Chapter 2
ABALA si belle sa kusina ng biglang pumasok si Gino! Hindi niya ito pinansin at patuloy lang siya sa ginagawa hanggang sa mag salita ang binata.
"Iwan mo muna yan diyan"
Napatingin siya sa lalaki " bakit? "
Nangalumbaba ito sa harap niya."samahan mo akong mag grocery"
Napataas ang kilay niya dahil sa sinabi ng lalaki " bakit ako? "
Nag salubong ang mga kilay nito. Napakadali talagang mapikon ng hudyo. "Sino ang gusto mong isama ko? Si Black? " ang tinutukoy nito ay ang alagang aso " tara na! Darating ang mga kapatid ko mamayang gabi kaya ipag luluto mo sila " singhal nito sa kanya.
"Hindi ako marunong mag luto master " inis niyang sagot habang sinusundan ito palabas ng kusina.
"Hindi ko na problema yon! Basta mag luluto ka mamaya " bigla itong lumingon kaya bumangga siya sa matigas nitong dibdib. " ayusin mo ang trabaho mo at wag kang tatanga tanga "
"Maka tanga ka naman ikaw tong bigla na lang lumilingon diyan" pabulong niyang sagot kaya lalong naningkit ang mga Mata ni Gino.
"Sinasagot mo na ba ako? " gigil nitong tanong. Sasagot sana siya ng marinig niya ang tinig ni nay Cora.
"Nag aaway na naman kayo? Para kayong aso't pusa diyan oras oras kayong nag babangayan " galit na sita ni nay Cora.
"Siya ho kasi /siya ho kasi " sabay na sambit nilang dalawa ni Gino at pareho pa silang nakaturo sa isat isa.
Napailing ang matanda " kung pupunta kayo ng grocery lumakad na kayo! Hindi yong away kayo ng away. Para kayong mga bata " Tinalikuran sila ni nay cora kaya naman padabog siyang nag lakad palabas ng bahay at tinungo ang kotse na nakaparada sa labas ng gate. " ano pang hinihintay mo diyan? buksan mo na tong kotse mo para makalayas na tayo! " sigaw niya sa binata.
"Wag mo nga akong sinisigawan! Tandaan mo I'm your boss at employee lang kita " balik sigaw nito sa kanya " ang arte kala mo naman maganda " bulong nito.
"May sinasabi ka? " naiinis niyang tanong ng makapasok siya sa loob ng sasakyan.
"Wala! Ano naman ang sasabihin ko?" Binuhay nito ang makina at hindi nag tagal ay nasa daan n sila " binigay ba sayo ni nay cora ang listahan? " tanong nito.
"Hindi! May nakikita kaba? " angil niya rito.
"Tsk! Tawagan mo nga si nay cora " utos na naman nito.
"Wala akong cellphone " gusto niyang matawa sa reaction ng binata. Nanlalaki ang mga Mata nito habang nakatingin sa kanya.
"Saang bundok kaba nang galing? Sa panahon ngayon wala kang cellphone? " hindi makapaniwalang sabi nito.
"Wala akong pera para makabili ng cellphone! Ang sweldo ko sa trabaho ay lahat yon napupunta sa pamilya ko. Hindi ako mayaman tulad mo" mahina niyang sabi saka nag iwas ng tingin dahil nakatitig ang binata sa kanya " pwede ba sa daan ka tumingin baka mabangga tayo eh! Ayuko pang mamatay "
"Assuming ka! Hindi ako nakatingin sayo " binilisan nito ang pag mamaneho at hindi na muling nag salita pa.
Nagulat siya ng huminto ang sasakyan sa isang mall. "Akala ko ba sa grocery tayo pupunta? Bakit nandito tayo sa mall? "
"Dito ko gustong pumunta! May reklamo kaba? " masungit na sagot nito.
"Meron! Hindi mo ba nakikita nakapambahay lang ako " naiirita niyang sabi, sino ba namang matinong Tao ang pupunta sa mall ng naka suot ng sleeve less at pajama.

YOU ARE READING
She's the one
General Fiction" Mahirap mag mahal ng taong hindi pa tapos mag mahal ng iba" belle Isabelle Fernandez isang probinsyana na may simpling pangarap..makikipag sapalaran sa maynila para makatulong sa pamilya.