Chapter 22

1.9K 60 32
                                    

Noong nalaman ko na buntis ako ay sobrang saya ko. Pinangako ko sa sarili ko na aalagaan ko ang sarili ko at mag-iingat ako sa pagbubuntis ko.

8 months na rin ang nakalipas simula noong nalaman kong buntis ako at 8 months na rin ang nakalipas noong iniwan kami ng mga anghel ko.

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Adelaide at Anastacia. Tinititigan ko mga larawan nila. Hindi ko alam na ang mga anghel ko noon ay tuluyan ng naging anghel. Alam kong nasa paligid lang sila. Dahil minsan ay nasa panaginip ko pa sila. Siguro ay hindi pa sila tapos sa misyon nila dito.

Hinimas ko ang tiyan ko. Nakakatuwa naman ang kambal ko, sabay pang sumipa. Hindi ko makalimutan noong araw na nalaman kong kambal ang anak ko, lalo na noong nalaman ko ang gender. Nagpagender reveal ako, walang nakakaalam ng gender. Kundi ako lang.

Flashback

"Mommy! Daddy! Babe! I'm home. Tara po dito sa kitchen may uwi akong pagkain." Nakangiti kong sabi. Kahit alam kong walang nakakakita sa matamis kong ngiti.

Naupo ako sa dining chair at inilabas ako ang cupcakes. Inihain ko sa uupuan nilang tatlo. Narinig kong naguusap sila papasok sa kitchen.

"Kumusta ang check up? Nakita na ba ang gender?" Bungad sakin ni mommy. Tumango lang ako at tinuro ang mga cupcakes.

"Upo po kayo. Kain po tayo." Nakangiti kong sabi. Even Aaron ay wala siyang idea sa gender ng anak namin, at hindi din nila alam na kambal ito.

"Gender reveal ba to babe?" Tanong niya sakin na nakangiti.

"Yes babe." Nang makaupo sila ay nagsalita ako ulit. "Nalaman ko na yung gender. Kaya medyo natagalan ako nagpagawa pa ako ng cupcakes para sa maliit na gender reveal. Kapag kinain niyo yang cupcakes ay may icing sa loob, makikita niyo diyan kung ano gender base sa kulay. Ang blue ay lalaki, ang pink ay babae. Okay?" Tumango lang sila. "Kainin niyo na po."

Nakangiti ako habang pinagmamasdan sila hanggang sa nakita na nila ang icing.

"Bakit dalawa yung color ng icing?" Tanong ni daddy.

Napangiti ako. Nagtataka ang itsura nila na para bang may mali.

"It's a boy and girl." Ngumiti ako ng malaki at iniabot ang ultrasound result ko.

"OH MY GOD! KAMBAL!" Sigaw ni mommy.

"YES!!" Sigaw ni Aaron.

"Congrats anak. Natutuwa ako. Para bang nagreincarnate na si Travis at Anastacia." Sabi ni daddy.

End of flashback.

"Babe, let's eat. Luto na ang pagkain." Ngumiti ako ng lumingon ako kay Aaron. Noong second trimester ko ay sobrang selan ko sa lahat ng pagkain, pili lang ang kinakain ko. Pero ngayon ay hindi na. Ewan ko ba. Sumunod ako kay Aaron kahit parang manas na ako. Inalalayan niya ako pababa ng hagdan. Pagbaba ko ay nandoon din ang family ni Aaron.

"Baklaaaaaa!" Sigaw ni Sydney. "Omg! Ang tagal natin hindi nagkita!" Sinalubong ako ni Sydney.

"Oo nga. 2 weeks siguro ano?" Natawa kaming pareho. Simula kasi nung nalaman niyang buntis ako ay umuwi siya sa Pinas para siya daw magbantay sakin habang nasa work kuya niya.

You're Still The One [BOOK 1 & BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon