Third Person's POV
"Ilabas nyo na yan."
"Oh ihanda na ang mga pala n'yo sa paghuhukay."
*phone rings*
"Hello Boss? Opo nakahanda na po ang specialty natin Boss."
Hindi sumagot ang Boss.
Kinabahan ang utusan, walang awa kasi ang boss kapag nagalit ito.
"Specialty KO lang."
Nangatog ang tuhod ng mapag mataas na tauhan. Hihingi na sana siya ng tawad nang----
*TooooooooT*
Binabaan nga siya nito ng telepono.
Ibinaling na lang nya ang atensyon sa ginagawa ng iba pang mga tauhan.
Samantala, si Mekoi ay naalimpungatan, nakaamoy kasi sya ng lupa. Napamulat sya, nakakita sya ng mga taong nag huhukay sa lupa. Naisip nya,
para kanino to?
bakit ako nandito?
Naputol ang pag iisip nya nang maramdaman nyang may tumulak sa kanya para mahulog sya sa hukay. Nagulat sya at the same time natakot dahil sa mga ngisi at tawanan ng grupo sa taas.
"Magsisisi kang kinalaban mo si Boss, kaya kung ako sayo mag---"
She knew what that person will say, and ginagawa na nya ito sa isip nya.........
ang magdasal.
Magdasal na sana ay maka ligtas sya sa malagim na kamatayan.
Isang gabi ng pagsusumbong, kapalit ay habangbuhay na pamumuhay ng kanyang katawan sa ilalim ng lupa.
Wala ng oras para magsisi, magsisi na sana hindi nalang nya itinuloy ang pagsusumbong nya.
Pero ginawa naman nya kung ano ang sa tingin nyang tama.
Kaya sya ang naagrabyado, sila ang mali.
************
"Ihulog nyo na ang lupa para mabaon na sya nang buhay."
Mga palahaw lang ni Mekoi ang maririnig, ngunit malayo sa kabihasnan ang pinagdalhan sa kanya, wala ng makaririnig pa sa kanya.
Halos matikman na nya ang lasa ng lupa.
Nang matabunan na sya, sinubukan nyang huminga at gumalaw kahit alam nyang imposible.
Pinilit nyang huminga pero,
wala na talaga.
BINABASA MO ANG
The Name's Revenge (ON HOLD/EDITING)
AzioneCONFIDENTIAL.★★★ A story of a girl revived from the clutches of DEATH. "The sweetest master I have known that turned into a cold and ruthless killer." -Marseille Le Fleur