Scenario 1: Bagong Taon, Lumang Pamahiin

27 0 0
                                    


Setting: Casa ng Cuore, limang oras, bagong taon na. Nakasilong ang lahat sa loob dahil sa panaka-nakang buhos ng ulan sa labas. Nag-aayos ng prutas sa kusina si Zei. Lalapitan ng mahal na interviewer.

I: Abalang-abala ka yata

Sei : Aba, syempre. Magbabagong-taon na. Kakauntin oras na lang, makukumpleto na ito. (ipinapatong ang mga mansanas at ubas sa pakwan) Pangsiyam ang ubas, Sampu. Mansanas. Pakwan? Hayan!

O diba?

I: Labindalawang prutas ba ang binubuo mo?

Sei: Tumpak! Labindalawa. Labindalawang bilog na prutas para suwerte. Siguro naman, tataas na ang ranggo ko sa lagay na ito.

I: Labing-isa lang iyan, di ba dapat labindalawa?

Sei: Ay! Naku. (Magkakamot at tatawa) Pasensya, di marunog magbilang, e. Hehe.

I : Tulungan na kita

Sei: Ay, huwag. Ako na, ako nang maghahanap sa panglabindalawa.

I: Ako na.

(lalapit si Interbyuwer kay Lea na abalang nagsasara ng mga bintana)

I: Anong ginagawa mo diyan?

Lea : Nagsasara ng mga bintana, hindi mo ba nakikita?

I: Para saan naman iyan.

Lea: Para hindi makapasok ang masamang elemento.

I: Naniniwala ka rin pala sa pamahiin.

Lea: Hmm, mapupuno kasi ng amoy ng pulbura mamaya dahil sa mga paingay at paputok. Nakakairita lang.

I: Iyon ang masamang elemento?

Lea: Masamang-masamang elemento. Nakasasama sa kalusugan itong kalokohan nila.

I: Sige, mauuna na ako.

(lalapit si Interbyuwer kay Sal na nakadungaw sa balkonahe, malayo ang tingin)

I: Ang lalim yata ng iniisip mo.

Sal: Ang sabi ni Sei, tatangkad daw ako kapag tumalon ako sa Bagong Taon. (dudungaw sa lupa)

I: Pero nako, huwag diyan. Mababali ang buto mo kapag tumalon ka dito mula sa ikalawang palapag.

Sal: Tapos ay tatangkad ako dahil gagamit ako ng saklay.

I: (bubuntonghininga) Basta huwag kang tatalon dito.

Sal: Para saan ba itong mga pamahiin?

I: Aywan, nakaugalian na, e.

Sal: Kung ganon, hindi laging tama ang nakaugalian.

I: Bakit naman?

Sal: (ngingiti na lang)

(masusulyapan ni Interbyuwer si Ren na nakasandal sa poste at nanonood sa kanila)

I: Ikaw, naniniwala ka ba sa pamahiin?

Ren: Oo, tulad nito. Suwerte para sa mga panauhin at sa may-ari ng bahay ang magkabit ng patalim sa pinto. Makulay na buhay naman ang dulot ng paglalagay ng arseniko sa kusina.

I: Ay, teka. May ganiyang mga pamahiin?

Ren: ( ngingisi ) Palagay mo?

I: O, sige. Alis na muna ako.

(Lalapit si Interbyuwer sa silid ng Signor Cuore.Abalang-abala ang Signor sa mga papeles sa kaniyang negosyo)

I: Hindi yata kayo magdiriwang ng bagong taon?

Sgr. : Ang bagong taon na iyan, sa kalaban iyan. Walang maidudulot na mabuti ang ganiyang mga kalokohan lalo na't ang mga ganiyang kapritso, galing iyan sa mga pirata.

I: O, sige.

(Mababagot si Interbyuwer, uupo. Maya-maya may sisigaw)

Oleon: Ate Sal! Bitawan mo iyan, Hindi espasol iyang paputok!

( Magugulantang lahat. Tatakbo palabas ng Casa sina Sei at Lea. Tatayo rin ang Signor Cuore. )

Ren: (tatawa nang mahina) Maligayang Bagong Taon sa inyong lahat...

Character interviewsWhere stories live. Discover now