WARNING...
THIS IS A WORK OF FICTION, CHARACTER, BUSINESSES, PLACES, EVENTS AND INCIDENT ARE EITHER THE PRODUCT OF AUTHORS IMAGINATION..
Ito ang pinaka unang storyang isinulat ko kaya sana wag niyong husgahan.. Haha.
Pasinsya sa kung may mababasa kayong medyo may kamaliaN ..😂
Prologue..
"BELLE "
mabilis ang bawat kilos ni belle dahil marami silang customer ngayon sa resto.
"Nandiyan na po "
"Pakibigay sa table 10 "
Kinuha niya ang tray na may lamang inumin at pag kain at mabilis iyong dinala sa table 10.
Dalawang buwan na rin mula ng lumuwas siya ng maynila para mag hanap ng trabaho sa tulong ng pinsan niyang si Anna. At ngayon ay natanggap siya bilang pansamantalang waitress sa isang resto bar! Mas okey na ito kaysa naman nakatingga siya sa bahay kailangan ng pamilya niya ng pera kaya kailangan niyang kumayod.
Ilang oras lang naman ang trabaho niya dito sa resto bar, kaya may oras pa siya para matulog dahil sa umaga ay sa isang restaurant naman siya pumapasok bilang isang waitress din.
"Belle, pag katapos mo diyan pumunta ka sa opisina si manager " sabi sa kanya ng isa niyang kasamahan..
"Sige "
Ng maihatid ko ang order ay agad akong pumasok sa opisina ng manager na si miss chai .
"Miss! Pinapatawag nito daw po ako?"
"Belle! Pwede mo bang ihatid ang mga to? " inilapag nito sa mesa ang tatlong box na sakto lang ang laki.
"Saan po? "
Inabot nito sa kanya ang isang maliit ba papel " Yan ang address, mag taxi kana lang papunta don sa hotel "
"Sige po " kinuha ko na ang mga box at nag mamadali akong lumabas ng opisina ni miss chai.
Ipinasok ko ang papel at ang pera sa bulsa ng suot kong skirt at pumara ako ng taxi at ibinigay ko sa driver ang address..
Ng makarating ako sa hotel ay kaagad akong pumasok sa lobby at nag tanong kong anong floor ang hotel room na naka sulat sa papel. Kaagad naman akong sinamahan ng isang bell boy patungo sa hotel room.
"Ma'am may key card po ba kayo? " tanong ng bell boy habang pinipindot ang doorbell ng hotel room.
"Wala po "
"Bukas naman po, pwede na kayong pumasok sa loob "
"Salamat"
Ng makaalis ang bell boy ay pumasok siya sa loob ng hotel room at pinag masdan ang paligid, pero napatingin siya sa mga box na ipinatong niya sa ibabaw ng maliit na lamesa. Ano kaya ang laman nito?
Bago pa masagot ang tanong niya ay biglang bumukas ang isang pinto at lumabas doon ang isang lalaki na mukhang bagong paligo, nag pupunas ito ng buhok at ang ibabang bahagi ng katawan nito ay natatakpan lang ng tuwalya.
Bayagya pa siyang napapitlag ng umangat ang tingin nito sa kanya at natigil ito pag pupunas ng basang buhok.. Kinabahan siya ng mag salubong ang kilay nito at kumunot ang noo habang nakatitig sa kanya.
"Who are you? " malamig nitong tanong at humakbang ito patungo sa may kama.
Napatigalgal siya ng tanggalin nito ang tuwalya at baliwalang nag bihis sa harap niya mismo.. Ohh! God..
"Ikaw ba yong pinadala ng mga kapatid ko? " muli nitong tanong. Kapatid? Kapatid niya si miss chai?
"May pinapahatid si miss chai sainyo s-sir" kinakabahan niyang sagot.
Natigil sa pag suot ng pantalon ang lalaki at muli siyang tinitigan. "Who's chai? "
"Ha? "
"Who's the he'll is chai? " medyo tumaas ang boses nito kaya napapitlag siya. " at ano Yang dala mo? "
"H-hindi ko po alam basta pinahatid lang yan ng manager ko"
Hindi sumagot ang lalaki at nag lakad ito patungo sa kanya at hinawakan siya sa braso. Ramdam niya ang init ng palad ng lalaki ng dumampi iyon sa balat niya.
"Ikaw ba ang pinadala ng mga kapatid ko dito? " sa subrang gulat niya ay hindi siya nakapag salita. " sabihin mo sa mga kapatid kong gago hindi ko kailangan ng babae"
Ano daw?
"Maganda ka mag hanap ka ng trabahong matino! Sayang ka kung mag papabayad ka lang "
Teka... Iniisip ng lalaking to na bayaran akong babae?
"Hindi ko alam ang sinasabi mo! At bitawan mo nga ako? " hinablot ko ang braso ko pero lalong humigpit ang hawak niya. " a-aray" .
Pahigpit ng pahigpit ang pag kakahawak niya sa braso ko habang umaatras siya patungo sa sofa kaya pati ako ay napapaatras din..
Napatingin ako sa mukha ng lalaki, nag babaga ang mga mata nito at madilim ang mukha kasabay ng pag igting ng panga nito, dahil sa takot niya ay bigla niyang nahawakan ang isang bote ng wine na nasa ibabaw ng night stand at ihinampas iyon sa ulo ng lalaki dahilan para bumagsak ito sa carpeted na sahig..
"Hala.. Napatay ko yata " mabilis kong kinapa ang leeg ng lalaki at ng masiguro kong pumipintig iyon ay kumaripas ako ng takbo palabas ng hotel room.
Omg!! Ano ba itong nagawa ko?
Nanginginig ang mga tuhod niya habang tumatakbo siya patungo sa kabilang side ng kalsada. Basta na lang siya sumakay ng Jeep at nag bayad at basta na din siya bumaba at nag lakad papasok sa isang eskinita patungo sa bahay ng pinsan niyang si Anna.
Nangangatal ang mga kamay niya ng pumasok siya sa loob ng bahay at dumiritso siya sa kanyang kwarto.
"Pano kapag may ngyaring masama don sa lalaki? Ano ng gagawin ko? " nag papanic na tanong niya sa sarili.
Hanggang sa nakatulog siya ay iyon ang laman ng isip nya.KINABUKASAN ay wala sa sariling pumasok sa pang umagang trabaho si Belle. Medyo masakit ang ulo niya dahil wala siyang maayos na tulog kagabi at dahil wala siya sa sarili ng umuwi siya ng bahay ay hindi na niya nagawang kumain.kaya ngayon ay kumakalam na ang sikmura niya.
"Belle! Pakihatid naman to sa VIP room number 2 " si Mich.
Tamad niyang kinuha ang tray at dinala iyon sa VIP room.
"Sir ito na po yong order niyo " inilapag niya ang pagkain sa ibabaw ng lamesa at akmang mag tatanong siya kung may kailangan pa ang customer ng biglang bumaling sa kanya ang lalaki.
"We meet again crazy woman " malamig nitong sabi habang nakatingin sa mga nanlalaki niyang mga mata.
Patay!!!
YOU ARE READING
She's the one
Ficción General" Mahirap mag mahal ng taong hindi pa tapos mag mahal ng iba" belle Isabelle Fernandez isang probinsyana na may simpling pangarap..makikipag sapalaran sa maynila para makatulong sa pamilya.