1

5 1 0
                                    

Chapter 1

BAGSAK ang balikat ni belle ng lumabas siya ng resto bar kong saan siya nag tatrababo, natanggal siya sa trabaho dahil sa pag kakamaling nagawa niya ng nag daang gabi.

Nabawasan na ang trabaho niya kaya ang ibig sabihin nun ay mababawasan na naman ang perang ibinibigay niya sa pamilya niya.

Pag kagaling niya sa resto bar ay saglit siyang umuwi sa bahay na tinutuluyan niya para mag palit ng damit. Kailangan niyang pumasok ng maaga sa restaurant kahit pa nga natatakot siyang pumasok dahil Baka makita na naman niya si Gino mondragon ang lalaking dahilan kung bakit siya natanggal sa resto bar na pinapasukan niya.

Kahapon ay muli silang nag kita ng lalaki at tinakbuhan niya ito at dahil yata sa ginawa niya kaya siya pinatanggal ng hudyo iyong sa trabaho niya..

"Nandiyan kana pala belle, umakyat ka sa taas pinapatawag ka ni boss " Tumango lang siya sa manager na si ma'am Monica at tuloy tuloy siyang umakyat sa itaas para puntahan ang boss niyang si ma'am Alexa.

Kumatok siya ng dalawang beses at dahan dahan na pumasok sa loob para lang mapatanga ng makita niya ang isang lalaki na kampanteng nakaupo sa isang single sofa.. Anong ginagawa ng lintik na ito dito?

"Come here belle " tawag sa kanya ng boss niyang si Alexa.

"Good morning ho ma'am! Pinatatawag niyo daw po ako? " kinakabahan niyang tanong. Ganito din kasi ang ngyari sa kanya sa resto bar bago siya nawalan ng trabaho.

"Yes! Kasi naki usap sakin si Mr. Mondragon na kung pwede ay sa kanya ka muna mag tatrabaho for one month "

"Po? " gulat niyang tanong at ng bumaling siya sa lalaki ay tinaasan siya nito ng kilay.

"Pwede ka namang bumalik dito after one month, sa ngayon sa kanya ka muna mag tatrabaho "

Tinignan niya ng masama ang lalaki kaya pinanlakihan siya nito  ng mga mata. Animal na ito Ano naman kayang trabaho ang ipapagawa niya sakin? 

Hanggang sa nakalabas na siya ng restaurant ay wala pa rin siya sa kanyang sarili. Ano na ang gagawin ko ngayon? Gusto niyang umiyak sa subrang inis.

"Belle " napatigil siya sa pag lalakad ng marinig niya ang boses ng hinayupak na lalaki. Hindi niya ito pinansin at tuloy tuloy lang siyang nag lakad hanggang  sa hinawakan nito ang braso niya at pinihit siya pabalik.

"Ano ba? Bitiwan mo nga ako " galit niyang singhal pero hindi man lang natinag ang hudyo.

"Wag mo nga akong sinisigawan " angil nito.

"Wala kang pakialam kung sigawan man kita o hindi! Ano na naman ba ang kailangan mo ha? Masaya kana wala na naman akong trabaho " nanggagalaiti niyang sigaw pero ang hayop tumawa lang. "Anong nakakatawa? "

"Your cute " ginulo ng hinayupak ang buhok niya. "Kailangan ko ng maid sa bahay ko at ikaw ang gusto kong kunin " ano daw?

"At bakit ko naman gagawin yon aber? " nameywang siya.

Tumaas ang gilid ng labi ng lalaki at naningkit ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. " ipakukulong kita dahil sa ginawa mong pag pokpok sa ulo ko! " umismid ito " nakalimutan mo na yata hindi kapa bayad sa kasalanan mo sakin"

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito " d-diba nag paliwanag na ako sayo kung bakit ko nagawa yon? "

"Wala akong pakialam sa paliwanag mo " umayos ito ng tayo " tatanggapin mo ang alok ko o ipakukulong kita? Balita ko may pamilya kang binubuhay? Paano mo sila bubuhayin kong nasa loob ka ng kulungan?"

She's the one Where stories live. Discover now