5

1.8K 79 23
                                    

-Matthew

"Patulong naman!" reklamo ko dahil kanina pa ako nasigaw para magpatulong pero wala pa rin pakielam ang kasama ko. Bwisit na Jale ito. Ayaw akong tulungan magbitbit rito sa babaeng ito. Ang bigat-bigat kaya.

Ilang steps na lang, Matthew. Ilang steps na lang, makakababa ka na. Ilang steps na lang, matatapos na iyan. At shit naman. May mattress pa pala. Bwisit na kama. Hindi naman puwedeng sa kwarto ko iyon sunugin.

"Kaya mo na iyaaan." pang-aasar nito. Napalingon ako kay Jale. Nakaupo pa rin siya sa sofa. Nakatutok rin siya sa cellphone niya tapos itinapat niya iyon sa tenga niya.

Tangina naman.

"Jale, baka madulas ako sa dugo, eh!"

Takte naman. Parang kada five seconds lang ako kung makahakbang ng isang step pababa. Nag-iingat kasi ako dahil baka madulas ako sa dugong natulo sa katawan ng babaeng ito.

Napatingin ako sa mukha nitong buhat ko. Dilat pa iyong mga mata tapos nakabukas ng onti iyong bibig.

Nice. Nakakatawa itsura niya.

"Edi masaya!" Napatingin ulit ako kay Jale dahil sa sinabi niya. "At least nakaganti iyang babae mo sa iyo kahit patay na siya." Tinawanan niya ako at tumutok ulit sa cellphone niya matapos niya ito ihiwalay sa tenga niya.

Tangina. Kaibigan ko ba ito o ano?

"Tatawa-tawa ka diyan, si Coleen, wala rito. May pinuntahan. Hindi ka man lang ba nag-aalala sa girlfriend mo?" Ipinagdiinan ko talaga iyong girlfriend para malaman niya na responsibilidad niya iyon kung ano man mangyari kay Coleen.

Napalingod naman siya sa akin. "Wala iyon-" Natigilan siya at nagulat dahil sa itsura ko. "Magdamit ka nga! Tangina. Para kang may show, ha? Hindi ka man lang maconcious na wala ka man lang ni isang pirasong tela sa katawan?!"

Onting steps na lang, Matthew! Onti na lang!

"Magdadamit? Marurumihan lang rin naman ng dugo iyon kung magdadamit ako. At saka, ano pa ba itatago ko sa iyo kung lahat na sa akin, nakita mo- Shet!" Napakapit kaagad ako sa support ng hagdan pagkabitaw ko ng isang kamay ko sa bangkay kaya nabitawan ko iyon at nagpagulong-gulong pababa sa hagdan. "Mas okay pa pala iyan, ano? Bakit hindi ko naisip iyan? Pinahirapan pa ako."

Ang tanga ko pala minsan? Bakit kasi hindi ko na lang pinagulong iyong bangkay pababa sa hagdan kesa pahirapan ko pa iyong sarili ko.

"I'm out." Itinaas ni Jale iyong dalawang kamay niya na parang na-surrender tapos tumayo't tumalikod na.

Hala; iyong kama pa!

"Hoy! Patulong sa kama!"

"Bahala ka!" Nagsimula na siyang maglakad papunta sa pinto saka hinawakan iyong doorknob. "Kalat mo, linis mo!"

Naman, o!

"Wala kang kwentang kaibigan! Lock mo iyong pinto!"

"Oo, alam ko! May makahuli pa sa iyo!"

Napangiti ako dahil sa narinig ko. Kahit papaano talaga, ayaw niya akong mahuli. Kapag nahuli naman kasi ako, mawawalan siya ng trabaho.

Bumalik na ako sa kwarto tapos kinuha ko iyong kama, na putang ina lang dahil pinahirapan ako sa pagbubuhat! Kaya ang ginawa ko, ibinagsak ko na lang rin mula second floor papunta sa first floor. Bahala na kung magkalat iyong dugo, lilinisin ko na lang.

Pagkatapos kong ibalot sa garbage bag iyong katawan ni Ella, inilagay ko na iyon sa trunk ng kotse ko. Bumalik naman ako sa salas para maitago ko muna sa basement iyong kama. Nilinis ko na rin iyong mga dugo na nagkalat sa salas tapos naligo at nilinis ko na nang maigi iyong buong katawan ko.

Ice Cream (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon