3rd Person's POV
Tahimik pa din sila.
"It seems like walang gustong magsalita?" pambabasag ni Doc sa katahimikan.
"Darling, ano na ang binabalak mo?" sabi ni Chimi.
Nagsalita ulit si Doc, "Buksan mo ang tv, please."
Since si Mekoi, este Revenge na ngayon ang pinakamalapit sa flat screen tv, sya na ang nagbukas nito.
Rumehistro sa screen ang isang babaeng reporter, sa likod ng nasabing babae ay ang Foxmist High.
"News report: A green haired girl, about 16 or17 years old, has been missing for almost 2 and a half weeks. The girl's name is Arasuna Mekoi, a student studying at Foxmist High---"
Lumapit si Doc sa tv at nilipat ito.
"Kasalukuyang nawawala ang isang dalagita na may kulay luntian na---"
Pinatay na ni Doc ang tv.
"H-honey? Bakit mo pinatay? I thought.." gulat na sabi ni Chimi.
Pati sina Reveille at Revenge ay nagulat din.
Ikaw ba naman ang manood ng tv na tutok na tutok ka, tapos biglang papatayin, ano nalang ang magiging reaksyon mo?
"Hindi nya kailangan yan. Revenge,"
"D-doc.." Tila natuyuan ng lalamunan si Mekoi.
"Chimi, Reveille. Lumapit kayo sa akin."
At lumapit nga ang mag ina. Pati si Mekoi.
Iisa lang ang nasa isip nina Chimi, Reveille at Mekoi.
Mukhang mapapagalitan sila.
Si Doc kasi ay kilala sa pagiging masungit, pikunin o kaya yung tinatawag na "not easy to please" type of person.
Ano nalang ang mangyayari pag nasigawan silang tatlo?
"Family hug."
Nagulat nanaman sina Chimi, Reveille at Mekoi.
Alam ni Chimi na hindi expressive ang asawa. At alam ni Reveille na tahimik at di mahilig sa family hugs and daddy nya.
Weird siguro ang araw na ito.
Bagaman nagulat, nag family hug naman sila. Hinalikan ni Doc si Chimi sa noo. Niyakap nya naman nang mas mahigpit sina Reveille at Mekoi.
"From now on, Mekoi, or should I say, Revenge, is now a part of this family. Wag kang mag alangan sa pamilyang ito, parte ka nito."
"Welcome to the family, Revenge." and then Chimi kissed Revenge's cheek.
Reveille hugged her new sister.
Ang saya kapag may pamilyang ganito, hindi ba?
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
Masayang naghapunan ang Izumi family. Tila may handaan sa loob ng bahay nila dahil sa dami ng ilaw na nakasindi at pagkain na nakahanda.
*Sa labas ng mansyon*
"Inay, bakit ang daming pagkain sa bahay nung doktor? Abot dito yung amoy, oh. *punas sipon*"
"Ahh anak kasi baka may handaan sila."
"Inay, sa tingin ko, nang iinggit nanaman yang mga yan, eh"
"Ikaw na bata ka! Lumapit ka nga dito at nang maturuan ng leksyon! Wag kang ganyan sa kanila, alalahanin mo yung hamon na pinantawid gutom natin noong pasko!" sigaw ng nanay na nanginginig sa galit.
"Oo nay.. Alam ko.. Walang kasing sarap yun. Noon ko lang iyon natikman buong buhay ko. Iyon ang pasko na di ko makakalimutan.." sabi ng anak na hinihimas himas pa ang tiyan. "Inay gutom na ako."
"Irna! IRNAAAAAAA!" Chimi
Ang mag ina na nasa labas ay natigilan sa pag uusap at lumingon sa pinanggalingan ng boses na sumigaw.
"Irna! Pasok kayo dito! Wag kayong mahiya.." malakas ngunit malumanay na sigaw ni Chimi
Lumapit ang mag ina at iniabot sa kanila ang malalaking tupperwares ng sashimi, carbonara at kanin.
"M-maraming salamat po, Mrs. Izumi." sabi ng bata na kanina lang ay nakipag argumento sa inang si Irna.
"Walang problema iyon, Kino. Nawa'y pat---" naputol ang pagsasalita ni Chimi nang sumulpot si Doc.
"Irna, Kino, pasok kayo, humigop muna kayo ng miso soup at ramen." Doc
Kahit nahihiya, napilit ni Chimi at Doc na mapapasok sa kanilang bahay ang mag ina.
"Baka po--"
"Ano iyon, Irna?" Sabat ni Doc
"Baka po kako madumihan po namin ang inyong mamahaling gamit.."
"Ayos lang iyon, hindi ba darling? Wag na kayo mahiya, welcome kayo dito." Chimi
Tumango nalang din si Doc.
Pinasali ng mag asawa ang mag ina sa hapag kainan upang magkasalo salo silang lahat sa pagkaing nakahanda.
Napatingin si Kino sa dalawang dalagita na nakaupong magkaharap sa hapag kainan.
"Ah.. Sino po yung babae na kulay itim ang buhok, yung may pula pong mata?" tanong ni Kino
"Ah, anak, Kino, ito si Ate Revenge mo. Siya ang oneesan ni Reveille." Chimi
"Mrs. Izumi, ano po ang 'oneesan'?" tanong ulit ni Kino
"Ay oo nga pala, Kino, Japanese iyon ng salitang 'ate'. Tita Chimi nalang ang itawag mo sa akin." sabay ngiti ni Chimi nang matamis
"Oh sige na, kumain na tayong lahat! Irna, ikaw ang mag lead ng prayer." Doc
*Irna praying*
Pagkatapos magdasal, kumain na sila, maririnig mo ang ingay ng paghigop nila sa miso at ramen, na nagpapakita kung gaano nila nagustuhan ang pagkaing nakahanda sa hapag kainan.
This day may be normal for some of us, but at the Izumi residence, everyday is a special day. Because a day is a new chance to live.
Kino changed his impression of Doc and the whole family.
The Izumi family shared their food and had dinner with Irna and her son. They are deprived of all the chances in life, but they are considered as family friends of the Izumis.
End of Chapter
BINABASA MO ANG
The Name's Revenge (ON HOLD/EDITING)
ActionCONFIDENTIAL.★★★ A story of a girl revived from the clutches of DEATH. "The sweetest master I have known that turned into a cold and ruthless killer." -Marseille Le Fleur