3

7 0 0
                                    


Chapter 3

MAAGANG umalis ng mansion si Belle para puntahan ang pinsang si Anna. Maaga siyang umalis para hindi niya makita ang boss niyang may sapi sa utak.

Ilang araw na niya itong iniiwasan dahil sa ngyari ng kabing dumating sa mansion ang mga kapatid nito at inulan sila ng tukso na sinang ayunan naman ni Gino at ng gabing iyon ng makaalis na ang mga kapatid nito ay bigla na lang siyang sinunggaban ng binata ng isang marubrob na halik.

Muntik na siyang madala at makalimot ng gabing iyon, kung hindi pa pumasok sa utak niya na isa lamang siyang hamak na alipin ni Gino.

Hindi niya alam kung may natatandaan ba ang binata dahil wala naman itong sinabi sa kanya, hindi nga ito nag rereklamo tungkol sa pag iwas niya. Mas maganda nga sigurong ilihim na lang nila pareho ang nangyri..lasing si Gino ng gabing yon kaya malamang hindi nito naalala ang ginawa. Lasing nga ba?

Kumunot ang niya ng makitang may nakaparadang pulang sasakyan sa labas ng gate sa bahay ni Anna. May bisita ang bruha? Pumasok siya sa bahay at nanlaki ang mga mata niya ng makilala ang lalaking naka upo sa isang single sofa.

"Master Lexus? " gulat niyang sambit.

Ngumiti ang lalaki " Hi! Belle "

"A-anong ginagawa nito dito sa bahay ng pinsan ko?" Naguguluhan niyang tanong pero sa halip na sumagot ay ngumiti lang ang lalaki at sumandal ito sa sandalan ng sofa. Anong meron? 

Mula sa kusina ay lumabas si Anna na may dalang isang tasa ng kape nagulat pa ito ng makita siya.

"Nandiyan ka pala insan " kimi nitong sabi at nag iwas ito ng tingin.

Kinunutan niya ito ng noo at suminsyas siya na sumunod ito sa kwarto na kaagad naman nitong ginawa.

"Ano yon? Anong ginagawa niyang lalaking yan dito? " pabulong niyang tanong.

"Wala nag uusap lang kami " nakangiti nitong sabi.

Umikot ang mga mata niya " ng ganito kaaga? May hindi kaba sinasabi sakin? "

"Mamaya ako mag kukwento sayo okey? Tara na sa labas " hinila nito ang kamay niya palabas ng kwarto at nanlaki ang mga mata nilang pareho ng makitang may kasama si Lexus sa sala si Gino na panay ang tingin sa paligid. Ano naman ang ginagawa ng hinayupak na ito dito?

Tumikhim si Anna kaya napalingon ang dalawa sa gawi nila at kaagad na nagtama ang mga mata nila ni Gino.

"Master? Anong ginagawa mo dito? " inis niyang tanong.

"Sinundo ko si Lexus " sabay iwas ng tingin.

"Bakit mo ako sinusundo? Wala naman akong sinabi sayo na sunduin mo ako" kunot noong sabi no Lexus.

"Shut up" angil naman ni Gino. Seriously? Ano ba ang nakain ng mga baliw na ito at napadpad ito dito sa bahay ni Anna? "Hey! Bakit ka umalis ng bahay ng walang paalam? " sita sa kanya ng binata.

Inirapan niya ito at nag tungo siya sa kusina dala ang pinamili niya. Ng mailagay niya iyon sa counter ay muli siyang lumabas at nag paalam kay Anna.

"Aalis na ako! Saka na lang ako babalik. Text mo ako kung kailan ka walang trabaho " tumango lang si Anna kaya naman lumabas na siya ng bahay.

Hindi pa siya nakakalayo ng may magsalita sa likuran niya dahilan para huminto siya sa pag lalakad. "Ngayon ko lang nalaman na pinsan mo pala ang ex-girlfriend ni Lexus " ex girlfriend? Si Anna ex ni Lexus?

Binalingan niya ito" at ano naman ang ginagawa mo dito? "

"Ganyan ka ba dapat makipag usap sa boss mo? " seryuso nitong sabi kaya naman humaba ang nguso niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 05, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's the one Where stories live. Discover now