Ang Unang Tagpo

17 0 0
                                    

Araw ng Miyerkules ngayon. Unang umaga ni Kristine sa Maynila. Mukhang naninibago pa ang kanyang katawan sa bago nyang tirahan at kapaligaran kung kaya nauna itong nagising kaysa sa mga kasama. Sanay kasi sya sa probinsya na magising ng maaga lalo na kapag walang pasok dahil tintuulungan nya kanyang ang ina sa paghahanda ng almusal para sa amang nagtatatrabaho sa bukid.

Mula sa bintana ng kanyang higaan ay tanaw nya sa di kalayuan ang maraming dikit-dikit na bahay na may kung anu-anong nakapatong sa bubungan ng mga ito. Nasa pangatlong palapag na may maliit na espasyo kasi sya ng bahay ni Myrna, kapatid ni Myles. May gulong ng sasakyan, hollow blocks, isang dipang haba na mga kahoy, styrofoam at kung anu-ano pa na ginagawang pabigat sa mga yero para hindi ito malipad ng malakas na hangin. Meron ding mga damit na nakasampay na tila bang mga display sa isang department store.

"Nasa Maynila na nga talaga ako. Welcome to your new world, Kristine". nasambit nya habang inaayos ang kanyang higaan.

Nasa bahaging Paranaque nakatirik ang bahay na kanyang tinitirahan kung saan malapit sa squatter area.

"Iba pa rin talaga ang probinsya. Walang kang makikitang ganito kasikip na mga iskinita. Malinis ang hangin at walang problema sa polusyon." sa isip-isip ni Kristine.

"Bulaga! Myles, Grace at Clare, gising na po kayo. Ngayong araw kailangan na natin magsimulang maghanap ng trabaho." bulalas nya sa kanyang mga kaibigan na agad naman nagising.

Mabilis na naghanda at kumain ng almusal ang magkakaibigan. Pagkatapos ng isang oras ay handa na ang lahat.

"Let's go, girls." yaya ni Grace sa mga kaibigan habang naglalakad ng paekis bitbit ang shoulder bag na kulay pink. Ganon na lang ang tawanan ng lahat.

Mag- alas 11 na ng nakarating ang magkaibigan sa una nilang destinasyon, ang SBA-NBC. Isang kilalang kompanya sa larangan ng pangmadlang komunikasyon na matatagpuan sa may bandang Quezon City.

"Dito na tayo. Sana naman isa sa atin ay matanggap sa kompanyang ito." bulalas ni Kristine habang binabaybay nila ang daan patungong gate ng building.

Nadatnan nila ang dalawang security guards na nakaupo sa bawat sulok ng gate.

Magandang umaga po. Ate, pwde po bang magsubmit ng resume? panimula ni Myles.

"Opo Miss pwde naman. Ako na lang bahala magforward sa Human Resouce office. " sagot ng sekyu.

"Salamat po, Ate." agad na ibinigay nila ang kani-kanilang resume at umalis na.

Naglakad sa gitna ng matinding sikat ng araw ang magkakaibigan patungong kalye kung saan may mga nakaabang na dyip. Pupunta sila sa isang mall na malapit doon upang kumain ng tanghalian at magpalipas na din ng oras bago tumungo sa pangalawa nilang destinasyon.

"Tin, pakiabot naman ng bayad namin". si Clare habang inaabot ang pamasahe kay Kristine na noon ay nakaupo sa bandang unahan ng dyip.

Agad na inilagay ni Kristine ang pera sa kaliwang kamay nito at akmang dudukot sa bag nang biglang nahulog ang limang piso na hawak-hawak. Gumulong ito papunta sa harap ng isang lalaki na nasa harapan nya dalawang tao ang pagitan mula sa kanya.

Sinundan ni Kristine ng tingin ang nahulog na barya at nakita nya na may pumulot nito. Bahagya nyang itinaas ang kanyang ulo upang pagmasdan ang taong ito. Tumambad sa kanya ang isang maamong mukha. Sa tingin nya ay mas matanda ito sa kanya ng ilang taon. Balingkinitan, makinis ang balat, may mapupungay na mga mata at halatang nagbubuhat sa gym dahil sa malalaki nitong braso.

Agad na binaba ni Kristine ang kanyang tingin nang nagtagpo ang kanilang mga mata.

"Miss, ito po 'yong baryang nahulog mo." saad ng lalaki sabay abot ng pera.

"Salamat". ang mahinang tugon ng dalaga.

May kung anong malakas na enerhiyang pumasok sa katawan ni Kristine upang ito'y manghina nang nagdampi ang kamay ng lalaki sa kanyang palad. Ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam sya ng kakaibang hiya dahil sa titig ng isang lalaki. Bigla syang namula na napansin ni Myles.

"Tin, okay ka lang ba? Namumula ang mukha mo. Ang pamasahe natin pakibigay mo na kasi malapit na tayo sa mall." nakangising sabi ni Myles.

"Manong, bayad po. Apat po kami. Sa may mall lang po banda." sabi ni Kristine sabay usog ng katawan sa posisyong di nya nakikita ang mukha ng lalaki.

Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa mall. Bumaba ng dyip si Kristine na nagmamadali upang di na maaninag ang mukha ng lalaki na nakasunod pala ng tingin sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nang Magbiro ang TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon