2 months later..
I'm still asking him if we can still fix this.
He said no.
He wants to end our relationship and even our communication for good.
Why, Aaron? What's wrong? I know I did something wrong. But I'm really sure that this is yours. All yours! I cannot believe that you're acting like you didn't do this to me. Masakit ba? Naapakan ba ego mo? Inadmit ko naman na nagkamali ako. Inaamin ko na naging tanga ko sa desisyon ko. Hindi ko sinasadya. Sorry. Pero pinagsisihan ko na ang lahat ng ito. Please forgive me. Please let's fix this. I will not do that again.
Sa bawat salitang sinusulat ko,
Sa bawat luha na pumapatak mula sa mata ko,
Alaala natin ang naiisip ko.
Sa mga lumipas na taon, ikaw lang ang nasa isip ko. Iniwan mo ko pero buong puso kitang tinanggap. Kasalanan ko. Alam ko. Pinagsisisihan ko na ang lahat.
Kumuha ulit ako ng isang papel. Tumingala ako sa kisame at ngumiti. Sinimulan kong isulat ang pangalan mo anak. Babae. Babae ang isisilang kong sanggol.
Ipapangalan ko sayo ay
Syvel Cezanne...
Hinimas ko ang tiyan ko at sinimulang isulat ang pangalan niya.
Napakagandang pangalan, hindi ba?
Habang sinusulat ko ay patuloy pa din ako sa pag-iyak. Hindi ko alam..
Pero sa bawat kumpas ng aking kamay ay sakit ng aking dibdib ang nararamdaman.
Tumayo ako at pumunta sa kusina. Tinignan ko ang orasan namin sa kusina.
"Alas dies na pala ng gabi." Sambit ko atsaka uminom ng gatas. Pagkatapos ko sa kusina ay sinilip ko sila isa-isa. Lahat sila ay tulog na. Napangiti ako sa hulong kwartong pinuntahan ko. Nakita kong magkayakap na natutulog si Mommy at Daddy. Naimagine ko kami ni Aaron pagtanda. Ganito din kaya kami? Sweet pa din kaya kami sa pag tanda naming dalawa? Napabuntong hininga ako at sinara ko na ang pinto.
Pumasok na ako sa kwarto ko at napagdesisyunan ko ng mamahinga. Panibagong araw na naman ang kakaharapin ko paggising ko.
Dalawang buwan na ang lumipas. Limang buwan na ang dinadala ko. Apat na huwan na lang at makakapiling na kita, Anak. Hinimas himas ko ang tiyan ko at agad ng nakatulog.
Sinag ng araw ang gumising sakin. Nakakasilaw. Bukas na ang kurtina pati ang bintana. Tinignan ko ang orasan ko. Alas otso na ng umaga. Alas dies ang pasok ko sa school. Pumapasok pa ako dahil inaallow pa ako ng OB ko.
"Good morning, Ate." Salubong sakin ni Ana.
Ngumiti ako. "Good morning everyone. Ops! Sumipa si Baby!" Natawa kaming lahat at lumapit sila sakin para himasin ang tiyan ko. Lagi nilang himihimas at kinakausap si Baby. Minsan nga ay binabasahan pa ni Ana at Adel ang Baby ko. Kung minsan naman ay pinapatugtugan at kinakantahan nila.
Naupo ako sa pwesto ako at sinabayan silang kumain. Pinagmamasdan ko sila kumain. Ang saya nila Mommy. Nagsusubuan pa. Sana pati kami ni Aaron sa pagtanda ay ganito din.
"Anak. Bakit hindi mo na ginalaw ang pagkain mo?" Tanong ni Daddy.
"Wala na po kasi akong gana. Una na po ako sa taas papasok pa po ako." Tumango sila at pumunta na ako sa kwarto para mag-ayos.
Pagkadating ko sa school ay sinalubong ako nila Siena. They're obviously waiting for me.
"Kumusta?" Bungad sakin ni Kate.
"I'm fine. Medyo hindi nakatulog ng ayos. Dami ko iniisip." Pumasok ako sa room at binaba ko ang bag ko.
"Kumain ka na ba?" Tanong ni Siena. Tumango ako. Hinimas niya ang tiyan ko at ngumiti. "Laki na ng bebe na yan ha." Lumapit na ang iba kong kaklase para humimas din sa tiyan ko.
"Gawin ko kayang negosyo to? 50 pesos kada himas." Natatawang sambit ko.
May mga umangal at may mga sumang-ayon. Mga bugok talaga. Naupo na kami sa kanya kanya naming pwesto dahil dumating na ang professor namin.
"Oh, nandito pala si Buntis. Akala ko ba ay hindi ka na papasok?" Panimula niya.
"Pinayagan naman po ako ng OB ko." Ngumiti ako. Tumango siya at nagsimula ng magdiscuss. Habang nagklaklase ay hinihimas ko ang tiyan ko. Nararamdaman ko kasing umiikot siya at minsan ay sumisipa siya. Nakikinig din siya.
Hanggang sa matapos ang klase ay nakailang sipa siya. Siguro ay natutuwa siya.
"Nag-uusap na ba kayo ni Aaron?" Bungad sakin ni Kate pagkalabas na pagkalabas ni Sir.
"Hindi eh. Pagod na akong suyuin siya. Wala naman na kong magagawa." I just realized na hindi ko na siguro dapat habulin pa si Aaron. Kaya ko na to. Ako na lang ang tatayong ama't ina sa anak ko.
Nagpunta kami sa canteen at nakita kong may pinagkakaguluhan. Nakita ko kung sino. Si Aaron. Bumalik na pala siya.
Lalapitan ko sana siya pero may kasama siyang babae. Yung babaeng sinabi niya saking kaibigan niya. Yung babaeng dahilan ng break up namin noon. Kasama niya dito sa school.
Naramdaman kong humawak sakin sila Cindere. Nasa likod din si Zane. Mag boyfriend at girlfriend na kasi sila ni Kate.
"What the fuck?" Narinig kong bulong ni Siena.
"Ang tigas ng mukhang magpakita dito sa school ha." Narining kong sabi ni Zane.
"Tara alis na tayo." I said. Tatalokod na sana ako pero biglang sumakit ang tiyan ko ibang sakit ang nararamdaman ko para bang sinuntok ako na sinaksak. "Ah!" Napahawak ako sa tiyan ko at napakapit din sa katabi kong hindi ko na alam kung sino. Tinignan ko ang tiyan ko at may pumukaw saking mata.
"Sofie! Dinudugo ka!" Malakas na sabi ni Zane. Nakita kong napatingin si Aaron sa side namin. Agad akong binuhat ni Zane at lumabas kami ng canteen.
"Zane.. Please save me and my baby." Mahinang sabi ko.
"Yes, I will. Dadalhin ka namin sa hospital. Wag ka matutulog. Kumapit ka. Lakasan mo loob mo. Okay?" Sabi ni Zane na parang naiiba na ang boses. Napahinto siya ng may humarang sa dinadaanan namin.
"Ako na magdadala sakanya sa hospital." Napatingin ako sa nagsalita.
"Back off, Aaron. Kami na magdadala sa hospital." Nakita kong tinulak ni Siena si Aaron pero ayaw niya magpatinag. Unti unti na din lumalabo ang paningin ko. Unti unti kong pinikit mata ko.
Nagising akong nasa hospital na. Nilibot ko ang tingin ko. Nakita ko si Travis.
"Ate." Maga ang mata niya.
"Umiyak ka ba?" Mahinang sabi ko. Nanghihina ako. Parang kulang ako..
"Ate.." Umiyak na siya ng tuluyan at niyakap ako "Ate. Lakasan mo loob mo." Hikbi niya. Pati ako ay napaiyak na ng hindi ko malaman ang dahilan.
"Travis. Ang baby. Nasaan ang baby ko?" Tinignan ko ang tiyan ko at hinawakan. "Travis! Yung baby ko!"
"Ate. Wag ka sumigaw at umiyak. Makakasama sayo yan." Niyakap niya ulit ako.
"Travis! Yung anak ko!" Pagwawala ko. Hinampas hampas ko ang likod niya. Alam ko na...
"Wala na si baby, ate.."
Para akong tinanggalan ng buhay.
Hindi ako makakibo.
Nawalan ako ng boses.
Huminto ang mundo ko.
I carried her for 5 months.
Why?
Bakit hindi man lang ako hinayaan na makita at mahalikan siya?
BINABASA MO ANG
You're Still The One [BOOK 1 & BOOK 2]
Teen FictionStart: December 4, 2018 Completed: October 29, 2019