Hi Miss.."
"Ayy, hello din. Sorry ha? Kung makikipagkilala ka at mangunguha ng number, wala akong interes diyan." :)
*Paktay...
"Wag ka mag-alala miss. Wala din akong interes para kunin ang number mo.."
"Eh ano kelangan mo? Mali ka ba ng nasakyan?" :)
"Interesado kasi akong makuha ang puso mo." *pa-cute onte
"?!?!?!"
"I'm Edward, and you're?"
"Ambaduy mo!! Lumayo ka nga sakin!! Manyakis!"
"Aba?! Hoy! Hindi porke't maganda ka mamanyakin na kita! Kapal ng mukha nito! Manong para nga!"
"Ayan! Mabuti yan! Umalis ka sa harapan ko! Wag kanang babalik sa pamumuhay kong manyakis ka!"
"Ang sunget mo! Kung gano ka kaganda sa panlabas, ganun din kapanget ng ugali mo.. Dyan kana! Nasayang lang pawis ko sayo.. *bwusit."
Trinoma..
Nakakabadtrip yung ganung babae. Napakasunget! Hindi ko alam kung anong meron ang babae at nagsusunget kapag kukunin mo na yung number o kaya magpapakilala ka. Pano ko makakahanap nito? Kung lahat ng type ko ganun nalang lagi nagsusunget sakin.
Uyy may nagtext..
From: Hannah
"Are you free? Nasa trinoma ako. Meet me up! ;)"
"Sure. Andito rin naman ako."
"See you! :D"
Nako. Wala pa naman akong gum. Chicks pa naman tong ka-meet up ko.. Teka.
.
.
.
STARBUCKS..
"Edward!"
"Hey. :)"
"Upo ka. :)"
"Hi, Hannah? Right? Yun kasi naka-save sa phone ko. Hehe."
"Yup. Im Hannah, *shakehands*. Oh buti naman pumayag kang makipagmeet? :)"
*END
BINABASA MO ANG
Pare ko.
Short StorySana walang mabaduyan. Sana hindi magbago tingin niyo sakin kapag nabasa niyo to. Amen. Susubukan ko lang magsulat ng kwento, para narin mapractice ko kapag merong nagpagawa ng kwento sa school.. Bago mo basahin to, magpromise ka muna sakin na hin...