Most Vivid Memory. Sal

67 1 0
                                    


I: Sige nga, ikuwento mo sa akin ang pinakamasayang-alala mo.

S: (tititig ng matagal)

I: Pinakamasayang ala-ala, kahit na ano. Kasama mo ang pamilya mo, mga bagay na hilig mong gawin...

S: Pinakamasaya?

I: O sige, kahit na ano na lang.

S: Mayroon akong naalala, pero hindi kasi ito, pangyayari sa buhay ko.

I: Sige lang

S: Panaginip, nanaginip ako noong sampung taong gulang ako. Karaniwan naman sa akin ang mga panaginip, mga kakaibang panaginip, ngunit ang isang ito ay iyong tipo na hindi ko malimutan. Naglalakad ako mag-isa sa isang tila disyerto. Mag-isa. Hindi nagtagal, nakakita ako ng bahay sa gitna ng disyerto. Kakaiba ang mga ilaw sa loob. Naisipan kong pumasok sa loob ng bahay sa pamamagitan ng bintana. Isang mahabang pasilyo ang sumalubong sa akin. Punong-puno ng mga pinto. Nagbukas ang isang pinto, may mga tao, inimbita nila akong sumalo sa kanila. Tila kilala ko sila ng matagal, ngunit hindi ko mailarawan o maalala ang mga mukha o pangalan nila. Paglabas ko ay sinikap kong lumabas ng pasilyo, isang pinto na naman ang sumalubong sa akin. Sinikap kong lumabas, ngunit paulit-ulit na mga pinto ang sumasalubong sa akin. Sa ika-sandaang pinto, may nakita ako.

I: Sige, tuloy lang.

S: (yuyuko, mananahimik ng matagal)

Tapos nakalabas daw ako ng bahay, ngunit takbo raw ako nang takbo. Paglabas ko ay nakita ko ang sarili kong nakalutang sa ere, hindi ako nahuhulog, lumilipad ako. Nakakatawa nga, e. Nagagawa ko raw lumipad nang ikampay ko ang mga braso ko na parang pakpak. Pansumandali lang iyon, kasi nahulog din ako.

I: Pagkatapos...

S: Doon na ako nagising, hindi ko iyon malimutan kasi kahit na nagising na ako, nararamdaman ko pa rin ang sarili kong nahuhulog. (mapapangiti)

I: Nakakatakot siguro

S: Hindi (ngingiti) sa katunayan, ang sarap sa pakiramdam

I: Nang lumipad?

S: Oo, saka ang mahulog (mabibigla) Pasensya ka na, nakakatakot na masyado itong mga sinasabi ko.

Character interviewsWhere stories live. Discover now