II

28 8 5
                                    

»Chapter Two«

Hanggang sa makapasok na kami sa mall ay tahimik lang kaming dalawang naglalakad masyado parin akong naguguluhan sa sinabi niya kanina eh! Biglang tumigil ang bulto sa harapan ko kaya napatigil rin ako.

"Jamie?... yung tungkol sa kanina... ok lang—" Halatang nag-aalangan ito sa sasabihin kaya inunahan ko na ito.

"Mmm ok lang.. ano lang... di ko lang inexpect hehe" Inunahan ko na ito at pagak akong tumawa para di na maging awkward.

"Ahh ok... bout that... I mean it" Heaven knows kung gaano ako kasaya, Ngumiti pa siya at inakbayan ako at sabay na kaming naglakad papunta sa kung saan.

Naglakad-lakad pa kami sa mall pero parang nakalutang ang mga paa sa sahig dahil sa akbay ni Ian Geez mukhang mamamatay ako nang maaga dahil sa heart attack haha pasimple kong ipinulupot ang braso ko sa bewang nito, kinakabahan pa ako nung una pero di naman siya umangal so tinuluyan ko na.

"Ano yun?" Nakakunot noo kong tanong nang lumipad ang tingin ko sa exhibit sa mall, Bumitiw ako sa pagka-kahawak kay Ian at kinusot ang mga mata ko Parang astig na creepy? Kasi Parang ghotic and punk yung theme kasi puro parang mga pang rockstar then gothic yung mga gamit.

Nagulat ako nang bigla nawala sa balikat ko ang braso ni Ian. Pag lingon ko ay naiwan ko pala siya dahil saglit siyang huminto, mabilis ko naman itong nilapitan.

"Jamie pasok muna tayo sa exhibit?" Nakita kong parang interesado ito sa exhibit kaya tumango at ngumiti na lamang ako.

Nang malapit na kami ay nakita kong madaming tao then super crowded pa marami lang talaga siguro yung mahihilig sa mga ganto. Habang papalapit kami ay mas dumadami ang tao, iisa lang kasi ang entrance at exit nang exhibit, habang naglalakad ay may nakabangga pa sakin papasok kaya napadaing ako agad naman akong nilingon ni Ian.

"You ok?" Kita ko ang pag-aalala sa mga mata nito kaya tumango na lang ako para di na ito mag-alala pero hindi ko inaasahan yung sumunod na ginawa niya.

"Kapag mas malapit ka sakin mas less yung chance na masaktan ka, lets stay like this until we get there ok?" Parang bigla akong nabingi at huminto ang aking pag hinga sa ginawa niya at tanging ang malakas na tibok nang puso ko ang naririnig ko, He's on my back, he's like hugging me from behind tapos mas nagkalapit pa yung katawan namin kasi mas maraming tao sa entrance.

Finally. After sometime ay nakapasok rin kami agad siyang dumiretso sa... Di ko alam kung anong tawag dito pero puro knuckles and four fingers yung nakikita ko eh tapos pwede mo pa silang i-try isuot.

"Hi maam, sir! Try niyo po?" Out of curiosity ay sumubok ako, never pa ako nakahawak nang ganitong bagay kaya naman isa-isa ko itong isinuot. Mabigat pala to? Tapos maluwag pa yung iba kaya naghanap ako nang ka size nang fingers ko sa left hand. Nang may mahanap akong four finger na kasya sakin ay nalingunan kong kinakausap nung babaeng bantay si Ian sakto namang pagka-baba ko sa four-finger ay ang pagdating nung babae kinuha niya iyon mula sakin siguro itatabi na nila, tumingin tingin pa ako nang iba pang gothic things hanggang sa mapagod at bumalik kay Ian.

"Mm. Thank you" si Ian.

"Welcome sir" Nakangiting sagot nung babaeng bantay. Hindi na ako nagtanong kung tungkol saan yung pinag-usapan nila at nag aya nang lumabas, bumalik kami sa posisyon namin kanina bago lumabas.

"Do you have fun?" Si Ian.

"Yup. Astig yung mga ganung bagay and also ngayon lang ako nakahawak nang ganun eh kaya natuwa ako" Tumango-tango lang ito at nagpatuloy na kami sa pag lalakad, marami kaming nadaanang kainan sa daan.

Unconditional Love (A Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon