Most Vivid Memory. Zei

24 3 2
                                    


I: Mukhang masaya ka ata ngayon.

Z: Oo naman. Ngayon ang unang beses na may kakapanayam sa akin ngayon. (Mag-aayos ng sarili) Halata na ba, katiwa-tiwala na ba ang mukhang ito, Kamaong Bato?

I: Oo naman

Z: (Magrerelax) O, sige. Salamat naman. Ano palang itatanong mo? Tungkol ba sa trabaho ko bilang Konstable? Pwede ring tungkol sa Bahay na tinutuluyan ko ngayon. Naku, alam mo ba doon sa aming Istasyon, ako ang pinakaasahan nila.

I: Ang dami mo namang sinabi.

Z: Huwag kang mag-alala. Marami kang maisusulat kapag ako ang kausap mo. Ano ba kasi iyang tanong mo?

I: Ano ang ala-ala na hinding-hindi mo malilimutan. 

Z: Iyon ba?

I: Depende sa kung ano ang iyong naalala, mas marami daw kasing ipapakilala iyon sa pagkatao mo.

Z: Sige, ano nga ba ang aking pinakahindi malilimutang sandali? (titigil) Siguro ay noong unang mga araw ko dito sa Limpio. Sinubukan kong mamasukan bilang bangkero pero walang tumanggap sa akin. Alam mo na, wala kasi akong kakilala dito. Dumating ako dito nang mag-isa.

I: Wala ka bang pamilya na naiwan sa inyo?

Z: Mayroon. Iniisip ko nga sila lagi.

I: Hinahanap ka nga rin siguro nila.

Z: Sana, pero medyo malabo, basta. Mahabang kuwento.

I: Naiintindihan ko.

Z: Wala akong mahanap na trabaho kaya ayun, natutulog sa daan. Akalain mo ba naman, mas mahirap palang mabuhay dito sa syudad kaysa sa sa bundok. Nakakatawa rin, e no? Kaya siguro noong may nagbigay sa akin ng barya, hinanap ko siya para ibalik yung perang binigay niya sa akin. Mukha lang akong namamalimos, pero di ako marunong mamalimos. Itong mga matipunong bisig na ito? Mamamalimos? Pasasaan pa't nabiyayaan ako ng ganitong hitsura? Sayang naman hindi ba kung hindi ko magagamit. Saka mas marami akong nakakasalamuha't matutulungan sa ginagawa ko ngayon.

I : Ang hirap din naman pala ng naging buhay mo.

Z: Hindi naman, kinakaya ko kaya ito.

Character interviewsWhere stories live. Discover now