Sa isang nayon ng North Cotabato ay may mag-asawang naninirahan malapit sa bundok. Sila ay sina Lukas at Asing. Pagsasaka ang kanilang ikinabubuhay kaya tiniis ng mag-asawa ang mamuhay kahit na malayo sa mga kapitbahay. Si Lukas ay araw-araw na nasa bukid samantalang si Asing naman ay dalawang beses sa isang lingo pumupunta ng bayan para magtinda ng mga kakanin.
Dalawang taon na silang kasal bago sila nagkaroon ng unang anak. Si Carlos. Isang malusog na sanggol ng iniluwal ni Asing. Lalong nakitaang pagiging magandang lalaki ni Carlos habang ito’y lumalaki. Nakuha nya ang mapupungay na mga mata sa kanyang ama at ang matangos naman na ilong sa kanyang ina.
Masaya ang dalawa sa pagdating ng bata sa buhay nila. Inalagaan nila ito ng maayos at ginagawa ang lahat para mabigyan ito ng magandang buhay habang lumalaki.
Ngunit ang kasiyahang ito ay napalitan ng lungkot at pighati ng isang araw ay nangyari ang di inaasahan ng mag-asawa. Mag-aalas kuwatro noon ng hapon.
Bang… bang…. Bang… bang…tunog mula sa di kalayuan ng bahay ng mag-asawa.
Wala sa bahay si Lukas na nasa bukid ng mga panahong iyon na dalawang kilometro ang layo mula sa kanilang tahanan kaya ganun nalang ang takot na nadarama ni Asing.
Ano ‘yon? May barilan yata sa di kalayuan dito ah? Panginoon, ‘wag mo naman pabayaan ang asawa ko.Nangangarag na sambit ni Asing.
Dali-daling kinarga ni Asing ang anak nito na noon ay dalawangtaon pa lamang at naglalaro sa may sala.
“Nay a-no po ang mala-lakas na tu-nog na ‘yon? Nata-ta-kot po ako.. Huhuhuhu “….nakahikbing tugon ng bata.
“Wala anak. Wag ka ng umiyak. Mawawala din ‘yon mamaya. Tahan na” tugon ng ina habang haplos-haplos nito ang likod ng bata.
Agad na dinala ni Asing si Carlos sa loob ng kuwarto. Lumabas ito at dali-daling sinara ang mga bintana at pinto.
Bumalik ito sa loob ng kwarto na balisang-balisa. Kinuha ang rosaryo na nakalagay sa may altar. Lumuhod katabi ng bata at sinimulan ang pagdadasal. Pumikit ito habang hawak-hawak ang rosaryo. Taimtim na nagdasal ngunit di pa sya nangangalahati sa pagrorosaryo ng biglang..
Blaggggg.. Tunog ng pwersahang pagbukas ng pinto.
Nabigla si Asing at napadilat ito. Hinawakan niya ang bata ng mahigpit habang hawak ng kaliwang kamay naman ang rosaryo.
“Lukas, ikaw ba ‘yan?
Sigaw ni Asing habang binabaybay ang daan papuntang pintuan. Ngunit imbes na si Lukas ang makita ay tumambad sa kanya ang limang armadong kalalakihan na nakatakip ang mga mukha.
“Sino kayo? Anong kailangan nyo sa amin? Wala kaming pera. Maawa po kayo sa amin. Wag nyo po saktan ang an…
Di pa man natapos si Asing sa kanyang pagmamakaawa ay may kung anong matigas na bagay na dumampi sa kanyang ulo. Agad itong nawalan ng malay-tao..
Dinala ng mga armadong lalaki si Carlos sa bundok kung saan nagtatago ang mga ito. Ginawa nila itong bihag na noong mga panahong iyon ay hinahabol ng mga pulis.
Di makapaniwala si Lukas ng tumambad sa kanya ang asawa na naliligo sa sariling dugo. Tatlumpong minuto mula sa pag-alis ng mga armado. Hawak-hawak pa rin ni Asing ang rosaryo. Agad na dinala ni Lukas ang asawa sa pinakamalapit na bahay-pagamutan.
Itutuloy...

BINABASA MO ANG
Nang Magbiro ang Tadhana
RomanceHanggang saan ang kaya mo para sa pag-ibig? Hanggang kailan mo ba kayang ipaglaban ang pag-iibigan na sa simula pa lang ay isa ng kasalanan? Ano ang kaya mong gawin kung mismong tadhana ang nagbiro? Makakaya mo ba or basta-basta ka na lang susuko...