Chapter One

22K 306 2
                                    




"Kriiiiiiing!!! Kriiiiiiing!!"

Tunog ng phone ang gumising kay Gino sa umagan iyun. Pabaling baling siya sa kama saka marahang kinapa ang phone na nakalapag sa lamesita malapit sa kanyang kama.

"Hello?" sagot niya na hindi man lang tinignan kung sino ang tumatawag dahil pikit pa ang mga inaantok pang mata.

"Gino! What the hell!! Where are you!" sigaw ng boses sa kabilang linya na nakapagpamulat bigla sa kanyang mga mata. Pamilyar na boses na kapag naririnig niya ay parang tumatayo ang mga balahibo niya sa nerbiyos, ang kanyang Papa.

"Pa good morning." nakuha pa niyang bati habang paupo sa gilid ng kama.

"Nakuha mo pang mag-good morning? Asan ka na ba? The clients are waiting here!" ani ng matanda.

Tiningala niya ang orasan sa kanyang dingding and he got shocked ng makitang 9am na pala.

"Oh my! Pa sorry. I'm on my way na." sagot niya at dali-daling ibinaba ang tawag at mabulis nang tinungo ang banyo para maligo.

Si Gino ay nag-iisang anak nina Mr. Alejandro at Mrs. Silvia Alarcon na nagmamay-ari ng mga hotels and resorts sa Pilipinas. Nag-iisang anak lang nila si Gino ngunit hindi nila ito ginawang spoiled bagkus ay mahigpit sila dito lalong lalo na ang ama. Kapag nagsalita ang ama ay parang batas na sa kanila kaya naman lumaki si Gino na takot sa ama.

Matapos makapagbihis ay dali-dali na niyang pinulot ang mga papeles na kakailanganin niya para sa kanyang business presentation sa mga kliyente. They are looking for investors sa bagong bukas nilang resort sa Laguna.

Pagdating niya sa kanlang main office ay nasa labas na ng conference room ang ina at ama niya. Halatang galit ang ama sa itsura pa lang nitong nakahalukipkip at kunot na kunot ang noo.

"Where have you been?" agad na tanong ng kanyang ama paglapit na paglapit niya.

Nakayuko lang sya dito.

"Mamaya na 'yan. Naghihintay ang mga kliyente sa loob." putol ng ina nito.

Umirap lang ang ama niya sakanya saka inayos ang kanyang damit bago tuluyang pumasok sa loob.

"Bakit ba lagi ka na lang ganyan huh Gino? Kailan ka ba magtatanda? Alam na alam mong ayaw ng Papa mo ang pinaghihintay siya." sermon ng ina.

"Ma, pwede huwag muna ngayon?" aniya saka pumasok na sa loob.

Ang Papa niya ang CEO ng kompanya at ang Mama naamn niya ang President at si Gino ang Vice-President.

"Sorry for keeping all of you wait, i'll take the blame for that." ani Gino ng humarap na sa mga kliyente nila. Agad niyang sinimulan ang kanyang presentation. Hinintay muna ng Papa niya na makaalis ang mga tao sa conference room bago siya hinarap.

"What was that?" tanong ng ama ng makaalis na ang lahat.

Tinignan niya ito ng mapagtanong na tingin. "What?"

"Kailan ka ba titino huh Gino? Wala ka na ba talagang aatupaging maganda kundi 'yang pagsu-surfing na yan at pati ang mga obligasyon mo dito sa opisina ay nakakalimutan mo na?" singhal ng ama dahil ito sa pagkalate niya.

"Sorry Pa. I didn't mean to and besides tapos na din naman and it went well." mahinahon niyang sagot.

"Hindi ka magtatanda kung palagi kang may rason na lang sa lahat!" galit na tugon ng ama saka binato sa harapan ni Gino ang hawak hawak na folder.

Natahimik lang si Gino at ang ina naman niya ay ganun din. Kung ano kasi ang sasabihin ng ama ay 'yun ang masusunod kahit minsan ay labag na sa kanyang kalooban. Naghahari ang respeto at takot niya dito ganun din ang ina.

Mr. Sunget is my Patient (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon