Ang Pag-alis

16 0 0
                                    

Gustuhin man ng mag-asawa na pigilan ang anak sa kanyang nais na pumunta ng Maynila ay hindi nila nagawa. Kailangan nilang suportahan ang anak sa desisyon nito dahil alam nilang ito ang mas magpapasaya sa kanya.

Dumating na nga ang araw ng pag-alis ni Kristine. Nasa labas na sila ng bahay na nag-aabang ng dyip na masakyan papuntang bayan.

“Kristine, nak. May tiwala kami ng tatay mo sa’yo. Alam namin na ang pag-alis mo ay makakabuti para sa ating lahat.”Basta ‘wag mong kakalimutang tumawag sa kapatid mo lagi ha para naman makausap ka namin. Lagi ka din magdasal at humingi ng gabay sa Kanya.” humihikbing sabi ni Asing.

Oo naman Nay. Di ko po kayo kakalimutan. Kayo po yata ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Pagdating na pagdating ko po sa Maynila, tatawag ako agad. Huwag na po kayo masyadong mag-alala, kasama ko naman ‘yong mga kaibigan ko. Marami kami. Di namin pababayaan ang isa’t-isa.” ang sagot ni Kristine habang yakap-yakap ang ina.

“Tay, ‘wag nyo po pababayaan si Nanay ha. Mag-iingat po kayo dito lagi. Mahal na mahal ko po kayong lahat. Huwag na din po kayo masyadong magpapagod. Pramis ko po na gagawin ko po ang lahat para balang araw magiging maayos ang buhay natin.” Umiiyak na sabi ni Kristine sa ama.

“Mahal na mahal ka din namin anak. Mahirap man sa amin ng ina mo na malalayo ka pero wala kaming magagawa kasi alam namin na para din sa ating lahat ang gagawin mo. Pasensya ka na kasi kailangan mo magtrabaho sa ibang lugar para sa pamilya natin. Ako dapat ang naghahanap ng trabaho.” tugon naman ng maluha-luhang ama.

“Wala pong ano man Tay. Pamilya tayo kaya dapat nagtutulungan tayo, diba? Basta po , aalagaan nyo lagi ang mga sarili nyo. At ikaw naman Eric, wag mo pababayaan sila nanay at tatay ha. Tatlo na lang kayo dito. Huwag ka ng pasaway. Di puro lakwatsa lang ang aatupagin mo. Tulungan mo si tatay sa bukid ha.”

“ Si ate naman oh, aalis na nga mang-aasar pa. Opo di ko po sila pababayaan. Basta ate yong pramis mo na smart celfon ha hihihi. Sige na group hug na tayo kasi parating na ang dyip.  ” nakangising sagot ni Eric.

Niyakap ng bawat isa ang isa’t-isa. Sobrang bigat sa loob ni Kristine ang pag-alis. Di sya magkamayaw sa pagpunas ng mga luha na kusang dumadaloy mula sa kanyang mga mata. Gayundin ang nararamdaman ng kanyang ina at ama. Na tila ba sa pangalawang pagkakataon ay nawalan ulit sila ng anak. Minamasdan ng mag-asawa ang papalayong dyip hangga’t ito ay naglaho sa kanilang paningin.

Batid ni Kristine na di madali ang magiging buhay nya sa Maynila pero alam nyang kakayanin nya kasi simula lamang ito ng kanyang pangarap.

Balang araw, babalik ako sa lugar na ito na dala ang pinakamagandang balita para sa aking mga magulang.” nasa isip ni Kristine na nasa dyip habang inaayos ang buhok na nililipad ng hangin.

Mula sa terminal ng dyip, dalawang kilometro pa ang layo ng airport kaya kailangan pa ni Kristine na sumakay ng taxi.

Alas dos na nang hapon ng makalipad ang eroplanong sinakyan nila Kristine kaya naman magtatakipsilim na ng makarating sila sa bahay na tutuluyan nila.

Pansamantala na muna silang maninirahan sa kapatid ng kaklase nyang si Myles habang naghahanap ang mga ito ng trabaho. Usapan nila na maghahati-hati na lamang sila sa mga gastusin sa bahay.

Dahil sa pagod sa byahe ay maagang natulog si Kristine pagkatapos nitong makausap ang mga magulang.

Nang Magbiro ang TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon