Most Vivid Memory. Lea

7 1 0
                                    


I: Nagbabalik po ang ating Interview series! At ngayon, kasama natin si. Wait, sino kasi?

L: Lea

I: Buong pangalan nila?

L:Azalea, puwede na?

I: Inig kong sabihin, yung...

L: Azalea, puwede na iyon. Iyong mga mararangya't maarte lang ang gumagamit ng pagkahaba-habang pangalan. Saglit lang naman akong lilitaw dito. Sige, ano bang tanong?

I: Sige, ano ang ala-ala na hindi mo malilimutan?

L: Wala namang interesante sa buhay ko. 

I: Kahit na ano

L: Para saan ba itong panayam? Baka naman ginogoyo niyo lang ako.

I: Ay, hindi ho. Itong panayam e para malaman nila bakit nito ginagawa ang ginagawa niyo.

L: Kung bakit pasaway ako, ganoon ba?

I: Hindi naman ho

L: Pasaway naman talaga ako. E dito ba naman sa estado ng lipunan natin, hindi ka mabubuhay kung lagi kang sunod nang sunod. Hindi naman lahat ng batas, ginawa para sa katulad ko.

I: Tulad ng

L: Lahat. Lahat ng batas. Malupit ang lipunang to sa mga tulad ko.

I: Bakit?

L: Ayaw nila kaming mabuhay. Noong nakatira pa ako sa Pantalan sa Hilaga, nakitira ako sa isang kabaro doon. Mahirap ang buhay, lalo na sa amin. Noong minsan na magkasakit ang anak ng Tiya, itinakbo ko siya noon sa isang manggagamot. Iyong mokong, pera bago serbsiyo. Ginawa ko ang lahat para mkahanap ng pera. Ngunit noong ibinigay ko ang gusto niya, itinapon niya lang sa lupa. Di raw siya tatanggap ng maruming pera mula sa pirata.

I: Kamusta na pala iyong bata?

L: Namatay din.

I: Ikinalulungkot ko.

L: Matagal na iyon 

I: Kaya ba kayo naging katulong ng manggagamot para tumulong sa tao?

L: Masasabi mo nang ganoon, ngunit wala akong balak maging bayani tulad ni Sei. (Tatawa) Wala sa dugo ko iyon.

Character interviewsWhere stories live. Discover now