KINABUKASAN.. Sa classroom:
.
.
.
.
"Pare.. Break na kame.."
"Ano pa ineexpect mo pare? Hindi naman tanga yung tao, kahit ako yun baka makikipaghiwalay ako sayo. Nangyari na nga yun sakin e.."
"Pare, kahit second chance. Hindi naman kami nung babaeng kinuhaan natin ng number, isa pa wala sa isip ko ligawan yon. Wala talaga sa isip ko manligaw ng iba pare.."
"Sasama sama kapa nga kasi sakin eh, ano napala mo? Sa susunod di na kita isasama. Pa-gum gum kapang nalalaman. Hah!"
"Andyan na si animales!"
Dumating yung teacher naming... Well, animales nga siya kung tawagin..
Alam mo kung bakit animales to? Bigla bigla nalang yang magpapaquiz... Okay sana kung napag-aralan niyo na eh, kaso hindi! Magbibigay siya ng quiz na ahead sa lesson namin, kesho dapat daw nag-aadvance reading daw kami. Hindi na daw kami highshool na pwedeng pa-easy easy..
"Kung ayaw niyong pulutin kayo sa Kangkungan, mag-aral kayong mabuti!"
Yan yung mga old school na palagi niyang sinasabi.. NILANG sinasabing mga teacher. As if namang pupulutin kami dun. Kangkong lang?
Isa pang dahilan kaya namin siya tinatawag na animales.. Ayoko sana sabihin pero, kapag nakita mo si animales, mukha siyang isang Ape. OO! Pota masama na kung masama pero totoo sinasabi ko. Hindi ko nga akalaing makakakita ako ng ganitong klaseng pagmumukha. Mas malupet pa tong mukha ni animales kesa dun sa kaklase ko nung highschool. Naisip ko tuloy bigla na baka totoo nga yung "Theory of Evolution" ni Charles Darwin. Shit, Science is amazing.
Nagpakopya lang ng notes si Animales. Himala nga at walang quiz o kung ano mang pinagawa. Mahaba yung sinulat namin pero ayos na yon, kesa naman sa quiz na hindi mo alam ang isasagot mo. Uwian na.
"Pre, nagtext si Jobs ah. Shot daw mamaya."
Sa isip isip ko, Lunes na lunes nag-aaya ng shot. Malamang yon may problema si Jobs.
"Nagtext din sakin kanina, di ko lang sinasagot. Sabihin mo sige. Uwi muna ko magbibihis lang ako."
Paktay na naman ako kay Daddy..
Kumain muna kami ni Kenneth sa labas bago umuwi, kasama nung iba naming tropa sa school. Da best parin talaga kumain sa karinderya kapag lunch. Sinigang na baboy pa inulam ko, ahhh! ang sarap. Busog talaga eh, para narin handa na ko kahit ilan pa inumin namin mamaya.
Job's Crib.. Tugs. Tugs. Tugs.
Nagtataka ko bakit ang saya saya ng tugtog sa bahay nila pagpasok ko. Hindi lang pala kami yung inimbitahan, dami rin tao. Ang tatangkad. Kaya pala nagpainom kasi nasali siya sa varsity ng FEU. Akalain mong sinwerte si Jobs. Sabagay, ikaw ba naman araw araw sa court, masipag pa magpractice, imposible namang hindi ka pa gumaling nun.
"Ayip! Exposure na sa tv si Jobs! Haha." biglang sigaw ni Elwin pagdating namin.
"Nakachamba lang pare. Syempre pinaghirapan ko to bago ko makapasok sa team."
"Congrats pre, dadami pa chicks mo lalo niyan! Malalampasan mo na ko. Haha." sabi ko naman.
Isa yun sa gusto ko kay Jobs. Kahit na meron siyang ipagmamalaki, humble parin siya. Lalo na pagdating sa paglalaro ng basketball. Yung meron na siyang maipagmamayabang pero hindi niya ginagawa yun sa ka-humble-an niya. Manyakis naman.
10 pm na. Kelangan ko na umuwi. Hindi ako lasing, hindi ako uminom ng madami. Alam ko kasing buntal aabutin ko kay daddy kapag umuwi ako ng nakainom. Malaki na ko pero ginugulpi parin ako ni daddy. Ayaw niya sa bastos na bata, lalo na pasaway. Ayoko din makatikim ng mga MMA moves ni daddy no. Hindi ko kinakaya yung sakit.
.
.
.
.
.
.
SA Bahay..
Pag-uwi ko sa bahay. Pagkamano ko, direcho na ko sa kwarto. Hindi na ko ginanahan kumain.. Hindi ako gutom, hindi ako pagod. Naisip ko lang, masaya kaya si Lyka ngayon? Panigurado naman oo.. Kaya niya nga ako iniwan dahil hindi siya masaya sakin, at dun sa kaibigan ko niya nahanap yung saya na gusto niya. Hindi ko rin siya masisisi.. Siguro nga nagkulang ako, kahit binigay ko na yung lahat.. Iniisip ko, magmamahal pa kaya ako ule? Nakakatakot magmahal uli kapag naranasan mong maloko ng isang tao. Sobrang sakit na, nakakatrauma pa. Iniisip ko, sino kaya yung babaeng mamahalin ko ule, kung meron man. Lolokohin niya din kaya ako? Ibibigay ko pa din kaya lahat? Kung ano ano na naiisip ko. Mabuti ng matulog nalang ako at maaga pa ko bukas. Nagtext pa si Kenneth Kulangot naiwan ko daw wallet ko kila Jobs. Hindi maganda to..
BINABASA MO ANG
Pare ko.
Short StorySana walang mabaduyan. Sana hindi magbago tingin niyo sakin kapag nabasa niyo to. Amen. Susubukan ko lang magsulat ng kwento, para narin mapractice ko kapag merong nagpagawa ng kwento sa school.. Bago mo basahin to, magpromise ka muna sakin na hin...