Chapter 4

5.1K 96 4
                                    

Hindi pa din ako makapaniwala na napanaginipan ko si Franco Aguillanes noong nakaraang pasko.

January na ngayon. Simula noong napanaginipan ko siya ay nagfocus na lang ako sa trabaho ko. Nasabi ko sa sarili ko na, Prinsipe siya at may-ari ng University na papasukan ko. Ako ay hindi hamak na isang pipitsuging babae lang.

Tinignan ko ang mga kaibigan kong natutulog sa tabi ko. Buti malaki higaan ko at kasya kami. Nagsleep over sila dito dahil nasa Australia sila Mommy. Pinagtour nila Tito Albert doon at baka magwork din sila doon para makaipon.

"Napakaswerte ko sainyo, Sydney at Arisha. Hindi ko na alam gagawin ko kapag nawala kayo sakin. Tinuring ko na kayong kapatid. At ako ang ate niyo. Mahal na mahal ko kayo." Hinaplos ko buhok nila at nagsimula na sa pagtratrabaho ko.

Malapit na ang pasukan kaya kailangan ko mag-ipon. Nakakapagod ito pag nagpasukan na. Ako na magaasikaso samin, nagaaral pa ko at nagtratrabaho. Bibitawan ko na ang pagiging call center agent at magfofocus na ako sa studies ko. Syempre ipagpapatuloy ko ang pagtututor. Kumikita ako ng 40,000PHP per month doon. Habang sa call center ay 19,000 to 20,000 per month.

Nagising na lang ako sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Tulog pa din sila Arisha. Sabado ngayon at walang pasok ang mga bata. Kinuha ko cellphone ko para tignan yung oras. 9AM na pala. Tumayo ako at naghilamos. Naisipan ko na baka gutom na mga kapatid ko. Pagbaba ko nakaamoy ako ng masarap na pagkain.

"Sarap naman ng almusal!" Sabi ko kay Ana. "Gumagaling ka na magluto ha." Tinapik ko balikat niya at naghain. Nakasunod na din pala sakin si Travis at Adel. Pinagising ko na din yung dalawang babae na tulog na tulog para makakakain na.

"Ate. Kumuha na lang kaya tayo ng kasambahay? Para hindi na tayo mahirapan?" Suggestion ni Travis. "Mas madali ang may kasambahay. Tsaka may kasambahay naman tayo dati."

"Saan ka kukuha ng ipapasweldo?" Sagot ko sakanya. Napatango naman yung apat na nakikinig samin.

"Ate naman. May buwanang sweldo sila Mommy. May work ka. May work sila don. O hindi kaya kakausapin ko sila Tito Albert na siya magbayad." Sabi ni Travis. Napaisip ako sa huling sinabi niya. Dahilan para makaltukan ko siy.

"Nag-iisip ka ba? Nandon na sila Mommy tapos si Tito pa yung pagbabayarin mo ng kasambahay? Gwapo ka lang talaga eh! Oo na. Kukuha na tayo. Pero gusto ko yung dati nating kasambay na si Ate Luning!" Sabi ko sakanila at pumalakpak sila sa tuwa. Napag-isip isip ko din iyon para hindi na ko mahirapan pa.

"Mahal. Salamat sa pagkain! Uuwi na kami. Babalik na lang kami mamaya para tumulong sa paglilinis ng bahay niyo." Sabi ni Arisha habang nakipagbeso beso siya sakin.

"Sige. Mag-iingat kayo. Ipapahatid ko na kayo kay Travis. Para hindi na kayo magcommute." Tinawag ko si Travis at sumunod siya ng may sama ng loob. Naistorbo kasi yung paglalaro niya ng Mobile Legends. Lintek na Mobile Legends na yan!

Nagulat ako ng magvibrate ang phone ko na nasa bulsa ko lang pala na kanina ko pa hinahanap. May nagtext at number lang.

From: 09221234567

Good day, Students! This is the Administrator of University of Sta. Elena. We are inviting you to attend the orientation on January 17, 2018 at the gymnasium. Thank you.

Dumaan ang mga araw at linggo.. Pasukan na! First day of school and I'm so excited to meet ny new classmates and to gain new friends!

Maaga ako para sa first class namin. Which is Communication Arts II. 30 minutes early ako at nandon na din ang mga kaklase ko. Tinitignan nila ako at dirediretso na lang ako sa loob at pumwesto sa last row na pinakasulok. May umupo sa tabi ko. Nakita ko at naramdaman ko.

You're Still The One [BOOK 1 & BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon