IV

3 1 0
                                    

»Chapter Four«

School

Days passed since Mia's Birthday. Medyo nasanay narin ako na classmate namin si Ian, nasasanay nadin ako sa sudden closeness nila ni Ian.. Siguro..

"Excuse me miss" Napatigil ako sa pagmumuni-muni at tumigil sa paglalakad sa court bago humarap sa nag-salita dahil sa pamilyar nitong boses.

"Mmm? Oh! Sorry.." Nagulat pa ako nang harapin ang isang pamilyar na mukha na may bitbit na box na may mga art material sa loob. Mabilis naman akong umalis sa dinadaanan nito.

"Jamie right?" Huh? Kilala niya ko?? Napakunot naman ako nang kilay ko.

"Alam mo familiar ka sakin.. pero bakit mo ko kilala?" Nilagpasan naman ako nito at inilapag sa isa sa mga mesa ang dala nito.

"Nakalimutan mo na ko? Haha grabe ka naman, Its me Kyle, we're classmates on our fifth grade" Kyle!? As in Kyle yung crush ko nung fifth grade?! O.M.G. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kong siya nga yun. Mas matangkad, mas gwapo, mas ma-appeal at manly lang siya ngayon in short.. Boyfriend material

"Yeah.. Naaalala ko na, Ikaw yung classmate ko na nakasama ko sa detention room dati, sorry di kita nakilala agad. Memory gap hahaha" Para tuloy akong natatae na ewan sa tawa ko kasi kinakabahan na talaga ako! Siyempre yung pangalawa kong crush since nung bata pa ako nandito sa harap ko ngayon tapos na kilala pa niya ako!

"Hindi ka parin talaga nagbabago hanggang ngayon" Natatawang sabi ni Kyle.

"Mm. Siguro nga" Nginitian ko na lang ito.

"By the way anong section mo? Dito ka rin nag-aaral diba?" Tanong niya sakin.

"Diamond. Yep, dito" Sabi ko na lang ang weird kasi tinanong pa niya eh halata naman sa uniform ko haha

"Weird. Same school. Same year. Tapos ngayon lang kita nakita dito sa school? Haha grabe ang lala" Yeah, weird nga.

"Yeah, malala nga" I scoffed.

"Kamusta ka na nga pala? Still living life alone? Si tita?" Napa-kunot naman ako nang kilay ko sa sinabi niya, how did he know that?

"Still alive and breathing. Yeah, Pano mo nalaman? Ok lang naman si mama" Sunod-sunod na sagot at tanong ko.

"Kay Christian ko nalaman. Christian Salazar, diba classmate niyo na siya? By the way good to hear that" Are they friends? Naguluhan ako lalo sa sagot niya.

"Magkakilala kayo? Bakit? I mean pano??" Halos magsama na ang dalawang kilay ko sa pagkaka-salubong nang mga ito sasagot na sana si Kyle nang may mag-salita mula sa likod ko.

"Jamie? Kyle?" I heard Ian's voice.

"You two knew each other?" Nang harapin ko ay nakita kong magkasalubong narin ang kilay ni Ian, mukhang naguguluhan siya sa nakikita niya.

"Yeah, we're classmates before" Sabi ni Kyle na tinanguan ko na lang. Tumango-tango naman si Ian.

"Jamie let's go" Malamig na sabi si Ian.

"Teka sandali! Kyle paano nga ulit kayo nagkakilala?" Matagal pa niyang tinignan si Ian sa likod ko akala ko sasagot na ito pero mali, instead narinig ko si Ian.

"We met somewhere... before" Si Ian. Huh? Ang gulooo! Bakit? Anong reason?

"Huh?" Siguro konti na lang mababaliw na ko ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unconditional Love (A Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon