Chapter Three

12.4K 267 1
                                    

Habang nagtatawanan sina Sir Eddie at Jenny ay nauulinigan iyun ni Gino na lalong nagpa-init sa kanyang ulo. Nakukunot ang kanyang noo na lumayo sa dalawa.

Nang makarating siya sa kanyang tinutuluyan ay padabog na ibinagsak ang phone sa sofa.

"Shiiiit!!!" sigaw niya.

Dahil sa inis ay iisa lang ang makakapagpakalma sa kanyang bararamdaman, 'yun ay ang pagsurf.

Dali dali niyang kinuha ang mga gagamitin niya saka nagpalit ng kanyang swimming trunk saka lumabas ng bahay. Ilang metro lang ang layo ng kanyang kinalalagyan sa dagat kaya naman ay nilakad nlang niya. Paglingon niya sa kinaroroonan ng babae at matanda na sumira sa kanyang mood ay wala na ang mga ito.

Agad siya lumusong sa dagat at taman tama na medyo malalaki ang mga alon sa mga oras na 'yun. Minaniobra niya ang bawat along hahampas sa surfing board niya. Isabg oras din siyang nakalusong sa dagat bago siya umahon at umuwi na.

Habang nagbibihis ay nakatanggap si Gino ng mensahe sa phone niya galing kay Stephanie. Si Stephanie o Steph kung tawagin ng mga kaibigan ay isang Orthopedic Surgeon at dating kasintahan ni Gino na nakilala niya habang nag-aaral ang una bilang doktor.

Bilang mas pinagtuunan ni Stephanie ang pag-aaral at ang practice niya bilang isang surgeon ay nakipaghiwalay siya kay Gino but still they became good friends kahit na ganun ang nangyari. Steph was assign in a Laguna General Hospital as a Surgeon.

"Gino, i heard you're here in Laguna?" tanong ng isa sa text.

"Aaah yes!" sagot naman ni Gino.

"Pasyalan mo naman ako dito sa ospital, we'll gonna have lunch together." anyaya ni Steph.

"Okay. Balak ko talaga sanang pumunta diyan ngayon. I will be there in 30 minutes." sagot naman niya.

Dali dali siyang nag-ayos. Nagsuot lang siya ng pants and hia favorite shirts to wear kung lumalabas siya, collared shirts. Ayaw na ayaw niya nagsusuot ng mga longsleeve polos dahil hindi siya komportable. He only use them when he attend functions and big meetings. Nang makapag-ayos na ay lumabas na suya agad.

Samantala....

Nag makauwi sina Sir Eddie saka Jenny sa bahay ng una ay hindi pa rin makaget over ang dalaga sa oagpapahiyang ginawa ng matanda sa lalakeng may-ari ng resort. Nangingiti pa rn siya kung naiisip niya.

"Sir Eddie next time ulit huh?" aniya sa matanda.

"Salamat ulit s oras mo Jenny. Ang sarap mong kasama kaya naman gustong gusto kitang lagi nandito." sagot ni Sir Eddie.

"Kung pwede lang sana la araw araw Sir kaso may iba din akong mga pasyente.. Hayaan mo pagbalik ko ipapasyal kita ulit pero hindi na doon sa pinuntahan natin baka magalit na naman ang masungit na 'yun. Hehehe." wika sa matanda.

"Sige sige gusto ko 'yan." nangingiting sagot ni Sir Eddie. Nagpaalam na si Jenny sa mag-asawa saka umalis.

Dahil tanghalian na ay dumiretso siya sa kanilang bahay para doon na magtanghalian. Nakaugalian na din kasi ng ama na umuwi para lang kumain, malapit lang naman ang trabaho sa bahay.

"Hello mother earth!" bati sa inang naghahanda ng pagkain sa kusina kasama ng kanilang katulong.

"Mother earth?" kunot noong tanong ng ina.

"Mama, mudra, ina! Hahaha" tawang tawa na biro niya.

"Sa dami ng mga kalokohang alam mo!" sagit ng ina saka pumulot ng maliit na munggo saka binato sa kanya.

"Hahahaha.. Biro lang. Anong ulam?"

"Gumawa kami ng paborito mong Sinigang na isda."

"Wow! Alam na alam ah."

Mr. Sunget is my Patient (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon