III

11 5 2
                                    

»Chapter Three«

"Ms. Acosta?" Napa-ayos ako nang tayo nang marinig ang boses nang teacher namin sa Science na adviser din namin, Ghad yariii!!! Terror pa naman 'to.

"Maam?" Papikit-pikit ko pa itong hinarap habang pilit inaayos buhatin yung project ko, please god sana po hindi bad mood si maam ngayon.

"Why are you still here? Late ka na sa klase ko" Late daw sus late ka nga din maam eh! Agad namang umusad ang pila at ako na ang sunod na magsusulat.

"Pang Ilang beses na to hija ah? Sige sulat. Pangalan, Year and Section, Adviser, Contact number, Reason tapos pirmahan mo" Buset na guard na to kailangan pa talagang lakasan yung pagsasalita?!

"Na-late po kasi ako nang gising maam, tinapos ko pa ho yung project ko" Sabi ko habang nagsusulat sa yellow pad na inabot nang guard. Nang matapos ako ay nilingon ko si maam sa likod asan na yun?

"Miss pwedeng pakibilisan di lang ikaw yung late ok?!" Iritadong singhal sakin nang isang babaeng student tss isa pa to nakakairita

Mabilis akong naglakad at tinakbo paakyat ang hagdanan para maabutan si maam buset na yan bat kasi nasa 4th floor yung Science Lab?! Kainis!!

Science Lab

"Sorry I'm late"

"Sorry I'm late" Napatingin naman ako sa isa pang nagsalita at napipi ako kasi siomai mani-mani popcorn sis! Si Ian na late?! First time ata 'to mukhang tinakbo niya rin yung hagdan paakyat ah?

"Sa likod na kayo dumaan, bilisan niyo" Ang ganda naman nang araw na to kahit na late ako, pag-pasok ay wala nang iba pang pwesto kundi sa gitna kaya pumwesto na kami malapit ka Mia.

"Galing ako sa bahay niyo kanina, nauna na akong pumasok kasi male-late din ako kung inantay pa kita, bat ka ba na late? Dito kayo oh" Bulong nito nang medyo malapit na kami sa kanya, nagulat naman ako nang may humawak sa kamay ko sa ilalim nang project ko.

"Umupo ka na ako nang bahala" Medyo nalutang pa ako nang medyo dahil sa ginawa ni Ian pero teka.. Bakit nandito siya sa klase namen?! Sa pagkaka-tanda ko ay magkaiba ang lahat nang teachers namin.

"Thanks Ian, Mamaya na lang Mia" Humarap na kaagad ako kay Maam Celeste pagka-upo ko, panigurado may quiz na naman mamaya.

"By the way class i'm not sure kung nabalitaan niyo na pero nag-retire na ang head teacher nang science department, Si Mrs. Fuentes. Kaya naman isa sa mga student niya ay nalipat sa klase ko, dito satin"

"Please come in front Mr. Christian Salazar, introduce yourself" Sabi pa ni maam at medyo gumilid pa siya napalingon naman kaming lahat kay ian na naglalakd na papunta sa harap.

"Good morning everyone! my name's Chiristian Salazar some of you know me perhaps? Ang also I wanna introduce myself as the new president of Junior Student Government, thank you" Nakangiti siya habang nagpapakilala kaya naman parang nawala yung mga tao sa paligid ko at sa kanya lang nakatutok yung atensyon ko.

Unconditional Love (A Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon