Most Vivid Memory. Ren

36 2 3
                                    


I: O, sige. Ikaw naman ang susunod. Maari mong ipakilala ang sarili mo.

R: O, sige. Ako nga pala si Duren.

I: Ang pagkakaalam ko ay nagmula ka raw sa isang prominenteng pamilya.

R: Hindi naman basehan ang aking apelyido sa aking pagkatao (ngingiti)

I: Sabagay, tama ka.

R: At madalas, Apelyido ang unang magtatali sa iyo.

I: O, sige. Ngayon, ikuwento mo sa akin ang pinakamasayang ala-ala sa iyo.

R: Sige, saan ako magsisimula?

I: Maaring tungkol sa pamilya mo.

R: O, sige. Alam ko na kilala mo na ang aking ama, ang aking ina, at mga kapatid. Noong bata ako ay sama-sama kaming nagsasalo sa pagkain. Agahan, tanghalian at hapunan. Mapagmahal ang aking ama, gayundin ang aking ina. Masunurin ang aking mga kapatid. Maging mga kasambahay namin, ay pamilya ang turing sa kanila ng aking ama.

I: Iyon lang?

R: Oo, kung handa kang ituloy ko ang aking kuwento...

I: Sige lang. Hindi kita huhusgahan.

R: Ayos lang sa akin na husgahan mo ako.

R:  Minsan, dadalaw sa amin si Signor Castiglione. Magkukulong sila sa kuwarto ni ama. Tatawagin ako nina ina dahil pangmatanda lamang daw ang usapan. Hindi raw ito nararapat sa akin. Ngunit, mabait akong bata. Alam kong ako ang pinag-uusapan nila. Palagi iyong nangyayari. Dadalaw ang Signor.

I: Pagkatapos...

R: Huwag kang umasa na kapana-panabik ang susunod na pangyayari.

I: SIge lang

R: Palaging sila lamang ang nag-uusap. Ngunit, isang araw, binalingan ako ng tingin ng Signor. Manipis na kamison lamang ang suot ko noon dahil matutulog na ako. Tiningnan niya ako. " Akalain mo nga naman, magbabalik ka," ang sabi niya sa akin.

I: Bakit naman niya sasabihin iyon?

R: Nakita kasi niya ito. (ililislis ang kuwelyo, makikita ang malalim na pilat sa malapit sa leeg)

I: Paumanhin

R: Mga sugat lang ang bumubuhay sa atin. Normal ito. Hindi kahiya-hiya.

I: Namumuhi ka ba sa Signor.

R: Hindi. Dahil masyadong mababaw ang pagkamuhi.

Character interviewsWhere stories live. Discover now