Reply Mo

10 1 0
                                    

Nandyan ako nung nasasaktan ka,

Pero bakit di mo man lang ako mareplyan nung sinabi kong, " Kailangan kita. "

Sana si-neen mo nalang ako.

Nang sa ganun alam kong pinagtyagaan mong basahin ang mensahe ko.

Kanina nakita kita, ngumiti ako kasi ngumiti ka.

Ngumiti ako kahit alam kong hindi totoo,

Iyong ngiting binigay mo.

Miss ko na yung kaibigan ko,

Miss ko na yung bunso sa grupo.

Mapait akong napangiti, isasarili ko na naman 'to.

Pero ayos lang, sanay na ako.

Pero sana'y bigyan pansin mo, ang mensahe ko para sayo.

Na nangangailangan ako ng kaibigang makikinig,

Sa mga problema kong hindi ko na alam kung saan nanggaling.

Kahit isang, " Magiging okay din ang lahat, " okay na ako.

Kasi alam kong totoo ang mensaheng nanggaling sayo.

Dark UtopiaWhere stories live. Discover now